SPOKEN POETRY

36 0 0
                                        

Pwede bang itigil mo na?
Yung mga ngiti mong nakakaloko na
Yung mga tawa mong nakakabaliw na
Yung mga yakap mong gusto kong makamit
Sa mga motibo mong gusto kong kumapit

Palibhasa para lang akong tubig sayo
Di mo makita ang halaga ko
Porke may makita kang papatok sa panlasa mo
Di mo ba makita na ako yung makakabuti sayo
Ako yung kailangan mo

Oo
Hindi nga yata ako yung kaligayahan mo
Ayaw kitang pilitin na gustuhin mo ako
Pero sana nakikita mo na ako, ako
Ako yung nandito para sayo
Ako yung nasasandalan mo kapag ika'y kanyang niloloko
Ako yung nagpapatawa sayo
Ako yung nagpapahimbing ng mga tulog mo
Ako yung kinakantahan ka gabi gabi
Ako, ako yon. Ako ang iyong katabi
Sa mga sandaling wala sya
Ako yon wala ng iba

Oo
Masyado yata akong nagpapakatanga
Di mo nakikita ang aking halaga
Pero bakit sayo pa?
Ewan ko rin kung bakit ba
Sana nga sa iba
Sa taong kakailangan rin ako
Sa taong magsasabi ng "wag kang mag-alala andito ako"
Sa taong papatawanin rin ako
Sa taong sasamahan ako
Sa taong makikita yung halaga ko
Sa taong MAMAHALIN RIN AKO

Oo
Alam ko!
Talo ako!
May bisyo ako!
Sya yung mas gwapo!
Sya yung mas kilala ng mga tao!
Sya yung "ideal boyfriend" mo!
Sakanya yung kaligayahan mo
Na back up plan mo lang ako
Na sasandalan mo ko pag wala sya sayo
Na iiwan mo rin ako pag nakabalik na sya sayo

At Oo
Lumuluha parin ako
Umiiyak parin ako
Humahapdi parin yung puso ko
Pero gagaling rin to
Aayos rin ako
Ngingiti na rin ako
Malilimutan ko rin ang pangbabaliwala mo

Sa wakas OO
TAPOS NA AKO SAYO.

OOWhere stories live. Discover now