SOT: Chapter 1

472 4 5
                                        

True love always happens in a flash -Stephen King-

"Ang Chinese para sa Chinese" yan ang palaging naririnig ko kay Papa sa tuwing mag-uusap kami hindi ba pwedeng ang Chinese para sa Korean? O kaya naman ang Chinese ay pwede kahit kanino? Sino ba kasing nagpauso niyan? Kung sino man siya, itatapon ko siya sa ilog Pasig at dahil din dyan ayaw ko ng maging Chinese ni hindi ko nga kabisado masyado magsalita ng intsik eh.

"Hi Senyorita Larrah!"senyorita Larrah? tsss sa wakas dumating na rin ang hari hari ng kalokohan at kahibangan.

"Oh? Bat ngayon ka lang!" si Ric nga pala ang bestfriend ko papalapit siya sakin ngayon while nakafull smile at bigla akong ki-niss sa cheek.

"Bat mo ginawa yon?" baliw tlga to

"Ang alin?"nagtanong pa?

"Why did you kiss me?"

"Sus sa cheek lang naman eh kinilig ka naman namula ka pa nga bigla oh hahaha!" Tawa pa, happy yarn?

"Baliw ka tlga bigla-bigla ka na lang nagnanakaw ng halik!"

"Gusto mo magpaalam ako? Kaya nga nakaw di ba?"

"Ewan ko sayo halika na nga late na tayo tagal mo kasi eh." at hinila ko na siya palabas ng bahay namin.

Ou nga pala di niyo pa ako kilala. I'm Larrah Mitchelle Lee, 24 years of age, Editorial Assistant sa isang magazine, fashion designer din ako minsan, blogger, photographer, makulit,maganda,sexy, at joke lang pala lahat yon hahaha baka magexpect kayo masyado slight lng naman pero seriously speaking may lahi akong chinese at yon ang pinakaayaw ko sa lahat ng meron ako.

Ang lalaking baliw na kasama ko ngayon ay ang best friend kong si Ric short for Christian Ricardo Ortega, loko tlga to ikiss ba ako sa cheek nakakailan na siya ah di pa rin nagbabago loko-loko pa rin.

Senyorita pala madalas tawag niya sakin para daw kasi akong senyorita minsan. Ewan ko ba dyan hobby niya na yata ang asarin ako.

"Lara okay ka lang? Kung iniisip mo yung kanina wala yon friendly kiss lang naman yon eh masama bang ikiss sa cheek yung bestfriend ko sa umaga?Nagandahan kasi ako sayo kanina ng makita kita. Akalain mong dalaga ka na?? Si Larrah na madungis at parang butiki nung 5 years old siya ngayon dalaga na hahahahahaha!!"naibaling ko ang tingin ko sa kanya at tinitigan siya ng masama. Kung nakakamatay lang ang tingin ko baka kanina pa to dead on the spot.

"Hoyyy joke lng to naman masyadong seryoso."

"Ewan ko sayo bilisan mo na nga baka mas mauna pa satin yung ikakasal nakakahiya naman!"utos ko sa kanya tsaka ibinaling ko na ulit ang atensiyon ko sa bintana ng sasakyan.

Papunta nga pala kami sa wedding ng isa sa mga kaibigan namin, si Anne sa hinaba-haba ng mga ginawa nilang kalokohan sa simbahan din pala ang tuloy nilang dalawa ni Lawrence.

Nakakatuwa naman ako kaya kailan ikakasal?? Meron din kayang nakatadhana para sakin kasi naman tong si Papa puro na lang ang "chinese para sa chinese" tsss maloloka na tlga ako sana nandito pa si Mama para naman may bumatok sa kanya ng matauhan siya.

" Larrah?Larrah!" Nagulat na lang ako ng biglang may nagwave na kamay sa harap ko.

"Nandito na po tayo senyorita Larrah hello?! Tulala ka nanaman dyan."

"So..sorry." saka ko inabot yung kamay niya para alalayan akong makalabas ng sasakyan niya. Hindi ko namalayan na binuksan niya na pala yung pintuan ng sasakyan.



"And I pronounced you Husband and Wife, you may now kiss the Bride."

Natapos na yung wedding ceremony at kanina pa yata ako iyak ng iyak, mother of the bride? Charrr

Somebody Out ThereWhere stories live. Discover now