Hanggang Kailan

158 10 0
                                    

Iniwan mo akong mag-isa...

Ilang taon na rin pala noong nakita kita na napaka ganda sa damit na sakto sa iyong mga kurbada.

Ilang taon na rin pala noong nakita kitang sobrang saya at naiiyak sa labis na tuwa.

Ilang taon na rin pala ang nagdaan simula noong naging 'kayo' na.

Ilang taon na ang nagdaan at kinasal ka na pero andito pa rin ako umaasa. Umaasa na sana tayong dalawa hanggang sa dulo kahit alam ko na mahal mo siya. Umaasa pa rin ako na sana ako na lang 'yung nandoon sa may altar na nag antay sa'yo at kinuha ang iyong mga kamay sa mga magulang mo.

Kahit pa, ako'y bahagi na lamang...

Ng nakaraan mo...

Umaasa pa rin ako kasi mahal kita pero hindi mo naman ako minahal diba? Ganun na lang ba talaga?

Totoo ata iyong one-sided love kasi ako lang naman ang laging nagmamahal at patuloy na nagmamahal kahit mayroon ng 'kayo' at wala na iyong 'tayo'.

Parang kailan lang ako ang may hawak sa mga kamay mo pero siya naman ang may hawak ng iyong puso.

Nagpaka baliw ako kasi nga mahal kita pero hindi mo naman sinuklian iyon kahit katiting, wala.

Hanggang kailan aasa?

Buong sistema at atensyon mo ay nasa kanya kaya bakit pa ba ako umaasa? Ang sagot diyan ay hindi ko rin alam. Pero sana alam ko ang sagot sa katanungan para hindi na ako masaktan nang sobra.

Hanggang kailan magdurusa?

Minsan kahit anong pilit mo na patuloy siyang intindihin kung bakit hindi 'kayo' pero mayroong 'sila', masasaktan at masasaktan ka na lang talaga.

Minahal kita ay hindi, mahal pa rin kita.

Noong sinabi mo na "Next month we wed and the new chapter begins." doon nagunaw at nasira ang mga pag-asa na meron ako para sa iyo. Para sa atin.

Hanggang kailan?

Gusto kitang ipaglaban at itigil ang kasal na mayroon kayo pero sino ba ako? Gawin ko man iyon walang epekto kasi nga wala naman akong halaga sa iyo.

Siguro bilang kaibigan 'oo' pero bilang ka-ibigan sinong niloko ko?

Ako lang pala 'yung umaasa simula pa lang.

Akala ko lang may pag-asa pero wala naman pala.

Ang sakit isipin na ako dapat 'iyon' ako dapat iyong nandoon.

Ako dapat ang nakatayo sa altar at tayong dalawa dapat ang manunumpa sa harap ng Diyos at sa mga tao.

Ako dapat 'yung nangako na hindi kita iiwan at mamahalin ng walang hanggan.

Ako dapat iyon pero mas pinili mo ang lalaking tingin mo ay nararapat saiyo.

Hanggang kailan?

Lahat dinadaan ko sa biro.

Lahat dinadaan ko sa kulitan.

Lahat dinadaan ko sa tawanan.

Lahat dinaanan ko sa lokohan.

Pati nga ang ibigin ka kahit napaka hirap ay sinugal ko.

Ikaw ang aking mahal.

Ikaw ang una sa mga taong aking hinangaan.

Ikaw ang nag-iisang babae sa buhay ko na gusto kung makasama habang buhay bukod sa aking inay.

Ikaw ang aking mahal ngunit may iba kang minamahal.

Hanggang kailan aasa?

Hanggang kailan magdurusa?





















Ana Karylle,

Ana Karylle Tatlonghari-Yuzon na aking mahal. Sana naman nakita mo ang halaga ng isang katulad ko na higit pa sa kaibigan ang turing sa'yo. Oo bakla ako pero mahal kita, Karylle. Alam kung maligaya ka sa piling niya kaya hindi na ako tututol pa. Ana Karylle, mahal na mahal kita higit pa sa kaibigan. Ana Karylle, hindi mo man ma-ibalik ang pagmamahal na aking ibinigay huwag kang mag-alala, nandito pa rin ako para sa'yo kung kailangan mo ng sasandalan. Nandito pa rin ako bilang iyong matalik na kaibigan. Oh aking kaibigan, hanggang kailan ako aasa? Ana Karylle, sana iyong tandaan na nandito ako para ikaw ay parating gabayan. Tandaan mo, mahal kita nang lubusan.

Ang iyong dakilang kaibigan, Vice Ganda ang pangalan.

Hanggang Kailan (ViceRylle)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon