Naalala ko pa

Magsimula sa umpisa
                                    

J.S. Prom nang pormal mong aminin sa akin ang nararamdaman mo. Doon mo tinapos ang pag a-assume ko. Doon ko rin na-realized na hindi na pala ako friendzoned. Mahal mo na kasi ako, sabi mo noon. Gusto mong manligaw sa akin. Aarte pa ba ako? Syempre pumayag na ako agad-agad! Matagal ko na kayang inaantay na sabihin mo ‘yan. Kung alam mo lang, una akong nahulog kesa sa ‘yo. Huli ka man, pero paparating ka na para saluhin ako.

Halos isang buwan ka nanligaw sa akin. Syempre hindi ko na masyadong pinatagal kasi mahal na mahal naman talaga kita eh. March 17 nang maging tayo. Isa ito sa pinaka-masayang araw ko. Naalala ko pa, nangako ka sa akin nun. Sabi mo walang iwanan. Sabi mo ako lang. Nangako rin ako sa ‘yo dahil nung mga panahon na ‘yun, wala akong balak iwanan ka. Gusto ko talaga na ikaw pa rin hanggang dulo.

Naalala ko pa nung dalawang taon na ang relasyon natin. Mas matibay tayo kesa noon. Hindi naman kasi tayo perpektong couple eh. Madalas tayo mag away pero naayos natin ang lahat. Ang saya-saya ko kasi nasa tabi kita. Hindi ko maisip ang buhay pag nawala ka sa tabi ko.

Kaso biglang nag bago ang lahat.

Naalala ko pa nung tumawag ka sa akin. Ang saya-saya mo nun. Sabi mo may kumukuha sa ‘yo na producer at balak kang gawan ng album. Hindi lang basta-basta silang producer, kilala talaga sila at ang mga singers nila. Magaling silang magpasikat ng talent. Tuwang-tuwa ako nun. Pangarap mo naman kasi talaga ang maging singer eh. Abot-kamay mo na ang mga pangarap mo.

Natatandaan ko pa nga noon, sumulat ka ng kanta para sa akin at ayun pa ang naging title ng album mo. Naalala ko pa dati, ako ang unang nakakarinig ng mga kanta mo.

Unang album, hit na agad. Lumago ng lumago ang career life mo. Masaya ako para sa ‘yo kaso naalala mo pa ba nun? Unti-unti ka nang lumalayo sa akin. Nawawalan ka na ng oras. Ni-hindi na kita matawagan. Hindi na rin tayo nag kikita. Umaga, tanghali, gabi, nag te-text ako sa ‘yo kaso bihira mo na lang masagot ang mga texts ko. Madalang na tayo magkasama, ang dalas pa natin mag away.

Naalala ko pa nung mga panahong itinatanong ko na kung ano pa ba ako para sa ‘yo? Meron pa ba akong lugar diyan sa buhay mo? Masaya ako sa narating mo pero hindi ko na kayang lubusang maging masaya kasi hindi na sa akin ang atensyon mo.

Ang dami mong naging fans. Karaniwan puro mga babae. Naniniwala naman ako na ako lang eh. Kaso hindi ko maiwasang masaktan kada may hahatakin kang babae paakyat ng stage at kakantahan mo. Ang masakit, kinakanta mo pa ang kantang isinulat mo para sa akin.

Naalala ko pa nung nag away tayo ng sobra. Sabi ko ayoko na. Hindi ko na kaya kasi ang sakit sakit na. Hindi ko na malaman kung ano na ang lugar ko diyan sa puso mo. At nung araw na ‘yun, ikaw na ang tumapos ng lahat. Para hindi na ako mahirapan, para hindi ka na makonsensya, nakipag break ka na sa akin. Hindi ko inakalang hahantong sa ganoon. Ayokong makipag hiwalay. Hindi ko kaya na wala ka. Kinabukasan noon, nagmaka-awa ako. Sabi ko okay lang kahit busy ka. Okay lang kahit gamitin mo na ang kantang ginawa mo sa akin para awitan ang mga fans mo. Okay lang kahit hindi mo na masagot agad ang mga tawag at texts ko. Okay lang lahat sa akin. Kaya kong mag tiis. Mas mabuti na ‘to kesa tuluyan mo akong iwanan. Kaso hindi ka pumayag. Sabi mo ayaw mo na talaga. Itigil na natin ‘to. Wag na akong mag paka martyr sa ‘yo.

Naalala ko pa kung gaano ako humagulgol ng iyak at kung gaano ka-mugto ang mata ko nun. Ang sakit sakit sakit. Para akong naiwan sa ere. Parang ‘yung mga pinangarap ko dati na kasama ka, gumuho lahat. Walang natira. Akala ko kasi ikaw na talaga. Akala ko tayo na hanggang dulo. Akala ko lang pala lahat ng yun. Hindi ko inakala na ganoon mo ako kadaling maiiwan. Hindi ko expected na ganun-ganun mo lang ako bibitawan.

Naalala ko paTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon