Too Late

83.9K 2.6K 662

"Did you love him?"

"Yes."

"Bakit hindi naging kayo?"

 

Matagal na silang magkaibigan. Simula pa lamang noong una, sila na ang magkasangga. Sa lahat ng pagkakataon, protektado nila ang isa't isa. They've got each other's back. That's how it's supposed to be. That's what friends do.

Walang iwanan.

She is love for him. He couldn't look at the other girls the way he looks at her. It's like he sees the stars in the twinkle of her eyes. He sees the promise of the night in the darkness of her hair. He sees their bright future in her smiles.

At such a young age, he vowed that he will be the one to take her to the altar. He will marry her, for sure. Sa murang edad, sinimulan na niyang planuhin ang kaniyang hinaharap. Everything involves her. He wrapped his life around her.

Isa lamang ang naging problema niya noon. Magkaibigan silang dalawa. And he knows that it's a universal law that you cannot be together with your friend in a romantic way. Sa oras na lampasan mo ang linyang naghihiwalay sa pagkakaibigan at pag-ibig, hindi ka na maaaring bumalik pa. Sa oras na masira ang pagmamahalan, wala ka ng pagkakaibigang babalikan.

It's an uncharted territory, like a jungle waiting to be explored. But there is a possibility that one will get lost and he believes that he will. And so he kept his unwanted feelings to himself. And at such a young age, he got his heart broken.

Nasa ika-anim na grado sila nang may magsimulang manligaw sa kaibigan niya. He remembered the little boy, just around his age, confessing to both of them. Nakatago sa likod niya ang kaibigan, nahihiya, natatakot at kinikilig nang mga oras na iyon.

Pareho nilang hindi alam ang gagawin kaya ilang minuto silang nandoon, nakatayo sa likuran ng classroom nila habang nagtatapat ang isa nilang kaklase sa kaibigan niya.

Nang pauwi na sila ay tinanong niya ang kaibigan kung sasagutin ba nito ang nagtapat.

Umiling ito sa kanya. "Hindi. Bata pa ako. Papagalitan ako ni nanay."

Natuwa siya sa sagot nito. At least, he could still keep her to himself for a little bit longer.

Nang makatuntong sila ng high school ay agad na nakilala ang kaibigan niya. Maganda ito at magaling kumanta. Madalas itong pasalihin sa contests at madalas din itong nananalo. That became her ticket to popularity. Siya naman ay nanatiling tahimik at palaaral. Medyo ilag sa tao at ayaw makihalubilo. She's the only one who could make him open up at habang tumatagal, nababawasan ang oras nito sa kanya.

Pero hindi pa rin nawala ang nang-iintriga sa kanilang dalawa.

"Kayo ba ni Mica?"

"Hindi," ang palagi niyang sagot. Saka may pahabol na bulong. "Sana..."

Kaagaw niya sa atensyon ng kaibigan ang pag-aaral, social life at mga manliligaw nito. Parang lumawak na nang lumawak ang mundo nito habang ang kanya, nananatiling ito lamang ang nakalaman. Sometimes he'd stare alone up the starry sky and wait for a star to fall. Saka siya hihiling kahit alam niyang hindi naman ito nagkakatotoo.

Siguro nga'y hinding hindi sila magiging para sa isa't isa pero hindi pa rin siya nawalan ng pag-asa. Bata pa naman sila. Baka sakaling sa paglipas ng kaunti pang panahon, maging pareho sila ng nararamdaman. Baka sila pala ang nakatadhana para sa isa't isa. He would just wait for her to realize that.

He was hoping that she will.

Third year high school sila noon nang unang beses niyang sinubukang magtapat. Magka-date sila noong prom. Kasunduan nilang dalawa.

Too lateBasahin ang storyang ito ng LIBRE!