Tumango ako at nag-iwas ng tingin. "Oo." Sabi ko nalang kahit ang totoo ay hindi.

Nag-angat ako ng tingin kay diego na nakatayo na ngayon sa harap namin. Galit at sakit ang nakikita ko sa mga mata niya habang nakatingin sa 'min. Kumuyom ang kamao niya atsaka tumalikod sa 'min.

"Kung hindi mo ako magagawang mahalin, sisiguraduhin kong hindi makakalabas ng buhay iyang lalaki mo rito." Madiin niyang sabi. Naramdaman kong humigpit lalo ang yakap ni Gabriel sa baywang ko. "Papatayin ko lahat ng taong importante sa 'yo hanggang sa ikaw mismo ang gumapang papunta sa 'kin." Hindi ko hahayaang mangyari 'yon diego. Mamamatay muna ako bago mo magawa 'yon. "Akin ka lang! Remamber that....my love." Aniya bago ito lumabas ng silid kasama ang lalaking nakahuli sa 'kin.

Doon lang ako nakahinga ng mabuti. Mabilis akong pumihit paharap kay Gabriel at muling hinawakan ang pisngi niya. "Please...be strong." Pakiusap ko.

Ngumiti ito atsaka dahan dahang tumango. "I-I will...." Aniya bago bumagsak ang ulo sa balikat ko.

Pumatak ang mga luhang kanina ko pa pinipigilan. I'm sorry Gabriel. Pero paano ka nila nakuha? Napatay na ba ang mga nagbabantay sa 'yo? Alam na ba ito ng Daddy mo?

Punong puno ng katanungan ang isip ko ngayon pero walang kasagutan. Bumuntong hininga nalang ako atsaka inalalayan si Gabriel na tumayo. Pinaupo ko siya sa may sulok at pinasandal ang likod sa dingding. Hindi ko alam kung saang parte ng yacht kami naroroon. Basta para kaming nasa bodega, 'yon nga lang ay walang kagamit gamit rito. Ni upuan wala. Kaya nanghina ako nang maisip na posibleng wala ring gamit rito na pwede kong gamiting pang-gamot sa mga sugat ni Gabriel.

Tinitigan ko siya. Nakatulog na siya ngayon sa sobrang pagod at kahit hindi niya sabihin ay alam kong nahihirapan na siya sa kalagayan namin. Walang hiyang diego na 'yon! Talagang hindi niya titigilan sa pambubugbog si Gabriel kung hindi ako dumating.

Nang akmang papahigain ko sana siya sa mga hita ko nang biglang bumukas ang pinto. Napatayo ako at itinago si Gabriel sa likod ko.

"S-Sandy....." Napatitig ako sa pamilyar na babaeng nasa harapan ko. Umiiyak ito habang lumalapit sa 'kin.

"Liza..." Sabi ko atsaka ko siya sinalubong ng mahigpit na yakap. Mas matanda ito sa 'kin ng ilang taon at madalas noong bata pa ako, na ito ang nakakalaro ko bukod kay sandra. Hindi ko akalain na makikita ko pa ito sa nakalipas na higit limang taon. "Saan ka galing? Kung saan saan kita hinanap!" Sabi ko atsaka kumalas sa kaniyang yakap.

"S-Sinama ako nila f-francisco sandy. A-Ayaw nila akong p-pakawalan. Kaya n-noong narinig kong a-andito ka ay a-agad akong nagpunta rito p-para makita at m-maka-usap ka." Sabi niya sa nanginginig na tinig.

"Liza, sorry kung hindi kita nakuha sa kanila. Noong binalikan kasi kita ay wala na kana." Sabi ko.

"Sapilitan nila akong sinama sa kanila noon sandy." Aniya atsaka umupo sa tapat ni Gabriel, Doon ko lang napansin na may dala pala siya. Binuksan niya ang medicine kit na hawak atsaka ako inabutan ng bimpo. "Gamutin mo na ang mga sugat niya bago pa maisipan ng mag-ama na puntahan kayong dalawa rito." Sabi niya.

Tumango ako at ginawa ang sinabi niya. "Salamat liza." Mahinang sabi ko.

NANG matapos akong gamutin ang mga sugat ni Gabriel ay sinuot ko na sa kaniya ang Jacket ko. Hinubad ko kasi ang damit niya kanina dahil nga sa basa na rin ito ng kaniyang mga dugo.

Bumuntong hininga ako atsaka tiningnan si liza na tahimik lang sa gilid at nakamasid sa 'kin. Alam kong may gusto siyang itanong at malaman. And she deserves to know the truth.

Tumayo ako at umupo sa tabi niya. Sinandal ko ang ulo ko sa dingding atsaka siya tiningnan. "Pwede ka nang magtanong Liza. Alam kong marami kang gustong malaman." Sabi ko.

The Coldhearted Beast 💯Onde histórias criam vida. Descubra agora