𝐢: 𝐊𝐚𝐲𝐞

16.4K 436 52
                                    

"Kaye Loviana!" Nagising ako galing sa masarap kong tulog nang marinig ang sigaw ng guro namin

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

"Kaye Loviana!" Nagising ako galing sa masarap kong tulog nang marinig ang sigaw ng guro namin. 

Tumunghay naman ako at nagstretch na para bang nasa bahay lang. Nang ibuka ko ang mga mata ko, nakita ko agad ang masamang tingin ng professor na sumalubong sa akin pati ang mga mata ng kaklase ko. Nakatingin sila lahat sa akin, well obvious naman kasi, nasa likuran ako nakaupo. 

Sanay naman na ako, lagi kasi akong tulog sa school. I'm always tired.

"Labas!" galit na sabi ni maam sabay turo sa pintuan.

Lumabas na ako na parang tinatamad pang maglakad kasi kulang 'yung tulog ko. Papikit pikit pa 'yung mga mata ko, gusto ko pa talaga kasing matulog.


Kinamot ko 'yung pisngi ko at bigla nalang nauntog. Nagising lahat ng nerves ko pati kaliit liitang cells. Ang sakit sa noo, nabangga ako sa pader. 

I grimaced at hinimas himas ang noo ko.

Sinamaan ko ng tingin ang pader at sinipa kaso nasira tuloy ang sapatos ko at ang sakit pa sa paa. Double ouch.

"Nakakainis ka na! Nakakadalawa ka na!" mangiyak ngiyak na sigaw ko at dinuro duro pa ang pader. Yeah, para akong baliw. Resulta na ito ng kulang sa tulog.

Kahit sira na ang sapatos ko, wala parin akong paking irampa 'yun sa campus. Anong paki nila? Hinayaan ko na 'yung nagbubulungan. Nagtatawanan pa ng patago, halata naman.

Ang sikat ko lang ha, pag-uusapan nila, damay pa 'yung sapatos ko.

Buti nalang last subject yun bago ang lunch, makakakain ako ng maaga. Agad na akong nagpunta sa cafeteria at binusog ang sarili ng dalawang chiken burgers. 


The school is just that ordinary and typical Universities na mayroon tayo sa Pinas. Ang uniform namin dito ay gaya lang din ng typical na uniforms. A light beige blouse with school's logo embroidery sa may left chest and a pair of black slacks. 

Pwede naman na knee length skirt but I prefer the slacks.

'Yung canteen ay nasa gilid lang ng school court. Bale medyo harap siya ng main buildings pero pagpasok mo ng entrance ay di mo naman agad siya mapapansin dahil nasa gilid siya.

Bigla akong nakaramdam ng parang may papalapit sa akin mula sa likuran kaya napailag ako. Tama nga ang hinala ko, may nambabato na naman sa akin. Buti nalang di ako tinamaan ng malagkit na kung ano man 'yun.

I had good reflexes, too bad for them.

Narinig ko pang napamura ang isang babaeng may familliar na aura sa likuran ko. I knew it, its Eunice, ang anak ng may-ari ng University. Porket anak ng may-ari sobrang spoiled, lahat nalang ginagawa.


Wala naman akong paki, so back to business ako. Ininom ko na 'yung juice ko. Maya maya lumapit na talaga. 

Underground University [REVISING]Where stories live. Discover now