Iyon ang mga bagay na hindi niya napansing binago sa kanya ni Bari. He wanted her to wear those kind of dress—not revealing too much. Clean and sophisticated looking. And she liked it. Honestly, sometimes...

            She missed being Bari's wife.

            "Technically, asawa pa rin naman ako," kausap niya sa sarili habang nagkakabit ng strap ng sandals. "But the thing is, I'm not a deserving wife. Bad wife, bad mom..."

            Natigilan siya saglit. Pero napailing na lang rin. They all have to move on. Her two-week old unborn child won't come back. Ever.

            "Where are you going, hija?"

            "May aasikasuhin lang po," sagot niya sa ama. "See you later, Daddy!"

            Natawa ito. "Pinangatawanan mo nang 'Daddy' ang tawag sa'kin."

            Nagsawa na lang siya isang araw na "Papa" ang tawag sa ama kaya naman ginawa niya ng "Daddy" just last year.

            "Nasaan pala si Mommy?" hanap niya sa madrasta na dati'y "Mama" ang tawag niya pero nag-evolve na rin sa "Mommy".

            "She visited Agatha and Reeve."

            "Oh. I see. Well, I have to go, Daddy!" Humalik siya sa pisngi nito at saka na siya lumabas ng mansyon.

            Tumunog ang kotse niya—a lady Acura in gray. She got in the driver's seat, started the engine, and she's off to Bari. It took her exactly an hour and a half going to her destination. Napangiti siya nang makitang, maaga pa siya ng thirty minutes kaysa sa usapan! Yey!

            "Good morning, Ma'am," magalang na bati ng isang kasambahay. Siguro ay bago dahil mukhang dalaga pa.

            "Good morning," nakangiting bati niya pabalik. Mas niluwagan nito ang awang ng gate para makapasok siya.

            Napakalaki ng mansyon ng pamilya Delos Santos. It gave her the feels of an old Spanish era. Lamang ay mas na-maintain ang kagandahan ng bahay.

            "Is Mama Bella here?" tanong niya sa kasambahay na sumalubong sa kanya sa may gate. Kahit hiwalay na sila ni Bari ay minsan niya pa ring nakakausap ang biyenan. At gusto nitong tawagin niya pa rin itong "Mama".

            "Wala po, Ma'am. Nasa bakasyon po siya kasama ang mga kapatid niya. Si Sir Bari lang po ang nandito at naghihintay sa inyo."

            Oh. So it was announced that she'll come. "Thank you," aniya ulit sa katulong. Inalok siya nito nang makakain o maiinom pero tumanggi siya.

            "You don't want anything?"

            Napalingon agad si Czarina nang marinig ang tinig nito. Nakatayo si Bari sa maluwag na hagdan. Sandali siyang parang natulala. Hala! Bakit mas tumatanda si Bari ay lalong lumalakas ang dating at presensya nito?

            He's simply wearing a white long-sleeved shirt and black cargo shorts. Naka-tsinelas nga lang rin ito na kulay itim. Medyo magulo pa ang buhok nito at halatang hindi pa nakapag-shave. Noon naman ay nakikita niya ring ganoon ang ayos nito. Pero iba ngayon, eh. Ibang iba ang dating nito.

            Or is it because it's been years since she saw him just as simple but sexy like this?

            "Should I be flattered that you're staring at me?" ani Bari. Bahagyang nakangisi.

            "Ang guwapo mo ngayon! Sigurado kang wala kang sex life?" diretsa niya rito. Iba kasi talaga, eh.

            Doon na lumabas ang mga ngiti nito. Lumapit ito at bahagyang ginulo ang buhok niya. "You still surprise and amuse me in everything you say."

Hold Me More (More Trilogy #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon