Aminado akong naaattract ako sa kanya, physically. He only possess the most seductive physique I have ever seen in my entire life, who wouldn't drool at the sight of that? I swear, he's oozing with sexiness. 


I heard his footsteps going down the stairs so I turned to look at him. He met my gaze and didn't even think of letting his eyes break the stare. Teka, staring contest ba 'tong ginagawa namin? 'Coz I suddenly felt competitive. Pffft, so childish.


"You want to say something?" Napakurap tuloy ako noong magsalita siya. I faked a cough and fixed myself.


"Gusto ko lang sabihin na baka malelate ako ng uwi mamaya, bibisitahin kasi namin si Kat sa hospital." He made a long pause then he gave me his phone. Naguluhan naman ako sa ibig niyang iparating. "What's this for?" 


"Input your number, I'll contact you later... just in case." He explained na tinanguan ko nalang. Matapos kong ma-input yung number ko, inabot ko na sa kanya yung cellphone niya. May kung ano-ano siyang tinatype doon at niluklok na ito sa bulsa niya.


"Goodluck sa meeting!" Sigaw ko dahil nakalabas na siya ng pintuan. Nakita ko namang bahagya siyang napangiti noong napadaan siya sa bintana.


Biglang nag-init ang mukha ko nang ma-realize kong para na talaga kaming mag-asawa dahil sa mga naging ganap kanina. Patakbo na tuloy akong umakyat papuntang kwarto.


It's the first time that I sent him off kaya parang na-feel ko ang pagiging asawa ko sa kanya though hindi naman talaga iyon ang dahilan kung ba't ko siya hinintay bumaba but still, it's a weird feeling. A little ticklish.


Pumasok na agad ako sa banyo at naligo. Pagkatapos ay nagbihis at nag-ayos na rin ako. Habang pinapatuyo ko ang buhok ko, naisipan kong tawagan muna si Asia.


Nagriring ang cellphone niya pero walang sumasagot. Ano kaya ang ginagawa ng babaeng 'yun? Knowing her, if it's weekend, she'll spent it mostly with her phone. Masama tuloy ang kutob ko dahil dito. Dalawa lang kasi ang naiisip kong ginagawa niya, it's either nagreready na siya o di naman kaya ay natutulog pa and I hope it's the former.


Sinubukan ko siyang tawagan ulit at sa wakas ay sinagot na niya.


"...Yes?" Errr... I don't like the tone of her voice.


"Asia, don't tell me you just woke up?" Di makapaniwalang tanong ko sa kanya. Kapag talaga si Asia ang nakakausap ko, napapa-straight English ako. Nakakahawa siya.


"Yeah..." she answered and I heard her yawn from the other side. Mariin kong pinikit ang mga mata ko para pigilan ang inis ko. Minsan lang ako mainis at minsan lang din ako sumasabog kaya alam kong mapapabalikwas 'tong kausap ko sa higaan niya ngayon.


"Divina Gracia, I hate waiting the most." I said and ended the call. Hindi ko na hinintay pa kung ano ang magiging reaksyon niya, saying those words and ending the call are enough to scare the shit out of her.


I forgot to eat breakfast, ang sabi pa naman nila, breakfast is the most important meal of the day. Ngayon lang naman ako hindi kakain so sa mall nalang siguro mamaya.


Medyo may kalayuan yung mall sa subdivision namin kaya nagpahatid ako kay Kuya Raymond, ang tigahatid-sundo ko sa school.


Umabot ako sa mall five minutes before the agreed time. Sa hindi kalayuan ay natanaw ko na ang binagyong si Asia na tumatakbo papunta sa kinatatayuan ko.


Marriage For PaymentWhere stories live. Discover now