#J11/Tale.

2.4K 70 0
                                    

#J11/Tale.

Sophia Layman's POV

"Uhm, gusto mo lumabas?" Sabi niya ng makabawi sa tawa na para bang binabasa ang nasa isip ko.

Tumango ako at napangiti at agad na bumaba sa upuan na pinagpatungan ko at pababa na sana ako sa hagdan ng pinto pero..

"Teka lang pala magbibihis muna ako." Sabi niya sa baba at umusog muna ako para makadaan siya sa loob.

Pumasok siya sa loob at naka suot na siya paglabas ng isang maong na halos kulay puti na ang kulay na asul nito sa kupas at may mga butas ito sa bandang tuhod at round neck t-shirt na brown ang suot niya, medyo maluhag pa sa kanya. At may dala siyang sumbrero na gawa sa pinatuyong dahon ng kung-ano.

Nilagay niya sa ulo ko ang isa at nauna ng bumaba na tumatakbo pa na binaba ang hagdan para lang imbitahin ang kamay ko bumaba.

Hahaha, OA.

Napangiti akong tinanggap ang kamay niya.

"Dahan-dahan prinsesa..." Sabi niya na nakangiti na halos makikita mo na yung ngipin niya sa taas sa bungisngis ng tawa niya. Parang bata.

"Ang bilis mo magbihis ah, basa pa yung buhok mo oh.." Oo di pa ako tumagal ng pagtayo tapat ng kwarto niya sa bilis niya magbihis.

"Ayoko paghintayin ang prinsesa.." Sabi niya pagbaba ko.

"Tumigil ka nga sa prinsesa, may asawa na ako remember..." Suddenly napaisip ako kay Drei Blackwood.

"Haha, di pwedeng as a friend na tawagin kang prinsesa?" Sabi niya ng naglakad na kami at tinanggal na ang pagkakahawak sa kamay.

"Pwede naman as a friend." Sabi ko, pero teka asawa ko ba talaga si Drei? Bakit masyado akong hung-up sa word na asawa.

"Bitbitin na lang kita, baka mapagod ka at mabuksan pa ang sugat mo.." Sabi niya at yumuko sa unahan ko.

Medyo wala naman na pero, medyo pagod pa ata ako at nanghihina pero gusto ko rin makalakbay ang isla..

"Sige na di tayo tatagal sa gala niyan..." Sabi niya na naghihintay pa rin kaya naman tinanggap ko na ang offer niya.

"Hoy! Sebastian! Umuwi kayo ng maaga ah! Magluluto ako!" Sabi ng nanay niya ng makalabas na kami sa mga kahoy na gate.

"Sige inay! Kung hindi mag-eenjoy si Sophiaaa!" Sigaw niya pabalik.

Ayun naglakad lang kami sa mga palayan, nakita ko yung malawak na palayan na punong-puno ng tanim na palay na sobrang ganda tingnan isama mo pa ang sikat ng araw na nagpapaganda pa lalo ng kulay nito.

Dumaan rin kami si Ilog na pagkakatanda ko ay, dumaan din ako dito! Ang dami pa palang isda dito at sobrang linaw ng tubig, woah! Wala ka nang makikitang ganitong ilog sa Manila.

Pinaupo niya ako sa isang bato na natatakpan ng malaking puno at may kinuha siyan stick at hiniwa niya ito ng dalang kutsilyo mula sa sintoron niya na nakatali.

Pagkatapos ay tumusok siya ng isda ng isang mabilis lang. "Woah!" Napa-angat ang ulo ko ng una niyang subok at tinaas niya pa ang huli sakin.

"Waaah! Ang galing mo Sebastian!" Sigaw ko sa kanya na tuwang-tuwa na parang nakanood ng pelikulang live show.

Maya-maya naka apat na siyang tuhog at apat na isda na rin ang nakatusok dun sunod-sunod.

Kumuha siya ng posporo at nang pangatong, at ginawa niya na ring panggatong ang panghuli kanina. Na binabali niya lang ng dalawang mga kamay niya.

Nag-eenjoy akong tingnan siya. Lumakas na rin ang apoy at agad niya itong nilagay sa kahoy na nakatusok sa lupa na magkabilaang may dalawang sangay at iniwan dun ang isang isda. At pinaikot-ikot niya ito hanggang sa naluto na.

The Victim Of Kidnapping Case - Closed (Tagalog) (Completed)Kde žijí příběhy. Začni objevovat