J12/Island.

2.2K 66 3
                                    


J12/Island.

"Miss, pwedeng magtanong? Nakita niyo ba ito." Sabi ng inspector sa kaparehang tindera na may nagtanong din na pulis.

Ipinakita rin ang parehas na mukha na larawan ng babae sa tindera. "Manong may pulis na rin po na naghanap ng babaeng yan dito." Nagtinginan ang detective at ang inspector sa sinabi ng tindera.

Detective's POV

"Sigurado ka ba!" Tanong ko na kinalampag pa ang kahoy na parte ng tindahan sa harapan ng tindera.

"Bakit detectitive!" Sabi ng inspector na palagi kong dala.

"Magtanong-tanong po kayo diyan, diyan po siya banda pumunta.." Tinuro niya ang isang daanan na may mga naglalaro ng patintero at mga bahay na dikit-dikit.

"Salamat.." Sabi ko.

Walang ibang pulis ang nakahawak sa case ni #27 ako lang ang may hawak!

Ibig-sabihin may nagpapanggap na pulis...

Kung tama ang hinala ko...

Nakawala si #27 at ang pulis na naghahanap sa kanya ay walang iba kundi si mystery guy.

Tsk! Mahuhuli na natin ang g*gong to!

Nasa syudad ka pala ha? Alam mo may makalat kang gawain...

Tumawag ako sa police department...

****

(Hapon)

Soffia Layman's POV

After a week..

"Sigurado ka na ba Sophia?" Tanong sakin ng nanay ni Sebastian..

"Opo... magaling na po ako." Sabi ko at pinatong ko pa ang isang kamay ko sa hawak niyang kamay ko sa ibabaw ng mga kamay niya.

"Mag-iingat ka iha." Sabi ng tatay ni Sebastian.

"Opo." Ngumiti rin ako sa kanya.

Bumaba na rin si Sebastian at may dalang bag sa likod.

"Nay! Sasama ako! Ihahatid ko si Sophia!" Sabi ni Sebastian na lumitaw tabi ng tatay niya sa likod.

May inabot na palihim ang tatay niya kay Sebastian na nilagay niya sa bulsa ng pantalon niya. Makapal na pera ata.

Haha..

So palihim nila akong tutulungan pero nakita ko kaya!

Alangan umalis nga ako ng walang pera...

"Sige anak, ingatan mo si Sophia ahh" Bumitaw na si inay sa akin at lumingon siya sa anak at kumindat pa.

Na alam ko rin..

Hindi sila marunong magsinungaling..

"Salamat po..." Napaiyak ako sa effort nila sa akin.

"Sige iha! gagabihin na kayo! Ingatan mo ang anak ko sa syudad..." Sabi ng tatay niya at pinalalabas na kami ng kamay.

"Tay! Babalik ako ano ka ba!" Sabi ni Sebastian.

"Anak! Gusto namin ng tatay mo na maranasan mo ang syudad.." Sabi ng inay niya na tumingin sa asawa at nagbigay lang ito ng tungo.

"Anong ibig niyong sabihin..." Sabi ni Sebastian na di pa rin naiintindihan ang mga sinasabi ng magulang.

"Oh! Basta!" Tinutulak na ng tatay ang anak palabas sa pinto. "Mag-eenjoy ka dun anak!" Tinulak niya na ito sa labas at nalaglag ito sa pinto ng nakatayo.

The Victim Of Kidnapping Case - Closed (Tagalog) (Completed)Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt