May mga bagay sa mundo na sadyang hindi mo mapaliwanag.. gaya na lang ng bakit ka nya iniwan? Bakit ka nya pinagpalit? Bakit di ka maganda? Bakit di ikaw ang gusto nya? Bakit di ka nya mahal? O bakit hanggang ngayon mag-isa ka? Mahirap di ba? Kasing hirap ng algebra at calculus na kahit anong memorize mo sa formula at steps ay di mo pa rin masagot-sagot. Or kahit alam mo ang sagot hindi mo maipaliwanag bakit iyon ang sagot? Bakit X hindi Y? O bakit y hindi x? Ang malupit pa dyan eh, di lang naman ang tanong na "Bakit" ang mahirap ipaliwanag eh. Andyan pa ang "Paano": Paano ba magmahal? Paano ba mag-isa? Paano ba ang mag move on? Dami di ba?; "Ano": Ano pa ba ang kulang? Ano pa ba ang pwedeng gawin?; "Sino": Sino sya? Sino ba ko?; o yung mga salitang ginawang tanong gaya ng: "Kaya ko ba to?", "Magiging okay lang kaya ako?", "Mahal mo na ba sya?". Ahh basta! Napakaraming tanong and for sure, napakarami rin sagot. Isa-isahin naten? Game!
YOU ARE READING
Question and Answer
RandomMga katanungan na walang siguradong kasagutan. Case to case basis kumbaga. :)
