Bumaling ako sa labas ng bintana. Sana ay magawa ko ang mga plano ko. Wag sana akong pumalpak ngayon.

"Hanggang dito ka nalang." Sabi ko sa driver ng malapit na kami sa port.

Huminto ito atsaka ako nilingon. "Dito lang po ba kayo?" Tanong ng driver.

"Oo." Sabi ko saka dali daling bumaba ng taxi. Tumayo ako sa gilid nito at hinintay siyang makaalis. Isa ito sa mga request ko kay ron, gusto kong sa taxi sumakay para walang maghinala.

Ilang minuto akong tumayo roon sa gilid at siniguradong nakalayo na talaga ang taxi bago ako nagsimulang maglakad. Malapit nalang dito ang port kung nasan nagtatago ang mag-ama. Alam ko 'yon dahil ang yacht lang naman ni francisco ang tanging mapagtataguan nila.

Kailangan ko lang ihanda ang sarili ko. Paniguradong marami silang tauhan kaya mahihirapan akong isakatuparan ang plano ko.

Plano kong pasabugin ang yacht nila kasama sila. 'Yon lang kasi ang nakikita kong paraan para pigilan ang mga kawalanghiyaan nila. At kung su-swertehin akong makaalis doon bago iyon sumabog ay posibleng makaligtas ako. Pero, kung hindi ay ayos lang rin. Atlis natapos ko na ang mga dapat tapusin.

Bumuntong hininga ako ng makapasok na ako ng port. Kahit nasa malayo palang ay nakikita ko na ang yacht nila, may mga mumunting ilaw iyon pero hindi sapat para kalabanin ang kadiliman.

Wala akong nakikitang mga bantay sa labas, Marahil ay nasa loob ang mga ito. Tuloy tuloy ang hakbang ko palapit sa yacht, Minsan ay napapatago ako at humihinto tuwing may mga yapak akong naririnig.

Dahan dahan kong inangat ang rubber shoes ko sa maikling hagdanan atsaka dahan dahang humakbang paakyat. May mga ilaw sa paligid kaya kailangan ko nang mag-ingat. Hindi dapat ako makampante sa isiping nasa loob lahat ng tauhan ni francisco, baka mamaya ay nasa paligid lang ang mga ito.

Napahinto ako sa paghakbang at napatago sa may gilid nang may dalawang tao akong narinig na nag-uusap. Tumingala ako para tingnan kung may mga cctv camera ba sa paligid. Nang masigurado kong wala ay bumalik ang atensiyon ko sa dalawang taong nakatayo sa mismong entrada ng yacht. Bakit doon pa sila pumwesto!

"Sino nga 'yong laxamana'ng kinuha kanina nila jc?" Rinig kong tanong ng isa.

Nanigas ako sa kinatatayuan ko at unti unting nanlaki ang mga mata. Shit! Sino ang nakuha nila?! Bakit hindi ko ito nabalitaan!

"Ark laxamana ata. 'Yon ang narinig ko kay boss diego kanina, eh. Mukhang matindi ang galit niya don, paniguradong unti unti na 'yong pinapatay ngayon sa loob." Sagot ng isa.

Napasinghap ako. Napapikit ako at huminga ng malalim. Gabriel, sa ganitong sitwasyon ba tayo magkikita ulit?! Damn! I need to do something! Hindi ko pwedeng pasabugin ang yacht na 'to kung nasa loob si Gabriel.

"Sigurado 'yan pare." Rinig kong sagot ng isa. "Maiwan na muna kita rito. Ji-Jingle lang ako." Na-alarma ako roon.

Hinintay ko munang mawala yung isa bago ako sumilip. Nakatalikod sa pwesto ko ngayon 'yong naiwan. Madali lang baliin ang leeg nito.

Dahan dahan akong humakbang palapit sa kaniya atsaka ko pinilipit ang leeg niya. Nang wala na itong malay ay mabilis ko itong tinapon sa dagat para walang makapansin. And when i was about to go inside the yacht, a man with a gun pointed at me came.

"Itaas mo ang mga kamay mo!" Matikas na sigaw niya.

Itinaas ko naman ang dalawang kamay ko atsaka ko siya tiningnan nang masama. "Ang lakas naman ng loob mong mag-punta rito!" Nakangising sabi nito.

"F*ck you!" Malutong kong mura sa kaniya.

Tumawa siya. "Matapang ka nga talaga sandy." Hindi na ako nagulat na kilala niya ako. Alam kong lahat ng mga tauhan nila francisco na andito ay kilala ang buong pamilya ko lalo na ako. "Nandito si sandy Reyes." Aniya habang nakahawak ang isang kamay sa maliit na headset na nakadikit sa tainga niya.

Sunod sunod na paghinga ang ginawa ko sa sobrang inis. Dapat mas nag-ingat pa ako. Sh*t! Paano ako makakalusot rito? Ngayong alam na ng lahat na andito ako! Paniguradong ikukulong na ako ni diego at hindi iyon pwedeng mangyari! Damn! Kung lalapit lang sana sa 'kin ang lalaking 'to baka pwede ko pang sipain ang baril sa kamay niya. Kayang kaya kong makipag-laban pero paano ko 'yun magagawa ngayong nakatayo ako dito at hindi makagalaw.

"Alam ko kung sino ang hinahanap mo. Ang iniibig mong laxamana hindi ba?" Nakangising sabi nito. "Gusto mo ba siyang makita? Kaya lang ay baka hindi mo na makilala ang itsura niya, binasag na kasi ni diego." Sabi niya sabay tawa ng malakas.

Kinabahan ako sa sinabi niya pero hindi ko iyon pinakita. Ayokong makita niya ang kahinaan ko. Kailangang maging matatag ako ngayon.

"Nasan siya?" Tanong ko.

Lalong lumakas ang tawa niya. "Kung gusto mo talaga siyang makita, sumama ka nang matiwasay sa 'kin. Baka maabutan mo pang buhay 'yon, balita ko ay pupugutan na 'yon ng ulo ni diego." Aniya.

Pupugutan? Tang*na mo diego! Papatayin ko talaga kayong mag-a-ama mga hayop kayo! "Sige. Sasama ako." Ngayon lang. Kahit ngayon lang ay hindi muna ako lalaban. Kailangan ko munang siguraduhing nasa maayos na kalagayan si Gabriel.

Please...wait for me Gabriel.

Wazzup guys! Sana magustuhan niyo ang chapter na 'to. Vote and commment if you like. Hahaha thanky :)

The Coldhearted Beast 💯Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon