He's Into Her (Epilogue)

274 7 4
                                    

Hes Into Her (Epilogue)

Ngayo'y nasaksihan ko
Ang pagwawakas ng isang kwento
Masakit man sa damdamin
Ngunit kailangang tanggapin

Sa pitong buwang pagbabasa
Nawindang aking sistema
Halo halong emosyon ang idinulot
Saang sulok ng katawan ito'y nanunuot

Bawat kabanata nito ay inaabangan
Abutin man ang update ng ilang buwan
Hindi papahuli sa mga detalye
Basta't tungkol sa Enrile at del Valle

Mga tauhang sobrang minahal
Ngayo'y sa amin ay nagpapaalam
Mamimiss kayo ng todo todo
Kaya babalik balikan inyong kwento

Isang taos pusong pagbati
Para sayo mahal naming maxinejiji
Nag THE END man ang He's Into Her
Ang LOVE namin sayo ay road to forever

HAMBOG , iyong ngalan
Dahil Epilogue mo ay kaabang abang
Swak ang timpla ng istorya
Mambabasa mo'y sobrang nahalina

Hanggang dito nalang aking idol
Dahil di na makatipa ng salitang uukol
Sa angking galing mo sa pagsusulat
Hindi na kataka takang ituring kang alamat


© ACDA

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: May 21, 2020 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Maxine Lat CalibusoWhere stories live. Discover now