Chapter 08

120 3 3
                                        

Chapter 08: Epekto ng make over

"Peps break na talaga sila promise. Cross my heart!"

"Talaga? Ibig-sabihin puwede na kayo?"

"Syempre naman! Single siya. Single ako. Why not coconut?"

"Kaso ang problema gusto ka ba niya?"

"I don't know. Pero alam mo ba? Ka-close ko na si Naica."

"'Yung mukhang kabayo sa second year na ex ng future bf mo?"

"Yup!" 

"So... Eh anong plan mo peps?"

"Wala pa eh. Puntahan natin si Sheena para malaman natin kung anong gagawin."

Kasama ko si Riane ngayon. Malapit lang kasi 'yung bahay nila sa'min. Magkatapat lang 'yung subdivision na tinitirahan namin.

Magkikita-kita kasi kami sa S.M. Fairview.

Magkukuwentuhan lang, shopping, at syempre hindi makakalimutan ang bonding.

Pagkarating namin dun ng mga one o' clock wala pa si Sheena. Kaya naghintay muna kami. Sila Bella at Grayzie naman hindi sasama. Ewan ko kung bakit.

"Hay! Sorry traffic kasi eh." Sa wakas nandito na si Sheena chinita after a thousand years. Joke O.A. naman. Fifteen minutes lang naman siya late.

"Haha ang hagard ng mukha mo. Tara C.R. muna tayo." Sabi ni Riane. Oo nga eh. Akala mo kinuyog ng sampung kabayo na nakatayo ang buhok ng babaeng 'to.

"Oo nga tara." Pangsang-ayon ko.

Grabe ang galing noh? First destination namin C.R. Buti na lang wala 'yung isa pang banyo queen na si Bella. Ba't kaya 'di sumama 'yun?

Pagkatapos ng trip namin sa C.R. nagpunta naman kami sa Story land. Ang O.A. nga nung ibang tao eh. Hindi naman kasi gaanong nakakalula 'yung roller coaster pero kung makasigaw na lang eh wagas to the max. Syempre nag bump car kami. Kawawa nga si Riane eh. Haha. Tapos nag-basketball din kami at marami pang iba. Nakakapagod din kaya super pero sulit naman. Ang dami nga naming napanalunan. Nanalo ako ng minion na stuff toy, si Sheena naman nanalo ng Stitch na stuff toy, and si Riane 'yung couple bracelet. Bati na rin kasi sila ni Thirdy. Kaya for sure na kay Thirdy niya ibibigay ang kapares nun.

Bumili din kami ng side bag na pare-pareho 'yung style pero magkakaiba 'yung color. Akin blue, kay Riane pink, and kay Sheena violet. Ang cute nga eh as in.

Ang dami nga naming dala eh. Nakakapagod din pala mamili ng mga sapatos at damit. After namin mag-shopping kumain kami sa eat all you can na restaurant. Halos sipunin na nga si Sheena kakalamon ng ice cream eh. Secret lang 'to ah. Broken hearted 'yan. Shhhhhh...

"Ano bang gagawin natin dito kay Rose?" Tanong ni Riane habang kumakain kami ng ice cream. 

"Alam ko na! I-make over natin si Rose." Sagot ni Sheena. Ouch naman 'yun!

"Errrr... Panget ba ko?" Grabe naman sila. Ok naman ang face ko ah. (T0T) Panget ba ko? As in P-A-N-G-E-T na ugly in English!

"Hindi naman sa ganun. I mean MAS pagagandahin ka namin." Sabi ni Sheena. 'Yun naman pala eh. So maganda ko? Haha choss~~

Hinigit na nila kong dalawa. Sa kaliwa ko si Sheena while Riane is in my right side. Grabe naman 'to.  (T0T) Uwaaaah...

Tasukite!!! [Translation: Help!!!]

Nagpa-facial ek-ek kami, nagpasalon, at kung ano-ano pa. Huhuhuhu... Hindi na virgin 'yung hair ko. Pinakulot kasi nila. Pero ok lang. Mas bumagay nga siya sa'kin eh. Naku ang dami kong nagasta today. Buti na lang libre ni Riane 'yung pa-facial. Siguro kung nandito si Grayzie punong-puno 'yung sasakyan nila Riane ngayon. Sinundo kasi kami ng driver nila Riane siguro nag-aalala na 'yung mama niya sa kaniya. 

My KalBoyfriend [ON HOLD]Where stories live. Discover now