twenty six- home
ilang oras din ang byahe namin ni rey para makauwi sa probinsya namin, bahagya na akong nakatulog marahil sa pagod ng katawan at isip, ng sumilip ako sa bintana nakita ko na ang pamilyar na mga lugar sa akin.. maraming puno,, simpleng bahay,, mga taniman ng gulay. tanda na malapit na kami sa bahay namin si rey naman ay kalapit lang na kalye, dito kami lumaki at nag aral simula elementary at highschool.
" were here..'' si rey.
napukaw ako sa pagiisip ng makita kong nasa tapat na ako ng bahay namin.. isang simpleng up and down na bahay na gawa sa semento na may malaking grocery, maayos naman kahit papano ang buhay namin dito sa tulong na rin ng perang pinapadala ko kina nanay.
'' o-okay, salamat rey.. mauna na ako saka na lang tayo mag usap ulit ''
Binaba na ni rey ang mga dalahin ko at saka umalis..
nakita ko agad ang nanay ko na nag wawalis sa tapat ng bahay..
nabitawan niya ang dalang walis ng makita ako sa labas, kita ko ang pagkagulat sa mukha niya..
" chelsea anak!! " sigaw niya patakbo sa akin.
niyakap ko agad ang aking nanay at umiyak.. para akong batang nawalay sa ina..
" nay....nay...'' sambit ko habang umiiyak..
'' anak.. anong problema ha? nandito lang kaming pamilya mo.." alalang tanong niya.
'' saka nalang ho ako magkwento nay.. gusto ko ho muna magpahinga..'' sagot ko naman.
tuwang tuwa naman ang 2 kong kapatid na lalaki ng makita ako..
'' ate!! '' patakbo silang yumakap sa akin pagka pasok ko pa lang sa pinto ng bahay.
'' naku ang popogi nyo ha! " tinago ko ang emosyon ko habang kausap ko ang mga kapatid, ayokong malaman nila anu man ang nararamdaman ko ngayon..
'' naku mamaya niyo na kulitin ang ate ninyo ha at pagod yan sa biyahe..sige na anak umakyat ka na sa kwarto mo palagi ko namang nililinis yun kahit wala ka, hala sige pahinga ka muna''
kasabay ko namang umakyat ang mga kapatid ko na buhat ang mga bagahe ko.
Pinagmasdan ko ang kwarto ko habang nakatihaya sa kama ko..walang pinagbago simple pa din..kulay pink na pintura, mga achievements ko sa school na nakasabit sa wall, sliding window na may kurtina, cabinet, lamp shade, at electricfan.
'' ate... ate..." mahinang yugyug sa akin ni jakson ang 20 year old ko kapatid, di ko namalayang nakatulog pala ako..
'' oh jackson.. ano oras na ba? nakatulog pala ako.."
" alas 7 na ng gabi ate,, hinayaan ka na namin matulog eh, mag hahapunan na tayo, saka si kuya rey nasa baba din.."
'' ha? oh bakit daw? '' ayoko pa makipagusap kay rey sa totoo lang.
" ha? eh ganun naman tlaga yun diba ate palagi dito nakatambay''
oo nga pala nakagawian na palang gawin ni rey yun...
'' oh sige bababa na ako''
Nang makalabas ng pinto si jackson ay agad akong nagpalit ng pang bahay.
Pagkababa ko pa lang ay nakita ko silang nag aayos ng mga pagkain sa lamesa pati na si rey, lumapit agad ako kay tatay para magmano, marahil kararating lang din mula sa pamamasada ng trycycle.
" anak ayos ka lang ba? masama ba ang pakiramdam mo? mabuti na lang pala at sabay kayo umuwi ni rey ano " usisa ni tatay,
nahagip naman ng tingin ko si rey na nakatingin sa akin na tila inaabangan anu man ang isagot ko.
'' ayos lang ako tay, gusto ko lang talaga magpahinga muna ''
sagot ko habang naka upo na at naka tuon na sa pagkain.
Matapos ang pagkain ay sinimulan ko namang ligpitin ang mga kinain si rey naman ay agad na tinulangan ako..
" ah... chels..- "
'' i dont want to talk about it best.. i want to move on.. alam ko naman na pareho nating hindi ginusto yun '' putol ko sa sasabihin niya..buti na lang at nasa labas sila nanay .
" sorry ulit chels '' pagkasabi nun ay hinawakan niya ang mga kamay ko.
'' it's okay.. i trust you, youre my bestfriend alam kong di mo sinasadya yun ''
parang bigla siyang nailang at nag iwas ng tingin.
'' kuya rey! sabi mo magpapainom ka ha! halika na umpisahan na naten!''
sigaw ng kapatid kong si jackson mula sa labas ng bahay.
'' si-sige! susunod na ako ! '' sigaw naman ni rey.
Ilang oras ang lumipas at napansin kong medyo lasing na sila tatay at rey, tinulungan ko ding magsara ng tindahan si nanay.
" tama na yan best... lasing na si tatay oh'' sabay turo ko naman kay tatay na inaalalayan ni nanay papasok ng bahay.
'' hehe ang dali talaga malasing niyang tatay mo, '' sagot naman niya sabay ngisi.
'' oh ikaw hindi ka pa ba uuwi? '' tanong ko habang nakatalikod ako sa kanya at ni lolock ang pinto ng tindahan.
Nagulat naman ako ng pag harap ko ay nasa harap ko na siya..
sobrang lapit..
as in malapit na amoy na amoy ko ang alak sa bibig niya..
" chels.. forget evo...'' sabay hawak niya sa kamay ko..
kita ko naman ang sensiridad sa mga mata niya..
'' im here for you.. and i can give all that you need..''
pagpapatuloy niya.
bahagya akong natulala sa mga sinasabi niya sa akin, hindi ko namalayan na nakalapat na ang mga labi niya sa akin..
napapikit ako saglit pero agad pumasok sa isip ko si evo dahilan para ma i tulak ko siya.
'' stop rey...alam mo kung ano lang ang kaya kong ibigay sayo, sana respetuhin mo yun'' akma na akong papasok sa bahay namin ng may pahabol pa siyang sinabi.
'' kaya kong maghintay sa pagmamahal mo ''
at doon isinara ko ang pinto at saka huminga ng malalim.
YOU ARE READING
Maling Akala (completed)
RomanceChelsea Perez a 25 yr old simple girl, looking for a dream guy who deserve her love but a disappointment came to find out that she's falling to the opposite one..
