We've updated our Content Guidelines.
Review the latest guidelines to keep sharing stories safely.

I

1.3K 119 35
                                        

Maraming likong gawa sa mundong ibabaw isa na do'n ang magmahal ng bawal.

Ang mundo daw ay sadyang mapaghamon, mapaglaro, malupit, mapangahas at higit sa lahat mapagkait sa kasagutan.

Paano kung naitakda ka sa bawal na pagibig? Nagmahal ka ng maling tao, sa maling panahon, At sa maling pagkakataon?

Paano kung nagmahal ka ng taong mali sa paningin ng iba pero para sayo ay langit na?

Paano kung kasalanan sa Dyos pero sa una palang hiningi mo na ang iyong kapatawaran?

Maraming pambihirang pagkakataon na animo'y wala ng sagot, may mga katanungan na sadyang hindi natin kayang tumbasan ng isang malinaw na kasagutan, pero likas din sa atin ang pagnanais na sidlan ng liwanag ang ganitong uri ng katanungan.

Madalas iniisip ko na lamang na maaring nagkakamali din ang tadhana pagdating sa ganitong perspektibo sa buhay, na tulad din ng mga taong nilalang hindi din siya perpekto at maaring maging baluktot din ang pananaw.

Minsan nang sinabi sa akin ng aking matalik na kaibigan, hindi lamang sa hindi mo nakikita o nararamdaman ang isang bagay, hindi mo maaring sabihin na ito'y walang katotohanan. At dahil lamang sa nakikita at nararamdaman mo ang isang bagay hindi mo din maaring sabihin na sumasalamin ito sa tunay na anyo o kahulugan.

Gaya na lamang daw sa Pag ibig, katuwang ng pagkawala ng iyong labis na minamahal ay ang pag dating o pag usbong ng panibagong pag ibig at pag asa. Marami mang bagay na hindi natin kontrolado sa mundong ito ang mahalaga ay kung paano natin ito sinasalo ng maluwag sa ating puso. Ang paniniwala ay kakambal ng maaring pwedeng maging kaganapan sa ating buhay. Kaya kung hinahangad natin na mangyari ang ating ninanais sa buhay hindi natin 'to dapat sukuan at patuloy lang na ilaban.

Laging malalim at palaisipan ang kanyang tinuran at pananaw pagdating sa Pag ibig.

Napapaisip ako...

Ako nga pala si Althea Guevarra, Mahal ko si Jade Tanchingco ang aking matalik na kaibigan.

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
A.N/ Panibagong kwento nanaman ng RaStro na maaari niyong basahin. Hopia like it ;)

PAALALA: This is not your typical love story, but i believe that happy endings are for everyone. Tulad ng dati "Tiwala Lang ;)

********

Disclaimer:

I'm not a professional writer so don't expect quality in my work. I don't proof read so please bear with the typo's and grammatical error.

The main characters of this story are based on the actresses that portrayed the roles of Jade and Althea, the leads in the revolutionary first ever lesbian-themed Filipino TV Series "The Rich Man's Daughter". Namely they are, Glaiza De Castro and Rhian Ramos.

ONLY the characters (including some of their family members, friends, and other significant person in their lives) are based on the said actresses but ALL events, dialogue, and stories that would be told in here are purely fictional and are solely based on the creative mind of the author.

This story tackles and has both heterosexual and homosexual relationship/love, strong explicit language (every now and then), violence, and mature sexual content (some chapters). If this is something that you are not comfortable with, you are strongly advised not to continue reading.

This material is not being used to profit nor hurt and damage any individual intentionally, most specially the actresses themselves. This material is being done for free by the author and is for artistic release only.

********
Kudos! :)

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Sep 08, 2017 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

The tears of LoveStories to obsess over. Discover now