See? That's right. I'm right after all. Hindi man nila sabihin ng diretso pero hindi nila maalis sa isip nila na kahit papaano naisip nila na paano kung wala si Amber at ako ang nandon?

Hindi naman ako ganon ka manhid, masakit yon para kay Amber. Na ang pamilyang nilakihan niya ay umaasa at umaasa na sana wala siya at ang tunay ang nasa katayuan niya.

Mam Seline gave a loud sob at hindi ko napigilang tingnan siya. Hindi ko kaya tingnan na umiiyak siya dahil sa akin.

Nilingon ko si Amber standing there and her tears are ready to leave her eyes any moment from now.

"Ikaw ang lumagay sa sitwasyon ko." Malakas ang sabi ko pero hindi ako galit.

"Ikaw ang maging ampon at ako ang narito kasama ang tunay kong pamilya? Hindi ninyo alam ang pinagda-daanan ko."

Tumingin ako kay Justin, Mam Seline, Sir Antonin at tumigil yon ay kay Amber.

"Hindi niyo alam kung gaano kasakit sa akin na maging tunay na pamilya ninyo. Naging mabuti kayo sa akin, but knowing na inaagaw ko ang buhay na naka-sanayan ng babaeng mahal ko--

"Hindi ninyo alam kung gaano kasakit yon. Dahil nawalan lang kayo hindi kayo ang nawala, pinamigay at hindi kayo ang nakaranas na minsan ang akala mong sayo ay hindi pala totoo."

Tumalikod ako pero naramdaman ko ang yakap ni Mam Seline. This was more painful than I'm expecting. Niyakap ko siya sandali at tuluyan na akong umalis.

Hindi ako tutuloy sa Apartment to where I know na susundan ako ni Justin. Dumiretso ako ng sakay ng Bus papuntang Lucena Terminal. Isa lang ang alam kong pwede kong paglipasan ng sama ng loob na nararamdaman ko.

Bakit kasi ngayon pa. Bakit kasi--

Lumingon ako sa tumawag ng pangalan ko.

"Julian, don't leave."

Naka-pambahay pa rin siya at nakatingin ang mga tao sa paligid namin. Maging ang conductor na nasa harapan ko para alalayan ang mga sasakay ay nakatingin sa amin.

"It doesn't matter if your the real son of Mum and Dad. I'm happy that you too found your real family and you never take anything away from me. The love that they've givin' me's enough and it's time for you to take what's yours. Just don't leave."

She sniff and no one around us move except to Amber that wiping hear face.

"Come back, Mum needs you, so do I. Don't leave me, we can start all over again-- again and--"

Napatingin kami pareho sa ilang mga tao na pumasok na sa bus. Nagta-tawag na ang conductor. Bumalik na sila sa dapat nilang ginagawa.

"--accept that your family is waiting for you. Julian please come with me. Mum, Dad and Justin's waiting for you, Let's go back like--"

Pinutol ko ang sasabihin niya. Malungkot ang pagka-kasabi ko non. Mahina at sapat para marinig niya.

"Like a family. Like my sister."

Tumalikod na ako pero I stop into my track.

"You said, I'm gonna understand everything after all this--"

She was there at hindi ko na talaga kayang makita pa siya tumalikod pa ulit ako pero hindi pa ako umakyat ng bus.

"--pero wala na akong nai-intindihan Julian. I can't understand you anymore, why you have to leave." at tuluyan na akong umakyat ng bus. Hindi ko na kayang makita ang hirap ni Amber.

Naririnig kong tinatawag pa niya ako. Oo, hindi kami mag-kapatid sa dugo. Pero sa papel legal siyang Evans. At magiging kapatid ko siya hindi magta-tagal.

Naiwan siya sa labas na naka-tingin lang sa bintana. Hindi niya pa alam ang nangya-yari habang paikot na umaandar ang bus. 

Nasa may unahan ako at alam kong halos lahat ng tao ay sa amin nakatingin. Particularly to me dahil kasakay nila ako.

Unti-unti ng bumibilis ang andar ng bus at humahabol na si Amber. I can't stand it at nilingon ko ang conductor na nagsalita.

"Sir, ihihinto po ba namin ang bus?"

Tiningnan ko lang siya at hindi nagsalita siguro naintindihan niya yon at bumilis na ang takbo ng bus hanggang sa hindi ko na nakita si Amber.

Wala na siya sa paningin ko. Hindi ko alam kung paano ako nakarating ng Poctoy na halos lumilipad ang isip ko.

Pagbaba ko hindi ko napansin ang layo na nilakad ko papasok ng gate ng White Beach. Si Ena ang sumalubong sa akin.

"Sir Julian hindi po nabanggit sa akin ni Sir Ellie na madating kayo."

Hindi ako nagsalita pero ngumiti ako sa kanya at dumiretso na ako sa bahay. Nagulat pa si Kuya Ellie ng maka-salubong niya ako sa may pinto.

"Oh, Bunso anong ginagawa mo dito?"

"Kuya, pwede bang dito muna ako?"

Tumingin ng mabuti sa akin si Kuya at tinapik ako sa balikat.

"Sige, magstay ka dito hanggang gusto mo. Feel at home."

Iniwan na niya ako dumiretso na ako sa kwarto at pabagsak akong nahiga sa kama ni Kuya Reg. Pakiramdam ko pagod na pagod ako. Hindi dahil sa biyahe kung hindi dahil sa lahat ng nangyari.

Ano kayang nangyari kay Amber? Nakauwi kaya siya ng maayos kahapon? Nakadapa ako sa kama ko ng marinig ko ang katok at nilingon ko yon.

"Julian, pinadalhan ka sa akin ni Ate Flor ng akainin. Alapag ko na laang dini huh? Kumain kana laang pag gusto mo."

Inilapag ni Maricris sa may cabinet na katabi ng kama ni Kuya James. Bago siya lumabas nagsalita ulit siya.

"Ibinilin ngani pala ni Kuya Ellie na mapunta daw siya dito mamaya." at tuluyan na siyang lumabas.

Miss PopularTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon