Nakaupo lang ako sa upuan ko sa classroom habang nagaaral ng may mga nagiingay na babae.
"Oh my God ang gwapo talaga ni Frost!"
"Kyaaah! Akin ka nalang please!"
"Hoy! Akin kaya siya. Wag ka nang umasa!"
Nakakarindi na. Hindi ba nila nakikita na may mga ibang estudyante din na nagaaral?! Hindi ko na matiis ang kaingayan nila kaya bigla akong napatayo at napatingin agad sila. Tinignan ko sila ng masama at agad silang tumahimik at umalis na ko roon.
Pumunta nalang ako sa school library at habang naghahanap ako ng mauupuan, agad kong nakita ang lalakeng natutulog sa pinakalikod na upuan. Palagi akong nandito sa library at paminsan-minsan ay nakikita ko rin siya dito. Oo. Aaminin ko. Gusto ko siya. Matagal ko na siyang gusto, for 3 years. Ngunit hindi ko masabi-sabi sakaniya dahil alam kong hindi niya ako magugustuhan. Siya si James Vincent Villaflor. Kilala siya bilang si Frost. Bakit Frost? Dahil bukod sa kamukhang-kamukha niya si Jack Frost, sobrang cold niya sa lahat ng mga estudyante at bibihira lang siya magsalita.
At ako naman si Cassandra Nicole Sandoval. I prefer being alone rather than being with other people. I don't trust them because I know that they will just betray you in the end. Because me myself has experienced that.
FLASHBACK
"Britney may pupuntahan lang ako ah? Mabilis lang promise" ang sabi ko sakaniya.
"Sure sure may pupuntahan rin ako eh pero mag hintay ka nalang dito pag wala pa ako." ang sabi niya. Dumeretso na ako sa banyo nang bigla akong nakarinig na boses ng mga babae.
"Oh my God bes kailan mo ba sasabihin sakaniya yung totoo? You don't have time for us na kasi e nakakatampo na kaya!"
"Tss, wag niyo nga akong madiliin! You know it's very hard for me to go with her kaya! Ayokong kasama si Amy coz she is so nakakarindi and annoying you know!" napatigil ako. Alam ko kung kaninong boses yan. Hindi ako nagkakamali siya yan. Ugh ang sakit!
"Eh bakit hindi mo nalang sabihin sakaniya yung totoo? Kaysa naman maghirap kang kasama siya diba? You're just making your life harder bes. Nakuha mo nmn yung loob niya para sa company ng parents so for sure babagsak na yung company nila! Marami na kayong ideas para bagsakin ang family nila you know! J-Just go away from her! She is so annoying kaya!"
"Hays fine fine mga bes! I'll tell her the truth but just give me more time to be with her. Kailangan ko munang gumawa ng plan para mapalayo sakaniya ang mga students para makita nila kung gaano siya kasama at para malaman nila na kung paano siya mang-agaw ng mga kaibigan at kung gaano siya KALANDI! Tsk ginamit ko lang naman siya para sa company namin at para mapansin ako ng mga students pero hmmm... my plan is working like oh my God nakaka-excite siya makitang kawawa at masama sa mga mata ng mga students lalo na sa mga boys." sabi niya na may kasamang tawa
"So... I'm expecting na you're going to tell her the truth this week." Sht! Anong klase kang kaibigan Britney LINOKO MO LANG AKO! Wala kang kwenta! Hindi ko na kaya! Linoko lang nila akong lahat! Lumabas ako ng CR at hinarap sila Britney at...
"Hindi ko na kailangan. Alam ko na ang lahat." ang sabi ko sakanila habang seryoso ang mukha ko. Pinunas ko ang luha ko at hinarap si Britney na hindi makapaniwala. Tsk
"At ikaw Britney! Akala ko totoo ka! Itinuring na kitang kapatid ko! Minahal kita ng sobra sobra and I didn't expect na gagawin mo to' sakin! Wala kang kwenta! You used me para lang magkaroon ka ng kaibigan?! At para sa walang kwentang company na yan?! You really do hate me huh? Hahahaha God Britney Congrats! CONGRATS dahil panalo ka na! Nagawa mo na akong lokohin! *clap clap* Hahahaha grabe nagawa mo na akong lokohin, ipapabagsak mo pa ang company namin?! Napakasama mo! Tandaan mo to! Once na nalaman kong nawalan ng trabaho ang magulang ko, lagot ka saakin! Hindi mo pa ako kilala kung paano ako magalit and I'll make sure that ur going to regret na naging kaibigan mo pa ako, at nakilala mo pa ako." Ang sabi ko sakaniya at dumeretso na sa labas.
Hindi na ako papayag na pagloko-lokohin niyo pa ako.
YOU ARE READING
Cold Hearts
RomanceMay mga taong hindi dapat natin pagkatiwalaan, kapamilya man or kaibigan. Kailangan muna nating kilalanin ang bawat isa dahil baka sa huli ay masaktan ka. Huwag kang magtiwala agad dahil baka iyan ang makatulak sayo pababa. Si James Vincent Villafl...
