Tuwing ika'y lalapit, ko'y iyong napapasigaw... siguro sa tuwa?, sa gulat?, o sa kilig?? ewan! ano sa tingin nyo? kahit ika'y malayo sa akin agad kitang napapansin, bawat kilos o galaw mo'y aking pinagmamasdan. Nakakapagtaka kung anong sunod mong gagawin. katawan mo'y matipuno, tungin mo'y nakakaakit at kapag ika'y aking nadama, aking balahibo'y napapatayo.
kahit maraming nagkakaganyan sayo, hindi ko makuhang magselos. Naiintindihan ko ang nararamdaman nila pagdating sayo. kung lalayuan mo ako para sa iba mas payag ako.duon na parang naalisan ng tinik sa aking puso. alam kong gusto ayaw mo makuha ang atensyon ng iba pero tuwing ika'y lalabas hindi iyon ang nangyayari. kung maaari lang sana huwag ka ng lumabas para buhay ko'y hindi na gugulo pa. Pero sino ba naman ako para pagsabihan ka ng ganyan. hindi mo kasi ako maiintindihan kahit ano pang gawin ko. bakit ganun? hindi kita magawang mahalin. siguro sa itsura o sa iyong kilos? hindi ko alam , huwag mo lang talaga gamitin ang iyong kapangyarihan na lumapit sa akin agad dahil diyan tayo magkakaproblema ng todo-todo at mapapakanta na lang ako ng ~"O' ipis! layuan mo akooooo!!"~
