Pagmamahal

9 0 0
                                        

"Mahal na mahal kita Agatha"~sabi ni Ian sa kanya.

Mahal na mahal ni Agatha ang kanyang kasintahan, dahil ito ang una at huli nyang mamahalin. Iyon ang napangako nya sa kanyang sarili.
Pero, kaya ba syang ipaglaban ng mahal nya kahit hadlang ang sanlibutan sa kanya.
Naputol ang pag iisip nya ng bigla hawakan ni Ian ang kamay nya. Mainit ito at gustung gusto nya ito kapag magkahawak sila ng kamay.

"Agatha, may sasabihin nga pala ako."~sabi ni Ian sa kanya.

Tumango lang sya hudyat ng Oo.

"Sa isang linggo ay uuwi sila mama galing states. Gusto kong ipakilala kita ng personal"~ngiti ng kasintahan.

Napatigil sya at natulala..

"Pero Ian, kinakabahan ako. Isa pa, nung..."~bigla ito napatigil ng dumating ang kanilang kaibigan na si Mikee.

"Agatha.. Pinapatawag ka ni Mr. Cruz."~kabado sa pagsasalita si Mikee.

"Bakit daw?"~takang sabi nito.

"Hindi ko nga alam eh. Hindi naman bad mood."

"Sige Agatha, puntahan muna si Mr. Cruz. Pupunta muna ako ng library. Basta magtext ka sa akin kung ayos na ha?! Para sabay na tayo uuwi."~sabi ni Ian.

Tumango lang si Agatha. Oo, hindi siya malambing pero lahat naman ay ginagawa nya para maging okay silang dalawa ni Ian. Pero ang ipakilala nito sya sa mama nito ay sadyang nakapagpakaba sa kanya. Ramdam nya na ayaw sa kanya ng mama nito ng minsang magkausap sila sa telepono.

Isang araw na napapunta sya sa bahay ni Ian ay bigla na lang nag ring ang telepono.

kring...kring...

"Agatha, paki sagot muna. Tatapusin ko lang itong niluluto ko." Nasa kusina ito at nagluluto ng chopseuy para sa kanilang pananghalian.

"Sige.."

"Hello po, Guevarra Residence. Sino po sila?"~ sabi nya.

"Sino ka? Maid ka ba ng anak ko?"~sabi ng nasa kabilang linya.

"Ay ma'am hindi..."~naputol ang kanyang sinabi ng bigla.

"Ah, baka ikaw ang babaeng gahaman sa yaman namin. Sya nga pala ineng, sa totoo lang ay kilala kita. At ayokong ayoko sa iyo para sa unico ijo ko. Kung ako sa iyo ay layuan mo na sya."~sarsastikong saad ng nasa kabilang linya.

Mangilidngilid ang luha nya ng marinig nya ito. Hindi sya gahaman. Mahal nya si Ian, iyon ang nararamdaman nya. Wala syang pake kung mayaman man ito. Itinuturing nya din si Ian na ka level din nya na sakto lang sa buhay.

"Gusto kong makausap si Ian."~sabi bigla ng nasa linya.

"Ah sige po, tatawagin ko lang po."

Hindi na nya pinakinggan pa ang sasabihin ng mama ni Ian. Dali dali nyang tinawag ang kasintahan nito para maitago ang malapit ng bumagsak na mga luha.

"Ian, ang mama mo.. Gusto ka daw nyang makausap."~malungkot na sabi nya.

Napansin agad ito ni Ian. Bago kausapin ang mama nya ay siniil ni Ian si Agatha ng halik sa labi.

Mahal nya si Agatha pero hindi nya alam kung bakit tulala ito at parang iiyak na.

Nagbitaw ang kanilang mga labi.

"Hi ma, bakit ka napatawag? Nakausap mo na ba si Agatha?"~nginitian nya si Agatha pero ang babae ay malayo ang tingin.

"Ah talaga ma?! Sige.. Salamat... Iove you ma."~tapos nya at baba ng telepono.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Mar 15, 2017 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Ikaw lang at wala nang iba (On-going)Stories to obsess over. Discover now