LABEL

63 2 2
                                        

Mga mata ko'y iyong tinitigan habang aking kamay ay iyong hawak hawak
Ako ay nalilito,
Ano nga ba ang meron tayo?
Utak, puso, ano ang aking susundin?



Magkaibigan? O higit pa?
Mga tanong laging pumapasok sa aking isipan
Araw ko'y laging nabubuo sa tuwing tayo'y magkasama,
hanggang sa pagtulog pangalan mo ang isinisigaw


Sabi mo noon sa akin ika'y hindi pa handa, hindi handa saan?
Hindi handang mahalin ako? O ipagmalaki ako?
Ano? Ako'y napapagod na, nakakapagod ng isipin na kung hanggang kailan tayo ganito,
Kung kailan ba kita pwedeng ipagsigawan sa mundo at
kung kailan pwede ko nang sabihing AKIN KA


Ang lungkot din pala ng wala kayong label
hindi mo alam kung ano kayo o kung meron bang kayo
"Ayoko na, pagod na ko" sabi ng utak ko, samantala ang puso ko ang siyang nagsasabi na kaya ko pa
Sarili ko'y hindi ko na maintindihan


Ngayon, ako'y nagiisa habang iniisip ang panibagong bukas para sa ating dalawa
Sabay sa pagpatak ng luha ang pag asa na sana.. Sana balang araw ikaw.. Ako.. Ang sa huli..

Kamu telah mencapai bab terakhir yang dipublikasikan.

⏰ Terakhir diperbarui: Feb 10, 2017 ⏰

Tambahkan cerita ini ke Perpustakaan untuk mendapatkan notifikasi saat ada bab baru!

LABELCerita yang bikin terobses. Temukan sekarang