Chapter 1

846 34 10
                                    


-----------------------------

CHAPTER 1 || THE MESSAGE

-----------------------------


SEREIGN'S POV


'Dude lumabas ka diyan! May chic sa labas! *sipol*

'Sino siya?'

'Transferee ba siya?'

'Francesca! Tignan mo yung uniform niya, galing siya sa St.Therese Academy!'

'Anong year na kaya siya?'

'Sana kaklase natin! Magiging masaya yung taon ko ngayon kapag naging kaklase natin siya!'

'Dude! May lahi yata to oh!'

'Ang puti niya girl!'

'Oo nga! Naiinggit ako! Sino naman ang dermatologist niya? In fairness, magaling yung derma niya!'

'Mayaman pa'

'Sosyal si ate'


Iyan lang naman ang mga naririnig ko simula nang makalabas ako sa limousine nila Dad. Palagi akong lumilipat ng school hindi dahil sa ayaw ko sa school na iyon pero dahil sa ayaw kong mapansin ako. Kung magkakaroon naman ako ng mga kaibigan ay mga pili lang at yung mga totoo. Oo, totoo dahil nagkaroon na rin ako ng mga trust issues nung nasa elementary pa lamang ako. Grade school pa lang ay marami nang nakapaligid sa akin na mga plastik. Kabata-bata pa lang ay mga plastik na!

Ako nga pala si Sereign Shin Salazar Hye, 15 years old. Filipino-Korean-Italian. Si Dad ay galing sa mayamang angkan ng mga Hye, so obviously siya yung may dugong Korean so si Mommy naman ay galing sa kilalang pamilya sa fashion industry sa Italy, ang mga Salazar. Mayroon akong dalawang kapatid, si Leighn Min at si Zane Olix. Si Leighn ay ang kuya ko samantalang si Zane naman ang bunso kong kapatid na lalaki. Ako lang ang babae sa aming magkakapatid.


------------------


'VERMOUNT ACADEMY'

Iyan lang naman ang 'The Famous' Vermount Academy. Dito nag-aaral ang mga anak ng mga sikat na mga kompanya o mga anak ng mga galing sa mayayaman na angkan. Nakarehistro ako rito as a 2nd year High School student. 2-A ang section ko at ang simula ng klase ko ay 9:30 am kaya naman sinulyapan ko ang aking relo at nakitang 9:25 am na kaya nagmadali na akong papuntang Jade Bldg. Anyway, puro mga gems pala ang pangalan at hallway dito, lima ang building dito. Ang Jade, Sapphire, Ruby at Pearl ay ang pangalan ng building dito sa Academy.

Tumakbo na ako at ng nakarating na ako sa Garnet Hallway ay dali-dali akong naglakad papunta sa classroom ko. Nakarating agad ako roon at tatlong minuto lang naman pala ako tumakbo. Narinig kong maingay ang mga tao sa loob ng silid. Inayos ko muna ang aking sarili bago pumasok sa loob ng silid-aralan. Nung makapasok na ako ay nakita kong nalaglag ang mga panga ng mga tao sa loob ng silid. Binalewala ko na lamang ito at umupo sa harapan. Napansin kong tahimik pa rin sa loob kaya naman ay lumingon ako sa kanila at nagiwasan sila ng mga tingin. May dumi ba sa mukha ko? Tinitigan ko muna sila hanggang sa may isang taong naglakas-loob na magingay.

"Serendipity! Nakita mo na ba ang newest issue ng Candy Magazine?! Ang ganda di ba?!" sabi nung babae sa may bandang gilid. Kinakausap niya yung babae ng nakamukmok sa kanyang desk. Sa tingin ko naman ay tulog yung babaeng kinakausap niya. May saltik yata sa utak itong kaklase ko.

Falling In Love With Shin Won Ho (SLOW UPDATE)Where stories live. Discover now