Prologue

4K 90 23
                                        


I AM ME WHEN I'M WITH YOU

Book2

PROLOGUE:

How could I do this?

What have I done to them?

What have I done to myself?

Patuloy lang sa pagpatak ang aking mga luha habang hawak ni Jaydel ang kamay ko at mabilis akong hinihila palayo ka Harvey. Hindi ko maintindihan ang nararamdaman ko. Para akong sasabog. Hindi ko na namalayan na isinakay na ako ni Jaydel sa kotse nya. Ni hindi ko sya magawang tingnan. He saw everything. I kissed another man. Pinagkatiwalaan nya ako pero ano ang isinukli ko. Hindi sya kumikibo habang nagmamaneho. I couldn't find a word to say. Mag so-sorry ba ako? Rinig na rinig ko ang mabibigat nyang paghinga. Paminsan-minsan ay hinahampas nya rin ang manibela ng sasakyan habang nagda-drive. He has all the right to get mad. Hindi na ako magtataka kung iiwan na nya ako pagkatapos nito. Lalo akong kinabahan nang ihinto nya ang sasakyan sa gilid ng kalsada.

"Why?" malamig na tonong tanong niya. Isang salita pero hindi ko alam kung paano sasagutin.

"Kailan pa?" Muli ay tanong niya.

"I'm so-sorry..." Umiiyak na tugon ko. Hindi ko alam kung ano ang sasabihin kundi ang humingi ng tawad.

"Shit! Tangina Det. Bakit kailangang sa ganitong paraan ko pa malaman?! Harapan mo akong niloko!" Galit at umiiyak na mahigpit niyang hinawakan ang magkabila kong balikat.

"I'm really sorry, Jaydel. Hindi ko rin alam! Ewan ko! Hindi ko na talaga alam!" Nakayuko akong humagulgol. Hindi ko kayang tingnan sya.

"Damn! Paanong hindi mo alam?! Kailan mo pa ako niloloko ha? Hanggang saan na ba ang pinagsamahan nyong dalawa? Tangina Det, niloko mo ako." Parang pinipiga ang puso ko sa sakit. Paano ko nagawa ito?

"Maniwala ka sakin Jaydel, mahal kita! Hindi ko sinasadya. I swear!"

"Mahal mo ako?! Nagpapatawa ka ba? I just saw you kissing that guy. I saw how you cry dahil aalis na sya. I saw how you shout his name. Tapos sasabihin mo na mahal mo ako?! Si Harvey, Det? Mahal mo rin ba sya?"

Iyak lang ang tanging naisagot ko sa kanya. Yes! Mahal ko si Harvey, nasasaktan ako dahil mahal ko sya. Nasasaktan din ako dahil mahal ko rin si Jaydel. Naguguluhan ako sa nararamdaman ko.

"Shit!" Muli siyang napasuntok sa manibela ng kotse."Why did I let him linger around you?" Tila nanghihinang sabi nya. "Please... Det, I need to know. Mahal mo ba si Harvey? Mas matimbang ba sya?" Nakikiusap na tanong nya. Pinapipili ba nya ako?

Oh Jaydel, who am I to hurt you? 

I am me, When I'm with you (book.2)Stories to obsess over. Discover now