Nakaramdam ako nang takot doon. Napapikit ako habang pilit kong iniintindi ang pa-ulit ulit niyang binubulong sa 'kin. At nang tuluyan ko na ngang makuha ang mga sinasabi niya ay lalo lamang akong napahagulhol. Kasabay nun ay ang pagbagsak ng kamay niyang nasa pisngi ko.

Natulala lang ako. Hirap na hirap na akong huminga. Kung hindi pa ako siguro hinila palayo sa katawan ni buddy marahil ay nagtagal pa ako roon.

Hinarap ko ang taong yumakap sa 'kin at naglayo sa 'kin kay buddy. Puno ng simpatya ang mga mata nito. Ako naman ay parang nawala na sa sarili. Pakiramdam ko ay mababaliw na ako.

"I'm sorry anak..." bulong niya saka ako muling niyakap.

Napahagulhol ako lalo. Pagod na pagod na ako. Baka pwede naman akong magpahinga kahit saglit lang. Baka pwede namang makalimutan ko muna ang lahat,  kasi hindi ko na kaya. Sobra na kasing sakit ang nararamdaman ko, Hindi ko na kayang sapuin lahat.

"I wish...i can take all your pain anak." Bulong ni Dad.

Humikbi ako atsaka pagod ang mga matang tiningala ko siya. "N-Nadamay siya D-Dad." Hikbi ko at muling umiyak sa bisig niya. "A-At kahit h-hirap na hirap na s-siya....n-nagawa niya pa r-ring pa ulit ulit na i-ibulong sa 'kin k-kung gaano n-niya ako k-kamahal." Puno ng pighating sabi ko.

Pagkatapos nun ay natulala na lamang ako. Wala na akong makausap dahil ayoko nang magsalita muna. Paulit ulit na nagre-replay sa utak ko ang itsura ni buddy kanina. At wala na akong nagawa kundi ang humikbi nalang at umiyak ng umiyak.

Iyak ako ng iyak at kahit pakiramdam ko ay pagod na pagod na ako ay hindi pa rin humihinto sa pagtulo ang mga luha ko. Kasalanan ko 'to. Hinding hindi ko mapapatawad ang sarili ko.

"I-Im sorry buddy..." Humagulhol ako. Niyakap ko ang tuhod ko atsaka ko binagsak ang noo ko roon.

Kanina pa ako hinatid ni Daddy rito sa kwarto ko at hanggang ngayon ay hindi pa rin ako humihinto sa pag-iyak. Mas mabuti nang hindi na siya nagtagal rito sa loob dahil ayoko ring makita niyang ganito ako.

Mas lalo ko lang naramdaman ang sakit sa dibdib ko nang bumalik sa alaala ko ang mga ginawa ni buddy sa 'kin. Lahat ng kabutihang pinakita niya sa 'kin. Hindi ko rin makalimutan ang pa-ulit ulit na binubulong niya sa 'kin. Lalo lang nun nadagdagan ang sakit sa kaibuturan ng puso ko.

"Mahal kita buddy. Mahal na Mahal."  Kahit hindi malinaw ang pagkakasabi niya nang mga katagang 'yan ay nagawa ko pa ring intindihin lalo na't pa-ulit ulit niya 'yon kung ibulong sa 'kin.

"I-Im sorry...b-buddy..." Humikbi ako.

Nanginginig pa rin ako at hindi maalis sa sistema ko ang nangyari. At kahit hindi nila sabihin sa 'kin, alam kong....wala na si buddy. Wala na siya.

Humikbi ako. Dahan dahan akong nag-angat nang tingin nang marinig kong tumunog ang cellphone ko. Kinuha ko iyon at agad sinagot nang makita ko kung sino ang tumatawag.

"S-Sandra...." Nanginginig ang boses na bungad ko sa kaniya.

Humikbi ako. "Sandy...Nabalitaan ko ang nangyari kay carlo." Aniya sa malungkot na tinig.

Napahagulhol ako. "S-Sandra...kasalanan..k-ko..." Hikbi ko. "P-Pinatay...ko..s-siya..s-sandra..." Nangyari iyon kay buddy dahil sa 'kin. Kung hindi niya ako nakilala baka hindi iyon nangyari sa kaniya.

"S-Sandy..." Nakikisimpatya ang boses niya. Bumuntong hininga siya sa kabilang linya na tila ba nahihirapan din siya. At doon ko lang naalala na bawal sa kaniya ang ma-stress, at kahit gusto ko mang kumalma muna para sa kaniya ay hindi ko magawa.

"S-Sandra...." halos pabulong ko nang sabi. "N-Nakahingi na ba ako ng s-sorry sa 'yo? Nasabi ko na ba s-sayo kung gaano ako k-kaswerte na n-nakilala kita? S-Sandra...pasensiya n-na kung pati ikaw n-nadamay. Hindi k-ko naman i-iyon ginusto, eh." Hikbi ko.

"S-Sandy...wala k-kang kasalanan," Aniya.

Umiling ako kahit hindi niya naman nakikita. "S-Sandra...natatakot...ako...n-natatakot..ako...na..b-baka..kapag..h-hindi..pa..ito...n-natapos...ay..baka...m-may...mawala..na..n-naman..." Hagulhol ko.

Natahimik siya. Siguro'y may mga bagay nang naglalaro sa utak niya ngayon at wala na akong balak malaman pa 'yon. Ang gusto ko nalang ngayon ay matapos na itong lahat.

Pumikit ako at nagpaalam na sa kaniya. Saktong pagbaba ko nang cellphone sa gilid ng kama ko ay saka naman pumasok si kuya. Nakangiti ito sa 'kin na para bang ito ang magpapalakas ng loob ko.

Umupo siya sa tabi ko. Hinawi niya ang mga hibla ng buhok kong humaharang sa aking mukha. Atsaka pinunasan ang mga luha sa pisngi ko.

"Magiging maayos din ang lahat. Matatapos din ito sandy." Aniya.

Hindi ako nakasagot. Tumulo na naman ang mga panibagong luha sa aking pisngi. Hindi. Hindi magiging maayos ang lahat kung hindi ko ito tatapusin.

Hinila niya ako at niyakap ng mahigpit. Hinayaan ko lang ang sarili kong umiyak sa bisig niya. Kailang ko ito sa ngayon. Sa ngayon ay hahayaan ko muna ang sarili kong maging mahina. Ngayon lang naman, eh. Kasi bukas kailangan ko nang magpakatatag.

"Nasa baba na ang mga laxamana kausap ni Dad. Gusto kang maka-usap nang mga kaibigan mo. Gusto mo bang paakyatin ko sila rito." Aniya.

Naalala kong pinapunta ko pala ang mga laxamana rito para malaman na nila ang lahat. Pero, sa kalagayan ko ngayon siguradong wala akong masasabi sa kanila. Mabuti nalang at nandiyan sila Daddy, Tiwala naman akong maipapa-liwanag nila ang lahat ng maayos. Atsaka Sigurdong nandoon si gabriel, hindi pa ako handang harapin siya...Ayoko ring harapin siya.

"Nag-aalala sila sa 'yo. Lalo na ang anak ni Gabriel Laxamana." Sabi pa niya.

Umiling ako. "W-Wala akong gustong m-maka-usap k-kuya." Nanginginig kong sambit.

Bumuntong hininga siya atsaka hinalikan ang tuktok ng ulo ko. "Kung 'yan ang gusto mo." Aniya.

Pagod ang mga matang tiningala ko siya. Alam kong labis siyang nasaktan nang iwan siya ni Sandra at nalulungkot ako dahil kailangan pa nilang magkahiwalay. Ilang buwan lang naman sila nagkahiwalay kaya alam kong sariwa pa iyon kay kuya. Mahal na Mahal niya si Sandy, Nakita ko 'yon noong magkasama pa sila.

Lumayo ako sa kaniya na ikinakunot ng noo niya. Nag-iwas ako ng tingin at yumuko. Masakit na ang ulo at mga mata ko. Pagod na pagod na ako pero gusto kong bago matapos ang araw na ito ay malaman niya ang lahat ng tungkol kay sandra.

Huminga ako nang malalim. "K-Kuya, natatandaan mo pa b-ba 'yong niregalo ko sa 'yo noong birthday mo?" Di ako makatingin sa kaniya nang diretso.

"Yes. What about that painting?" Tanong niya.

Lumunok ako. Tiningnan ko siya. I feel sorry for him. "S-Sa likod non ay may a-address akong nilagay. C-Can you go there n-now?" Ani ko.

Kumunot ang noo niya. "Bakit? Anu bang meron sa address na 'yon?"

Umiling ako at muling nag-iwas ng tingin. "Pumunta ka nalang doon kuya. I j-Just want to make things right." Sabi ko.

Naguguluhan man ay tumango pa rin siya. Huminga ako ng malalim dahil alam kong gagawin niya rin 'yon. Pupuntahan niya 'yon mamaya at doon niya na malalaman ang kalagayan ni Sandra.

Sana maging maayos na sila.

Hello there!!

Matatapos na po ito. Ilang chapter nalang hahahahaxd. Sana subaybayan niyo ito kahit hindi naman kagandahan. HahaxD.

I love you ;*

The Coldhearted Beast 💯Dove le storie prendono vita. Scoprilo ora