"Hello???",usisa ni Janice sa cellphone na lumabas ng opisina upang mas malinaw na marinig ang kausap

Voiceover: (lalake)"Happy Birthday Sweetheart..."

"Si... sino ito?",tanong ni Janice sa matinis at parang Intsik na boses

Voiceover: (lalake)"Kilala mo na kung sino akin ngalan... ang hindi mo alam kung sino akin sinama...". Ipapadinig ng kausap ni Janice ang tinig ng lola... "Apo? Janice! Tulong Janice! Sasaktan nila ako!"

"Lola???",unti-unti nang magagalit ang tinig ni Janice na mapapansin mula sa pintuan ni Jaynel at sesenyas ito ng okay lang siya. Tatango si Jaynel at babalik sa loob.

Voiceover: (lalake)"Salamat pala sa tinapay at corned beef ah... Pasensiya at ubos amin ang sunny side up sa kawali eh tiyempong kita amin lola mo kaya kuha na lang amin!"

"Sira Ulo ka! Napaka-walang hiya mo! Ano bang kailangan mo sa akin?", dagdag ni Janice na lalayo pa sa kanilang opisina

Voiceover: (lalake)"Ikaw!!! Ikaw akin need dito... Iyo tanggap na ba gift?"

"Anong gift?",tanong ni Janice na madidinig ang hagulgol ng matandang lola, "Huwag mong gagalawin ang lola ko!"

Voiceover: (lalake)"Hindi namin gagalawin kung susunod ka akin nais!"

"Paksyet... Sige! Kung iyan ang gusto mo! Pupunta ako diyan!"

Voiceover: (lalake)"Magaling! Mag-isa ka la-ang... walang kasama... lumabas ka ng basement ngayon din! Baka dun kita mo package na parating!"



Mabilis na bababa sakay ng elevator si Janice ngunit mapapansin muli siya ni Jaynel.Magtataka ang kaibigang staff pero magli-lip talk ng: BASEMENT si Janice habang tahimik sa kausap na makikinig.

Voiceover:(lalake) "Isang napakasayang birthday celebration para iyo Madam Janice Behosano! The National Journalist of the year... the summa cum laude... the dedicated researcher... a good friend... a loving daughter... the heartbroken... the..."

"Huwag kang epal!!!", malakas na tinig ni Janice na magpapabukas ng pinto ng elevator at maglalakad kaunti papuntang basement, "Kung alam mong kaya mo akong lasunin gaya ng mga gatas na binebenta mo...Nagkakamali ka! Wala kang takas sa batas!"

Voiceover: (lalake)"Oh??? Wala? as in super wala? Puwes! Oras mo na ring mawala!!!!Ha ha ha ha ha!"

"Hayop...",putol na nagngingitngit na banggit ni Janice at agad may hahawak ng kanyang bibig na may panyong pampahilo. Susubukang magpumiglas ng babae at maihahagis ang cellphone sa hindi kalayuan. Agad itong isasakay sa mamahaling kotse ng dalawang alalay at magsisimulang tumakas.

Voiceover: (lalake) "Haha ha ha ha ha ha ha ha ha ha ha Ahihihihi!", patuloy na maririnig sa cellphone ng may kaarawan



Wala pang isang minuto ay siya namang pagdating ng van nina Lawrence sa tapat ng main entrance ng Broadcasting Company.

"Oh! Sige na Tol! At ako na ang bahala sa iba pang package!", sambit ni Trumpet naiiwan sa kasama ang regalo para kay Janice

"O... okay lang basa iyo Tol?", usisa ni Lawrence

"Weeew! Ako pa! Tsaka birthday mo naman kaya pagbibigyan kita ngayong araw! Basta yung tunggaan natin mamaya ah", sambit ni Trumpet na imamaneho muli ang sasakyan.

"Ha ha! Ipipilit mo talaga ah! Sige na nga... Basta ikaw!", masayang wika ni Lawrence na bibitbitin ang package at aapak sa pathway

"Tsaka... pilitin mo na ring mapa-oo si Janice! In Love din yun sa'yo nuh!"

Mapapangiti na lamang si Lawrence sa kaibigan at kakaway sa pagharurot nito. Magpapakita ng ID si Lawrence sa mga guwardiya sa lobby at pasasadyaing papuntahin sa Broadsheet Area as guest. Nang marating ang opisina ay hahanapin ni Lawrence ang dilag.

"Excuse me...",sabi ni Lawrence

"Yes???",usisa ni Jaynel na nakikipag-sayawan

"Nariyan po ba si Miss Janice Behosano?"

"Oh! The Birthday Girl... wait", sambit ni Jaynel na magpapaalam sa ibang kasayawan at sasamahan si Lawrence sa labas, "She went out for awhile but if you want to insist..."

TING! -tunog ngelevator

"Tara! Parang nabanggit niya kasing pupunta siyang basement kanina...", sambit ni Jaynel na pagkabukas ng pinto ng elevator ay haharang sa daraanan ni Lawrence. Sa pagmamadali ay masasagi ng harapang zipper ng pantalon ni Lawrence ang matambok na puwet ng staff.

"Oops! Sorry po Sir!", sabi ni Lawrence kay Jaynel

"It's okay...",mahinhing sagot ni Jaynel at sasabayan si Lawrence sa loob ng elevator. Pagkaandar ng elevator ay pangiting bubulong ito sa gilid,"Ang guwapo! Hmm..."

Pagdating sa may basement parking area ay wala silang makikitang babae. Naghanap-hanap din sa may bandang basurahan si Lawrence habang bitbit ang regalo nang subukang kontakin ni Jaynel ang cellphone ni Janice. Nag-ring ito at dadagundong sa isang maliit na hump. Pupuntahan ng dalawa ang cellphone at makikita... basag ang lens at gasgas ang ilalim at may kapirang-goat na kukong naipit sa sirang LCD Protection Film.

"Oh my... masamang pangit... tain!", sambit ni Jaynel at mapapangangang titig si Lawrence sa kanya habang hawak ang cellphone ni Janice, "Oh! Bakit ka nakatingin sa akin?"

"Ang guwardiya!!! Tanungin natin!", kinakabahang sabi ni Lawrence at pupunta sa nagbabantay ng entrance-exit ng sasakyan.

"Mga pogi, excuse us"ani Jaynel sa mga guwardiya, "Have you seen Janice Behosano?"

"Po??? Si Miss Behosano po?", banggit ng isang nagbabantay

"Hindi... Hindi...si Charo Santos-Concio ang peg namin! Sinabi na 'di ba? Kaloka!"

"Ah... Sir, may pumasok ba ritong kahina-hinalang sasakyan o tao?", sabi ni Lawrence

"Sasakyan? check po namin sa cctv's pero may nakita kaming Volkswagen kanina na bago lang sa mga mata namin! Ang gara nga eh! Tapos nagbigay ng ampaw sa amin yung drayber na ang nakalagay naman eh..."

"Thank You???",sabi ni Lawrence at nang mapa-oo ang guwardiya ay alam na kung sino ang may tangay kay Janice. Habang nakikipag-usap si Jaynel sa mga guwardiya ay bubuksan naman ni Lawrence ang regalo para kay Janice at makikita ang isang China-made na glass shoe na walang kaparis at isang note na nakadikit sa heel nito:

THIS IS YOUR DAY... MY CINDERELLA!

LET ME ENTER YOUR HEART FOR SECOND TIME

SINCE YOU'VE KIDNAPPED MINE

NOW, I'LL KIDNAP YOURS WITH THE OTHER SHOE IN SHINE...

"Haaaaaah! Kinidnap si Janice!!!", bulalas ni Lawrence na ipapatingin ang note sa iba, tatawagan si Madam NJ at magpapahingi ng tulong sa iba pang kaibigan ni Janice Behosano.

If we fall in-luvWhere stories live. Discover now