Gusto ko nang kalimutan ang lahat, to start a new life with him.....with my family...my love ones. Tapos na ang laban ko. Mabubulok na sa kulungan sila francisco. Wala nang manggugulo sa amin. Isang malaking kalabisan na ba kung hilingin kong, sana ay maging masaya na kaming lahat? Na sana kalimutan na namin lahat ng nangyari?

Gusto ko nalang palitan ang mga mapapait kong alaala ng mga masasaya. Gusto kong alalahanin ang mga alaala nang taong nagbuwis ng buhay, lalo na ang buhay ni buddy nang masaya at walang halong sakit. Gusto kong paka-ingatan ang mga alaalang iniwan nila sa 'kin. Gusto kong mahalin ang buhay ko katulad nang pagmamahal ni buddy rito.

Si buddy....alam kong namatay siya dahil sa 'kin. At gusto kong alalahanin siya bilang isang kaibigang handang gawin ang lahat para sa 'kin.

"Pwede bang magsimula tayo ulit Gabriel?" Mahinang tanong ko.

Tiningnan ko siya sa mata. Hindi siya sumagot tanging titig lang ang nagawa niya habang buhat buhat ko. Natatakot ako na baka ayaw na niya. Na baka galit na talaga siya. Baka hindi na niya ako mahal at tanging galit nalang ang nararamdaman niya sa 'kin. Natatakot ako.

Napapikit nalang ako. At biglang napapitlag nang makarinig ako ng sunod sunod na putok ng baril. Nabalot ng takot ang buong sistema ko nang muli kong balingan si Gabriel. Nagsisimula na itong maglakad ulit habang buhat pa rin ako. "W-What was t-that?" Kabadong tanong ko.

"I-I dont know!" Aniya.

"I-Ibaba mo ako!" Natatarantang sabi ko sa kaniya. Pero hindi man lang niya iyon pinansin bagkus ay nagtuloy tuloy pa rin siya sa paglalakad. "Gabriel!" Sigaw ko. "Ibaba mo sabi ako!" My god! Ano na naman bang nangyayari! Sana walang napahamak! Shit!

"No!" Sigaw niya pabalik.

Sinamaan ko lang siya ng tingin. Ang kulit! "Kapag hindi mo ako binaba, tatalon ako. And i swear wala akong pakialam kahit mas lalong dumugo itong sugat ko." Sabi ko.

"What the hell?" Iritableng aniya atsaka muling huminto sa paglalakad. "Ang tigas ng ulo mo!" Sabi niya pa atsaka ako dahan dahang ibinaba. Napairap nalang ako. Ibababa rin naman pala ako, aarte pa. "At san ka naman pupunta?!" Inis na tanong niya nang mabilis akong naglakad papunta sa kinaroroonan ng barilan.

Hindi ko siya pinansin. Nagpatuloy nalang ako sa paglalakad habang sapo sapo ang aking sugat. Napangiwi ako at pilit binalewala ang sakit. I need to make sure that they're safe. Hindi ko mapapatawad ang sarili ko kapag may nangyari sa kanila. Hinding hindi ko mapapatawad sila francisco kapag may buhay na naman silang sinira.

Natatanaw ko na ang mga nagkalat na mga pulis at nagkakagulong mga pamilyar na tao nang higitin ni Gabriel ang braso ko dahilan para mapahinto ako. "What are you thinking?!" Singhal niya.

"Ano ba?!" Inis na iwinaksi ko ang kamay niya sa aking braso. "Hindi mo ba nakikita ang pamilya mo doon gabriel?! Kapag nagmatigas kapa diyan at hindi ako nakapunta doon! Posible silang mapahamak! Naiinitindihan mo ba 'yon?!" Sigaw ko sa kaniya. Naiinis ako, Tang*nang francisco'ng 'yon! Mukhang hindi talaga titigil sa paghahasik ng kasamaan! Lintik siya!

"Paano ka?! May sugat ka! Tingin mo may magagawa ka?! Huh?! Baka lalo mo lang mapahamak ang sarili mo!" Aniya.

"Wala akong pakialam!" Seryosong sabi ko bago ako tumakbo palapit kay francisco na pinapalibutan na nang mga pulis ngayon.

"Anung nangyayari?!" Tanong ko sa kanila pagkatapos kong tuyuin ang mga luha ko.

Kaagad lumapit si Liza sa 'kin. "Nanlaban si Francisco sandy pagkatapos ay hinila nito ang tita helen mo. Balak niya itong isama sa pagtakas upang gawin na ring hostage." Paliwanag niya.

Napamura ako. "Paano ba 'yang nakatakas?! At anung ginagawa ni tita helen dito?! Wag mong sabihing nakuha rin siya ni francisco dahil tang*na, marami akong inatasang magbantay sa kaniya!" Gigil kong sabi.

The Coldhearted Beast 💯Where stories live. Discover now