Prologue

53 36 14
                                        


This is a work of fiction. All names, characters, locations and incidents are products of the author's imagination or used im fictitious manner. Any resemblance to actual person , living or dead or actual events is purely conincedental.











"Not everything you see on the outside, is the same in the inside"

"Papaaaaaa!"








Sa hindi ko mabilang na pagkakataon. Nagising nanaman akong may luha sa aking mga mata. Halos araw araw nalang akong nagkakaganito. Ilang taon na ang lumipas ngunit napakahirap kalimutan ang isa sa  taong mismong dahilan kung bakit ako narito.





Naalala ko nanaman si Papa.








Miss na miss ko na siya.




Hindi ko mapigilang maiyak sa tuwing maaalala ko yung huling araw na nakita ko si papa.




15 years old si mama nung mabuntis siya kay papa, si papa naman ay 16. Hindi ito agad natanggap ng pamilya ni mama, pero hindi nagtagal ay tinanggap na din ang nangyari.





Mahirap lang ang pamilya nila mama samantalang sikat at mayaman ang pamilya ni papa, ayaw nilang makasira ang pangyayaring ito sa kompanya nila kaya tinakwil nila si papa. Hindi nila tanggap dahil mahirap lang si mama.




Dahil sa murang edad, hindi pa handa sila mama at papa sa mga responsibilidad. Palagi daw akong nagkakasakit noon, palaging nahohospital dahil hindi sapat ang mga pagkain at vitamins. Baon na baon daw sa utang sila mama at papa noon. Hindi sila matulungan ng mga magulang ni mama dahil mahirap din ang mga ito, at may mga kapatid pa si mama na nag aaral. Hindi naman makahingi ng tulong si papa sa magulang niya dahil nga tinakwil siya nito.




Isang gabi non, sobrang lakas ng ulan at sobrang taas din ng lagnat ko. Natataranta na silang lahat. Hirap na hirap daw akong huminga non, namumutla at nanlalamig. Kaya dali dali nila akong sinugod sa hospital.






Hindi na daw alam nila mama ang gagawin. Napakamahal ng mga gamot. Nagdesisyon daw si papa na magpunta sa mga magulang niya at humingi ng tulong. Pinigilan siya ni mama dahil sobrang lakas ng ulan, delikado sa labas at baka daw mapunta lang sa wala ang pagpunta niya don. Pero wala ng maisip na paraan si papa kaya dali dali siyang tumakbo palabas.





Magbabayad daw si mama non sa hospital kahit 100 pesos muna dahil yun lang ang meron siya, pero pag punta niya sa counter, sinabi ng nurse na fully paid na daw ito. Nagulat si mama at nagtaka dahil kahit piso wala pa silang naibabayad dito.




Ngunit ang mas ikinagulat niya ay ang biglaang pag tawag sa kanya ng kapitbahay namin at sinabing "patay na daw si papa" Nabunggo daw ito ng truck habang papunta sa bahay ng magulang niya.






Hindi ko na alam ang mga sumunod na pangyayari, ang alam ko nalang ay nagising ako na nasa bahay na ko at tinanong ko si mama kung bakit siya umiiyak at kung nasaan si papa.






Nagulat nalang ako ng biglaan siyang sumigaw at sinabi niya sa akin na "simula nung dumating ka sa buhay ko puro kamalasan na lang ang napala ko! Wala na ang papa mo! Wala na siya dahil sayo!"




Sa murang edad, hindi ko maintindihan ang mga pangyayari. Hindi ko maintindihan kung bakit ako sinisi ni mama at hindi ko alam kung ano ang ibig niyang "wala na si papa"




Ang alam ko lang ay nasasaktan ako at naiiyak ako na makita si papa na nasa kabaong. Hindi ko man lang siya nayakap kahit sa huling sandali. Ang sakit, iniwan na ko ng papa ko at may galit pa sakin ang mama ko.


Kahit ilang years na ang nakalipas, nandito padin yung sakit sakin.





🔱🔱🔱
Meet Felicity Faith, when she was 12yrs of old.

🔱🔱🔱Meet Felicity Faith, when she was 12yrs of old

Ups! Ten obraz nie jest zgodny z naszymi wytycznymi. Aby kontynuować, spróbuj go usunąć lub użyć innego.
Felicity Faith (#Wattys2017)Opowiadania do pokochania. Odkryj je teraz