GABI - Mga Ala-ala

350 4 2
                                        

Esilyo:

Simoy ng hangin,
Aki'y nalalanghap.
Mga ulap,
Na unti-unting nawawala.
Ang buwan na ngayo'y,
Sobrang liwanag.
Nakakasilaw ang ganda.
Hangin na unti-unting,
Isinasayaw ang mga damuhan.
Na aking katabi.
Mga paniki na natutulog,
Ngayo'y minumulat na ang mga pakpak at mata.
Mga kuliglig na nagsisilbing,
Ilaw sa madilim kong paningin.
Ang yakap na dinadala sakin ng hangin.

"Kung ika'y nalulungkot,
Isipin mo lang ang lugar na ito.
Ang puso mong punong-puno ng lungkot,
Ay kakalma tulad ng natutulog na ibon."

Amara:

Kapaligiran na punong-puno,
Ng hiwaga.
Kapaligiran na ninanais,
At ipinagkakaingat-ingatan.
Isang malamig at tahimik,
Na gabi para sa atin.
Gabing tahimik at punong-puno ng pag-ibig.
Isang gabing tahimik,
Upang makatulog ng mahimbing,
Sa iyong mga bisig.

GABI  (A Spoken Poetry Story)Stories to obsess over. Discover now