Daniella's POV
"Oh Daniella, bakit late ka nang nagising?" Bati saakin ng kuya ko nung makita niya akong bumababa ng hagdanan. Sinimangutan ko lang sya at tuloy tuloy akong naglakad sa living room para umupo dun sa sofa.
"Di kasi tumunog yung alarm ko" Tumingin sya saakin at bahagyang tumawa, lumapit siya saakin nang may dala-dalang tray na may juice at cereal. Ngumiti ako sa kanya at tinanggap yun "Salamat kuya".
"Bilisan mo nang kumain habang may oras pa, first day of school tapos late ka" Tumango na lang ako sa kanya at pinagpatuloy ang pagkain.
Pagkatapos ay ginawa ko muna ang kung anong lagi kong ginagawa bago pumasok sa school. Kinuha ko yung susi ng kotse ko, plano ko sana yun gamitin kaso may biglang kumatok sa pintuan at aksidente ko yun nabitawan.
"Sandali lang!" Pasigaw kong sabi habang pinupulot yung susi na nahulog sa sahig. Inilagay ko ulit yun dun sa pinagkuhanan ko at pinagbuksan ng pintuan yung kuya ko.
"Hatid na kita sa school mo" Offer niya saakin. Tiningnan ko muna siya ng maigi bago tuluyang tumawa. Kuya ko ba talaga to?!?
"Tss... Anong nakain mo? Ang bait mo yata ngayon ah"
"Ikaw na nga lang ihahatid tapos ganyan ka pa"
"Haha ang corny mo kuya, Osige na nga mauna na kayo sa baba susunod nalang ako" Tumango lang siya saakin bago tuluyang bumaba. Isinara ko muna ang pinto at sinandalan ko yun, hindi talaga ako makapaniwala na ang bait na ng kuya ko samantalang noon lagi kaming naga-away.
Kinuha ko ang bag ko na nakapatong sa study table ko at pinagmasdan muna ang kwarto ko bago ako tuluyang bumaba.
"Oh tara na?" Tanong saakin ni kuya na nakatayo sa gilid ng kotse niya. Lumapit ako sa kanya at iniabot ko sa kanya ang bag ko at kinuha niya naman yun "Anong gagawin ko dito?"
"Pakilagay nalang dun sa backseat" Sagot ko bago ako umupo dun sa passenger seat. Umiling muna sya bago niya inilagay ang bag ko sa backseat at sumakay na siya sa kotse "Musta na sila Mum dun sa America?"
"Yun, okay lang" Sagot niya saakin na may bahid ng kalungkutan. Tumingin ako sa kanya sandali para ngitian siya pero di niya yun napansin dahil ang lalim ng iniisip niya.
"Are yoy hiding something from me?" Tinaasan ko siya ng kilay. Basta alam kong may something na mali kila Mum.
"Hindi ah, ano namang itatago ko mula sayo?" Nginitian niya ako, yeah... Fake smile. Nagaalala lang naman ako na baka may nangyari kay Mum and dad dun sa America na ayaw sabihin saakin ni kuya.
Tumango nalang ako and acted as if I believed in the lie that he told me. Nag-sigh ako at sumandal sa kinauupuan ko. Nalulungkot ako, baka kasi may nangyari sa parents ko at galit na rin dahil I know that my brother is hiding something from me. Tumingin nalang ako sa bintana at pinagmasdan yung mga nadadaanan namin. Di ko namalayan na nasa school na pala kami kaya nagulat ako nung tinapik ako ni kuya
"Bye kuya" Bumaba ako ng sasakyan at kumaway kay kuya. Tumayo muna ako dun at pinagmasdan ang kotse na umalis.
"Daniella!!!" Lumingon ako at nakita ko si Shaina na tumatakbo papalapit saakin. Niyakap niya ako ng mahigpit kaya di ko maiwasang hampasin siya.
"Huy! 3 months lang tayo hindi nagkita nuh, wag kang OA" Nginitian ko siya at mas hinigpitan niya pa ang yakap niya saakin.
"Masama ba na mamiss ka?" Binitawan niya na ako. Hinawakan ko ang kamay niya at hihilahin ko na sana siya papasok ng gate nung may biglang bumunggo saakin. Humarap ako para makita kung sinong hambog ang bumunggo saakin.
"S-sorry" pabulong na apologize ng lalaking naka-glasses at may makapal na kilay. Tinaasan ko siya ng kilay at tiningnan mula ulo hanggang paa, saang lupalok ba ng mundo nang-galing yung fashion niya?
"Bes ayos ka lang?" Naga-alalang tanong ni Shaina, tumango nalang ako at hinarap niya yung lalaking nakabunggo saakin "Di ka lang nerd lampa ka pa!" Inis na pagkakasabi ni Shaina na naka-agaw ng atensyon ng mga taong nasa paligid kaya madami ang tumawa at tinukso yung lalaki na nerd.
"Tama na yan Shaina, ayos lang talaga ako" Ngumiti ako bago ko siya tuluyang hilahin palayo dun sa nerd na yun. Baka kasi kung ano pa ang magawa ni Shaina dun.
Nash's POV
Inayos ko muna yung mga gamit ko na nahulog nung nabunggo ko yung babae, pagkatapos ay tumayo ako at pinagpag ang sarili ko. Tsk, sayang ang ganda pa naman nung babae kaso ang pangit ng ugali. Madami pa din ang nangaasar saakin pero okay lang, sanay naman na ako. Tumungo nalang ako sa library para magbasa ng libro.
♪Im on my way, driving at 90 down those country lanes, singing to tin♪-
Biglang nagring ang cellphone ko kaya sinagot ko iyon.
"Hello?"
"Oh Nash, musta first day of school mo?" Boses ni ate yung sumagot.
"Umm.. Okay lang naman"
"Sure ka?"
"Opo, sure ako Ate"
"Sige, susunduin na lang kita"
"Okay, cya later"
"Bye" Inend niya na yung tawag. Nag-sigh nalang ako, nawalan na ako ng gana na magbasa kaya yumuko na lang ako sa lamesa.
YOU ARE READING
He Will Be Loved
RomanceNote: Pansamantalang cover lang po yun Anyways, Tamad po akong magsummary kaya basahin niyo nlang po. :)
