Kasunod nito ang pagdalo nina Kyle at Bryle na dating inirereto sana nina Rubie at Rhyna kay Janice... at ang Golf Tournament Champion na in-interview nilang si Mr. Tomb. Ilang saglit pa ay makakarinig sila ng 'Drum and Lyre Band'.

"Nandiyaan naa aaang Braaayd!", sigaw ni Rubie sa lahat

Tugtog ang theme song na 'If We Fall In Love', lalantad sa lahat ang karwaheng nakatakip ang silyahan na ang unang bababa ay ang lolang gawa ni Monique Lhuillier ang gown. Susundan siya ni Leo sa tabi na magbibigay sa kanya ng mineral water at ito ay iinumin. Ngingiti ang lola sa iba.


"Si Janice po???", tanong ni Rubie sa matanda

"Ayun siya!", turo ng lola sa kurtina ng karwahe. Sapatos na puti na may butterfly design ang makikita ng lahat. Ang heels? Nasa apat na pulgada. May stockings na suot at may glitters na pink ang tokong. Simple lamang ang T-shirt nito na ipagtataka ng lahat. Nakatalikod at mababakas ang diri sa mga manunuod. Pagharap niya sa audience ay naka-pout ang lips na todo ang mukha sa make-up na ilalantad.

"Soooorprayyyyys!", sabi ng lumabas na pandak

NYEEEEEK!

Pupuntahan ito ni Rhino at bubulungan sa tenga, "Huy! Umayos ka naman diyan... Huwag mong pahiyain kuya mo rito!"

"Kuya...", banggit ng lumabas na beki kay Rhino, "Ipe-present ko lang yung inayusan ko na bride sa parlor ko kasama ng mga julalays... Anyways!", tatawagin ang atensiyon ng mga naghihintay sa labas, "I think we should start na..."

"Okay mga Cous!!! Let the ceremony begin!", hiyaw ni Rhyna na magpapatigil sa tugtog ng lyre at pagpila ng mga maglalakad sa red carpet papuntang aisle.








Tagaytay Highlands.

Set in a very romantic aureole with waving trees and overlooking volcano on top of the church. Maraming NBI officials at pulis ang nagbantay for emergency purposes. Ang kumakanta ng Opening jingle sa pinakaunahang luhuran ay ang rising singer na si Mary Ludovice na sa pagdilim ay magkakaroon ng CD Tour sa Sitio Bartolome II Covered Court. Naglakad ang ring bearer na si Gilson kasama ng mga chikiting na flower girls at cute angelic boys. Sinundan ito ni Rubie na siyang 'Maid of Honor' at Trumpet na 'Best Man'. Nariyan ang mga ninang na sina Madam NJ, Tita ni Janice na nanay ni Leo, Maria Ressa ng ABS-CBN at Leila De Lima na napatalsik sa Department of Justice. Ang mga ninong naman ay sina Manager assisted by his enticing wife, Manny Pangilinan ng TV5/ Smart Communications, kakambal ni Louie Vitton Chan na si Randy Vitton Chan na may-ari rin ng LVC, at Sir Francis Tolentino na dating alkalde ng Tagaytay. Sina Leo at Virgo naman ay nanguna sa mga abay... Rhyna at Vince... Karen at Alvin na nagkakamabutihan na rin... Jaynel na hiniram sa tabi ang French boyfriend ni Rubie... mga magulang ni Virgo Sy... Dra.Torecillo at panganay na lalaki... Tado at asawang kapatid ni Lawrence... Rhino with Lola ni Janice... ibang mga staffs...guests... at ang pinakamagandang babae doon na magmumula pa sa karwahe ang walk. Bababa at...






"Woooooooah!", pananabik ng lahat kasama na si Lawrence at nanay nito sa harapan.

Puting kasuotang gawa sa pinya at may mahabang tela sa likod ang dala ni Janice. Maganda ang ayos ng buhok, mapula ang mga pisngi na tinatakpan ng belo na see-through. Dahan-dahan ang lakad ng bride, may hawak na bouquet, madadaanan niya sa carpet ang mga flower confetti at mga sumusulyap na nakatayong bisita, pagdating sa lugar nina Lawrence ay kukunin ng groom ang kamay nito at ngingiti. Pupunta sila sa harapan na nakahanda ang pari, ang lamesa, at ang malaking krus. Si Father Arevalo na nadestino na sa Tagaytay Chuch ang isa sa nagpalaki kay Lawrence at ang napiling maghandog ng seremonya ng kasalan ng dalawang itinadhana.



"Sa ngalan ng ama... ng anak... at ng Espiritu Santo! Amen... Narito tayo lahat upang saksihan ang natatanging pag-iisang dibdib nina Lawrence Rudolf Guanzon at Janice Behosano! Bago tayo magsimula, may iba pa bang tututol???", banggit ni Father Arevalo na sa gitna ng katahimikan ay may biglang sisigaw sa likod

HINDI MAAARI!!! Magtataka ang lahat at lilingon sa entrada.

"Father...", wikang umiiyak na buntis na babae na ikasisimangot ni Janice kay Lawrence,"Hindi po maaaring mangyari iyan! Bendisyunan po ninyo muna ang aking lolo!!!"

"Huh??? A...anong?", pagtataka ng pari at lahat ng naroroon sa loob hanggang sa ipasok ang isang kabaong papunta sa aisle. Kakausapin ng pari ang ikakasal, "Ay! oo nga pala... may nakiusap sa akin na puwede kong isingit kahit saglit lang ang bendisyon sa lolo niyang ipapalibing na nila kasi flight na ngayon ng ate niyang pauwi sa HongKong at ito ang pinakamalapit na simbahan sa kanilang lugar"

"Ah... Wala pong nabanggit ang organizers namin eh!", reklamo ni Janice sa pari

"Oo nga kasi ngayong oras lamang nila ipinakiusap ito at ilang beses na rin akong nakiusap ngunit nahahabag naman ako sa karukhaan nila...", banggit ng pari na lilipat kay Lawrence ang tingin, "Anak???"

"Ah... sige na po! Maghihintay na lang po kami sa tabi!", ani Lawrence na bubulong sa naiinis na magiging kabiyak, "Jans... sige na! Pagbigyan na natin ang patay! At least tayo humihinga pa naman 'di ba? Tsaka kawawa naman si Father... parang tatay ko na iyan!"

"Huh! Well...", inis na itsura ni Janice na biglang ngingiti sa kausap, "Kaya nga ako na-in love sa iyo kasi matulungin kang tao!", hahalikan sana ni Janice si Lawrence nang iurong ng lalaki palayo ang mukha ng babae sa kanya

"Huy! ano ka ba... mamaya na! Kapag YOU MAY KISS THE BRIDE na!"




"Ay! Oo nga pala anu! Sorry po... Sorry Father...", wika ni Janice na sasamahan ni Lawrence sa tabi upang magbigay daan sa bendisyon at speech sa patay. 


Makalipas ang isa't kalahating oras ay balik na ulit sa normal ang lahat. Wala nang tumutol bagkos ay tuluy-tuloy ang pagbabasbas, paglalagay ng mga simbulo, pagpapalitan ng wedding vows, pagpirma at siyempre ang halikan.

"Yes!!!", masayang sigaw ng pari na nasa tabi ang mga sakristan, "You may kiss the bride!"

Pagtanggal sa belo ay hahalikan na sana ni Lawrence si Janice ngunit nang maamoy ang bibig ay uurong. Natuyuan kasi ng laway si Janice na nakatulog sa bendisyon ng patay kanina. Nang sumenyas ng mabaho si Lawrence ay kinuha ni Janice ang gargle na baon sa bulsa at minumog saglit at dinura sa harapan. Mauulinigan muli ang hiyawan ng tao... KISS!




 Sa sobrang pagpilit ay dahan-dahang hahawakan ng dalawang palad ni Lawrence ang mukha ni Janice at hahalikan ito sa labi ng matagal. Magsisipagpalakpakan ang lahat, tutunog ang kampana, magsasaboy ng mga confetti at picture takings...

If we fall in-luvWhere stories live. Discover now