BAKIT IKAW PA RIN?

2.1K 23 4
                                    

" Huwag kang matakot mahal, kumapit ka lang,
   Nandito lang ako."

PANAGINIP  lang pala
PANAGINIP na nagmistulang bangungot
Sa bawat pagpikit ng aking mga mata.
Kasabay ng pagpatak ng aking mga luha
Na para bang nag-uunahan na kumawala.

Bakit ikaw pa rin?
Bakit ikaw pa rin ang nais kung mahalin.?
Tanong sa aking isip
Tanong na kailanman hindi ko masagot.

Kumapit ako..gaya ng sabi mo
Naniwala akong mahal mo ako.
Ngunit Minahal mo nga ba talaga ako?
Kasi ako minahal kita.
Ou minahal kita ..
Kahit ang sakit-sakit na.

Ikaw pa rin ang gusto kung makasama
Ikaw pa rin ang gusto kung mahalin
Ikaw pa rin ang mahal ko..
Ang mahal ko na may mahal ng iba..

Ako dapat ang kasama mo manood
Ako dapat ang tutugtugan mo ng gitara
kasabay ng pag-awit ng paborito nating kanta.
Ako dapat yun..
Pero hindi na ngayon..

Sana dumating ang panahon..
Panahon na ang ngayon ay IKAW PA RIN
Ay mapalitan ng AKO NAMAN
Ako naman ang magmamahal
At masasabi kong HE'S THE ONE.

Caramelzkie

SPOKEN WORDS ( Tagalog )Where stories live. Discover now