Usapang Edukasyon

86 0 0
                                        

Panahon na nang pangangampanya, may mga bagong mukhang makikita na dala-dala ang kani-kanilang plataporma, adbokasiya at mga pangako.

Isang araw sa opisina nang isang bagong kandidato sa pagkapangulo ay nabigyan ang bawat isa na marinig ang nais nito para sa bansa at humarap sa kanya ang isang mag-aaral nang senior high school na ang pakay ay ang kalagayan ng edukasyon sa bansa.

*Kumakatok*
Assistant: Sir, narito na po ang susunod na gustong makipag-usap sainyo.

Presidente (P): Oh sya sige papasukin mo na.

Estudyante: Magandang hapon po.

P: Magandang hapon din iha, mukhang galing ka lang sa klase ha, sige maupo ka.

E: Ah sige salamat po. Ako nga po pala si Jasmine Roma, isang grade 11 na nasa STEM strand, ang nais ko po sanang itanong...

(Biglang nagsalita)
P: Teka, mukhang alam ko na ang nais mo iha, tungkol ba ito sa kalagayan nang edukasyon sa ating bansa partikular na sainyong mga senior high? Oh sige tapusin mo, ano iyon? *Sabay ngiti*

E: Ah iyon na nga po,  nais ko sana marinig ang iyong adbokasiya o plataporma na makakatulong sa hindi gaanong maayos na kalagayan nang edukasyon sa bansa lalong-lalo na po sa amin na nasa mababang estado nang pamumuhay.

P: Mahusay na katanungan Iha, Sa lahat nang adbokasiya ko ito ang pinaprayoridad ko sa lahat dahil hindi naman natin ipagkakaila na lahat nang mga nagiging propesyonal sa kasalukuyan ay dumaan sa pag-aaral at  edukasyon. Hindi ba?

E: *Sabay tango at nakikinig nang mabuti*

P: Isa na sa aking gagawin ay titingnan muna natin kung ano na nga ba ang mga naigawa nang mga dating nanungkulan, hindi ba't napapabalita na marami raw na guro ang mabibigyan nang trabaho o sinasabing "in-demand" ngunit may mga ilang nakapagtapos sa propesyong ito ngunit hanggang ngayon ay wala pa rin na trabaho. Dapat natin ayusin yan dahil marami pa rin sa ngayon ang kulang sa mga guro lalo na sa mga liblib na lugar. Magtatayo ako nang mga tirahan nang guro sa lugar na iyon para d na sila mahirapan bumiyahe pabalik-balik at mas marami pa ang matuturuan sa mga tinatawag nating "indigenous community."

E: Maganda nga po iyon, pero paano naman po kaming mga nasa siyudad o hindi nabibilang sa komunidad na iyan?

P: Huwag kang mag-alala iha, Inuna ko lamang sila pero hindi pa ako tapos *sabay ngiti* Syempre hindi ko kayo makakalimutan , ang mga pangunahing problema ninyo na aking nalalaman ay ang kakulangan sa mga gamit tulad nang mga libro at mga pasilidad, pati na rin ang mga silid-aralan, aking sosolusyunan iyan sa papamagitan nang pagpapatayo at pagbibigay nang mataas na tuon nang pondo at aking aalisin ang ilan sa mga pinopondohan nang gobyerno na hindi masyado nakakatulong at ililipat ko dito.

E: Paano naman po kaming malapit nang pumasok sa kolehiyo pero hindi na kinakaya ang pinansyal dahil sa karagdagang taon.

P: Ay! Maraming salamat iha, dahil pinaalala mo sakin yan, kung ako ang tatanungin sa inyong sitwasyon na Kto12 , may nakikita ako na maganda at hindi magandang maidudulot nito pero kung ako maihahalal aayusin pa natin ito para mas lalong maangkop sa inyong kakayahan dahil kung pilit na naman ito tanggalin ay panibagong "adjustment" na naman sa mga mag-aaral kaya naman mas pagtitibayin pa natin lalo na sa tinatawag nilang voucher program para sa akin ang gagawin ko ay gagawin ko nang libre ang pag-aaral sa SHS maging sa kolehiyo at bibigyan ko pa nang mataas na sahod na may karagdagang benepisyo ang mga guro para mas lalo pa silang ganahan sa pagtuturo.

E: Ay maganda po iyan! Gusto ko yan!

P: Ngunit, kailangang mapakita rin nang mga mag-aaral ang kanilang determinasyong matuto at kanilang buong suporta para hindi naman masayang ang kanilang benepisyong natatanggap dahil tatandaan natin , hawak natin ang direksyon nang ating buhay, kailangan natin ito pagsumikapan at huwag lamang tayo aasa na lang sa gobyerno na walang ginagawang kilos, suklian natin ito dahil kayo ang pag - asa nang bayan na magpapaunlad at magpapaganda pa nang ating bansa dahil kayo ang Alas nang Gobyerno.

E: Opo , Tama po iyon. Napakagand apo nang iyong mga sinabi. Maraming Salamat po.

P: Pero masasakatuparan lamang iyan kung ako ay mananalo sa eleksyong ito. *Sabay Tawa*

E: Makakaasa po kayo na ang aking buong suporta ay nasa iyo pati na ang aking pamilya, Maraming salamat po at Hanggang sa Muli.

P: Walang anuman, kung may mga katanungan ka pa ay bukas lang ang aking opisina ha, Maraming salamat din iha. Mag-iingat ka at pagbutihin ang pag-aaral.

*Nagkamayan ang dalawa*
*Sabay lumabas ang mag-aaral*

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Feb 07, 2017 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

UsapanWhere stories live. Discover now