Ayaw kong maaksidente lalo na at kasama ko si Amber. May naiwang ilang gamit si Amber sa bahay kaya naman may nagamit siyang damit. Hindi ko naman kailangan na magluto dahil bago kami umalis sa Resto ay pinakain muna kami ni Ate Peige.

Pinainom ko si Amber ng gamot para siguradong hindi siya magkakasakit sa pagka-basa ng ulan.

Nakahiga na kami at tahimik lang. Akala ko ay tulog na siya pero naramdaman ko na may yumakap sa likuran ko. Bumaba siya sa kama niya at tumabi sa akin.

Nakasando lang ako kaya naramdaman ko ang basang mukha niya sa braso ko ng mahiga siya sa tabi ko. 

Nasasaktan ko na siya hindi man niya sabihin. Inupo ko siya para alalayan siyang bumalik sa kama niya. Huminga siya ng malalim at nahiga naman patalikod sa akin.

Nahiga din ako sa tabi niya at niyakap ko siya na naka-talikod.

Mahal ko si Amber. At ayaw kong maranasan niya ang masaktan gaya ng naranasan ko. Nakapag desisyon na ang isip ko na kakalimutan ko na ang lahat.

Papatawarin ko na si Loise dahil alam kong yon lang ang isang dahilan kaya hanggang ngayon, I'm still holding on. Dahil hindi ko matanggap na nasaktan niya ako noon.

Amber face me at ramdam ko ang init ng paghinga niya. I swallow at naramdaman ko na dahan dahan siyang lumalapit sa akin. She kissed me and I kiss her back.

The kiss was gentle and passionate.

It was not like the kiss before na I'm always longing to, but the caress of her soft lips into mine and the moan from her was audible.

I heard her whisper into my ears. "Take me." and then we are one.

***

Nagising ako ng maaga at tulog pa si Amber sa tabi ko. Naka-yakap siya sa akin. I kiss her into her forehead at pinagmasdan ko siya.

Ngayon ko lang napansin na may pareho silang labi ni Ate Peige at ang pilik mata nila ay pareho ng kay Loise malantik at mahaba.

Huminga ako ng malalim. Hindi ko pinag-sisisihan ang nangyari. Handa kong panagutan kung ano man ang nangyari sa amin.

"Oh my goodness. She is, Isn't she, Julian?" Abby gasp.

"You're only seven Abby."

Mukhang naisip naman niya yon at kumuha siya ng cookies.

"Oh! Yeah, you're right. I'm not fourteen."

Lahat ng kaya kong ibigay na pagma-mahal para kay Amber ay ibinigay ko. Hindi ko alam kung may nagbago sa amin pero hindi na kami kagaya ng dati. Amber seems much mature at madalas lang siyang tahimik at nakangiti sa akin.

Dumating ang week end at nagtext si Ate Peige na hindi na siya maka-kasama sa Marinduque.

Tumawag naman si Kuya Ellie sa akin ng magtext ako sa kanya pero ang sabi niya walang problema don dahil hindi rin maka-kasama si Kuya Reg dahil nagkasakit ang Daddy nito.

Na siya na lang ang uuwi para makatulong sa kanila. Kaya naman daw niya ang solo. And he was saying for good. Isang taon na lang naman at graduate na din si Paula.

Nasa baba na ako ng parking area at bago ako makababa nakita ko ang pasakay na si Sir Antonin sa sasakyan niya.

Mukhang galit siya at tumunog ang cell phone ko. Nagtext si Justin at sinabi niya na nanggaling ang Daddy niya sa Hospital.

Pagkaalis na pagkaalis ni Mr. Evans umakyat na ako sa opisina ng Doctor. Hindi ako kumatok at nagulat siya sa pagkakita sa akin.

Naupo ako sa harapan niya at naka-nganga lang siya hindi niya magawang mag-salita. Kalma lang ako. Hawak ko ang cell phone ko at pinatong ko yon sa harap mismo ng pagitan namin ng doctor. I lean to her table.

"Natutuwa ang pamilya ni Efren Morales dahil sa wakas ay makikilala na nila ang anak nila. Siguro kasama na siya ng Ate Peige niya pauwi sa kanila ngayon." sabi ko pero ang totoo ay nasa mansion lang si Amber ngayon.

"Kayo Doctora hindi po ba kayo natutuwa?" tinitingnan ko siyang mabuti at alam kong may kaba siyang nararamdaman.

"Oh baka naman ngayon natatakot na kayo na mawalan ng lisensiya? Oh hindi lang yon, baka makulong pa kayo."

"Is that a threat?"

Sumandal ako sa upuan ko.

"No. If you want it not and yes, if you lied in every question I have for you. Ngayon Doctora, sabihin niyo sa akin. Sa reaksiyon mo ba na yan tama ako?"

Hindi ako agad nagsalita pero dahil sa tigagal ang nasa harap ko

"Ngayon pagusapan naman natin ay ang buhay ko. Naka-kasawa kasi na yon isang sanggol lang ang pinag-uusapan. Bakit hindi naman ako ang pag-usapan natin?" sabi ko at umayos ako ng pagka-kaupo.

"Kami lang ni Amber ang pinanganak sa Hospital na ito ng araw na yon. Kung si Amber ang anak ng mga Morales, ibig sabihin may itinatago kang isang twenty years old? Si Jessica ay anak mo diba?"

Nanlaki ang mata ng Doctor.

"How do you know about Jessica?"

Hindi ko pinansin ang sinabi ni Dra. Beth.

"At isa ka sa hindi pumayag na makasal siya kay Justin, kahit pinag-kasundo sila ni Sir Antonin at ng asawa niyo?"

Mahinahon ang boses ko. Pareho kaming napalingon ni Dra. Beth sa pintong bumukas. Pumasok don si Justin na hanggang ngayon ay nasa tenga pa din niya ang cell phone niya.

Hindi ko siya masisisi kung hindi niya kinaya ang maghintay lang sa parking at makinig sa pinag-uusapan namin.

"Jessica's m-my--"

Tumayo si Dra. Beth and nod urgently. Tumayo ako at pabagsak na nilapag ang dalawa kong kamay sa mesa dahilan para matumba ang ilan sa mga naka-patong don.

"Hindi siya ang totoong anak ng mga Evans!" sigaw ko.

Tumahimik sila at alam kong tumingin si Justin sa akin.

"Yon ang plano mo, ang palabasin na si Jessica ang anak ng mga Evans at ikaw din ang gumawa ng paraan para malaman ni Mam Seline ang totoo dahil nakikita mo na walang balak si Sir Antonin na ipaalam yon sa mahal niyang asawa hanggang sa pinaka huli niyang hininga."

Mabilis ang pagkaka-sabi ko non and I feel myself ranging into anger. Huminga ako ng malalim at mahinahon ulit akong nagsalita.

"Sorry to tell you Doctora, pero nagkataon na ang nag-iisa kong kaibigan na natitira na sa EMAP ay President ng Student Counsil (I meant Paula Del Mundo). Pinagka-katiwalaan at labas pasok ng staffer.

"It happens na humingi ako ng tulong sa kanya to look up for some information about Jessica Audrey Mijhares? A twenty years old at isang-- like you taking up Medicine? It looks like she adore her MUM very much at malalaman niya na ang Nanay pala niya ay manloloko ng pasiyente--

"NO ONE WILL TALK WHILE I'M ABOUT TO TELL YOU WHAT I KNOW'S THE TRUTH!"

Sigaw ko ng biglang magsasalita si Dra. Beth. Medyo napaurong siya sa sigaw ko at alam kong tumingin sa akin si Justin. Huminahon naman ako.

"Ibang Hospital ang pina-nganakan niya. Sa Toronto, Canada niyo siya pina-nganak six months before even me and Amber was born."

Naupo ako at sumandal sa upuan na parang nagkukwentuhan lang kami ng mga kaharap ko.

"Ngayon pwede naba nating pagusapan ang tungkol sa akin?"

Sa mukha niya kahit pa naka lipstick siya ay halatang namumutla na siya.

"I know, you know my father very well. Now tell me--"

Gusto kong lingunin si Justin. Hindi ko alam kung ano na ang nangyayari sa kanya na nananatiling nakatayo sa tabi ko.

"--magka-mukha ba kami ni Justin?"

Miss PopularWhere stories live. Discover now