Simulan natin sa pinakasimula
Pinakasimula ng ating pag kakakilala
Sa simulang iyon hindi pa kita gaanong kilala
Nagulat nalang ako ng bigla kang gumawa ng panimula
Panimula na naging daan para makilala natin ang isat isa
Pero bago pa natin makilala ng lubusan ang isat isa ako'y iniibig mo na pala
Teka teka! Wag kang maingay. Sabi lang naman nila
At ang akala kong sabi lang nila
Itoy totoo naman pala
Sabi mo akoy iyong liligawan
Upang makuha ang aking oo ay iyong kukunin ang araw at buwan
Pero biro lang di ka naman makatang langgam para mag sabi ng ganyan
Hanggang sa akoy napaibig mo na
Tumagal ng dalawang buwan
Ikay nanliligaw pa rin ba?
Di ko na alam aba!
Basta't alam ko lang parehas ang ating nararamdamang dalawa
Bakit di ko alam? Dahil wala naman akong nakikitang pag hihirap
Pag hihirap na ginagawa para matupad ang pangarap
Dahil bat alam mo na na akoy sayo na?
Pero sa simula napapansin ko na ang pag hihirap ay wala naman talaga.
Kaya't ikay aking sinubukan.
Sinabing itigil na ang lahat
At ikay aking titigilan
Titigilang mahalin
Kahit ang dahilan ay di sapat
Akala ko iyon ang magiging sulusyon
Akala ko! Akala ko...
Pero lahat ng iyon ay talagang akala ko lang.
Bakit?
Dahil di ka na gumawa ng paraan para manumbalik tayo sa nakasanayan
Di ka na gumawa ng paraan para makita ko ang pag hihirap sa yong pinapangarap.
Ang tanong. Ako'y pinapangarap mo nga ba talaga?
O ginusto at sinubukan mo lang?
Oo! Ako yung tinutukoy kong pinapangarap!
Osige kung yan ang gusto mo
Sige ituloy mo lang
Sige pag bibigyan kita
Sige kahit alam kong masakit
Sige lang
Dahil kasalanan ko din naman
Kasalanan ko din namang subukan
At dito natapos ang ating pag mamahalan. Dito na natapos ang lahat. Pag katapos ng dalawang buwan. Wala na
Pinilit kalimutan ka pero wala!
Sinubukang palitan ka pero di kinakaya
Ikaw. Ikaw parin hinahanap ng tanga
Pero anong magagawa ko?
Ayaw mo na.
