Chapter 2

36 4 0
                                    

Chapter 2: Small World

Nilibot ko ng tingin ang buong silid.

Dito muna ako titira habang hindi pa tapos ang misyon ko.

Si Kelvin naman ay agad na binagsak ang sarili sa kama at pumikit.

Mabilis akong lumapit sa kanya at hinampas sa tyan.

"Tumayo ka nga sa kama ko."

Ngunit parang wala siyang narinig at hindi manlang minulat ang mga mata.

"Kama naten." Naramdaman kong umakyat ang dugo ko patungo sa mukha ko.

Kama namen?!

"Ang kapal ng mukha mo! Tayo!" Hinawakan ko siya sa kwelyo niya para patayuin pero bigla niya kong hinawakan sa kamay at hinila kaya nasubsob ako sa dibdib niya.

Namilog ang mga mata ko habang nakatingin sa kanya.

Parang nag slow motion ang lahat. Nararamdaman ko ang puso niya na gusto ng kumawala sa dibdib niya.

Kinakabahan din pala ang mga lalaki sa mga ganitong pangyayari?

"Ahhhhh!" Bumagsak ako sa sahig ng bigla niya akong tinulak.

Napahawak ako sa pwet ko sa sobrang sakit. "Aray..."

"S-sorry!" Mabilis niya akong tinulungan makatayo at inupo niya ako sa kama. "Kasalanan mo yan! Minamanyak mo ko."

Ang kapal... Ako pa ngayon? Siya nga tong hinila ako palapit sa kanya. Yan tuloy, sumubsob ako sa dibdib niya.

Bigla kong naalala ang lakas ng tibok ng puso niya kanina.

"Masyado ka namang kabado, bakla ka ba?" Tawa ako ng tawa sa nasabi.

"A-anong bakla? Gusto ko halikan kita?" Nilapit niya saakin ang kanyang mukha, alam ko naman na hindi niya itutuloy kaya hindi ako gumalaw at sinalubong ang mga tingin niya.

Tinaasan ko lang siya ng kilay ng bahagya siyang mapalunok. Hahaha!

Napatigil ako ng may ipukpok siya sa ulo ko. Mahina lang yon pero malakas ang impak sakin dahil sa gulat.

Inabot niya sakin ang phone na hawak niya. Kaparehas na kaparehas ng phone na hawak niya kahapon.

"Ano yan?" Tanong ko habang nakatingin sa phone na inabot niya sa kamay ko.

"Cellphone." Tumayo na siya at humarap sa cabinet.

"Pilosopo."

Sinamaan ko lang siya ng tingin habang nakatalikod sakin. Maya maya ay bigla niyang tinanggal ang polo niyang suot at buksan ang cabinet. Nakalagay na pala doon ang mga damit niya. Wow? Nauna pa siya sakin. Great!

"Wag kang magbihis sa harap ko! Hoy!" Binato ko sa kanya ang suot kong sapatos pero hindi parin niya tinigil ang pagtanggal sa polo niya. Hinagis niya sa sahig ito at nagsimula ng maghanap ng damit.

"Edi tumalikod ka."

Hindi ko alam kung bakit hindi ko naisip yon, hindi ko rin naisip na takpan ang mga mata ko.

Mabilis akong tumalikod sa kanya at naramdaman kong namula na naman ang mukha ko.

Nanatili akong tahimik hanggang sa marinig ko na magsara ang cabinet at ang mahina niyang pagtawa.

"Oo nga pala." Naramdaman ko ang paggalaw ng kama sa kabilang sulok ng kama. "Kailangan mo ng maghanap ng trabaho bago matapos ang unang linggo mo dito sa lupa."

"Oo nga pala." Pag sang-ayon ko. "Eh ikaw?" Tumingin ako sa kanya na ngayon ay nag bubutones ng polo niyang kulay abo. Bagay talaga sa kanya ang mga polo.

"Anong ako?" Tuloy parin siya sa pag bubutones at hindi man lang ako tinapunan ng tingin.

"San ka kakain? Titira? Magta-trabaho ka din ba?" Sunod sunod kong tanong.

"Dito." Tipid niyang sagot. Inayos niya na ang polo niya na ngayon ay nakabutones na.

"Ano namang trabaho mo dito sa hotel?" Ewan ko kung bakit ko yon natanong.

Siguro janitor? Chef? Waiter? Ano pa ba?

"Dito ako kakain, dito ako titira. Kasama mo. At sabay din tayo maghahanap ng trabaho." Tumayo na siya pagkatapos sabihin yon at kinuha ang sapatos ko na binato ko sa kanya kanina.

"Ah, alam ko na ang trabaho mo dito sa hotel! Clown?"

Kinuha niya ang kanan kong paa at sinuot doon ang sapatos ko.

"Mukha ba kong clown?" Tumayo na siya pagkasuot ng sapatos saakin.

"Hindi, pero magaling ka mag joke e. Parang totoo." Mahina siyang natawa at kinuha ang cellphone sa kamay ko.

"Alam mo na ba kung pano to gamitin?" Umupo siya sa tabi ko at humarap sakin.

"Tinuro mo na ba?" Sacastic kong sagot.

Mahina niyang pinitik ang noo ko kaya napahawak ako dito.

In-on niya ang phone at may lumabas na triangle na may ilaw na green.

"Kapag naging kulay red ang ilaw na yan sa gilid ng traingle. Ibig sabihin nasa panganib ka." Tinuro niya ang traingle na ngayon ay kulay green.

"Pindutin mo lang ito ng matagal at..." Kinuha niya ang phone niya sa bulsa niya sa likod at pinakita sakin. "...mada-dial mo agad ako." Biglang nag flash doon ang pangalan ko.

"Woah." Hindi ko maiwasan ang mapamangha sa pinakita niya.

Kakaiba ang phone na ito.

Tinago niya na ulit ang phone niya sa bulsa niya at binaling ulit ang atensyon niya sa phone ko.

Sinwipe niya ito pakanan at lumabas doon ang tracker na nakita ko kanina sa phone niya.

"Mat-track mo dito kung nasan sila Wey at Lorraine.." Tinuro niya ang bilog na may mukha ni Wey at ang isang bilog na may mukha ni Lorraine. "Kung nasan ang bilog na yan ay andun sila. At ito..." Tinuro niya naman ang dalawang bilog na magkadikit kung saan nandon ang mukha naming dalawa. "Nandyan tayo."

Tumango nalang ako at excited na kinuha sa kamay niya ang phone ko.

Sinwipe ko ito pakaliwa at diniinan ang traingle sa gitna at agad naman na nag ring ang phone niya sa bulsa.

"Hindi laruan yan." Kinuha niya ang phone niya sa bulsa at pinindot ang reject call. "Tatawagan mo lang ako pag kailangan. Tss."

Sungit.

"Kumain na muna tayo sa labas. Maaga pa tayo bukas."

Kinuha ko na ang shoulder bag ko at mabilis na sumunod sa kanya.

Kinuha na ng waitress ang order namin. Hindi siya mukhang waitress sa suot niya.

Hubog na hubog ang sexy niyang katawan dahil sa fitted na blouse niya. At nakabukas ang butones nito sa taas na animoy gusto ng ilabas ang hinaharap niya.

Napairap nalang ako sa hangin ng tumingin ito ng mapang akit kay Kelvin at parang model na nag martsa paalis.

Siguro kaya gusto ni Kelvin na dito kumain ay dahil crush niya yung waitress na yun? Ang mahal mahal pa naman dito at wala pa kukulangin ang budget namin para sa isang linggo.

"Ang ganda niya no?" Muntik na kong mapamura sa sinabi niya.

"Ang baba pala ng standards mo sa babae." Sumimsim ako sa tubig na nasa harapan ko at sarcastic na tumingin sa kanya.

Mahina itong tumawa at tumutok na naman sa phone niya.

Mabilis ko ding kinuha ang phone ko ng maalala si Wey at Lorraine.

Nasan naman kaya sila ngayon?

Mabilis kong in-on ang phone ko at sinwipe pakanan. Hinanap ko ang bilog kung saan tumutukoy kung nasaan sila ngayon at laking gulat ko ng makita na malapit lang bilog namin ni Kelvin sa bilog ng dalawa.

H I N D R A N C E (On Going)Where stories live. Discover now