**
"Itay naman! Diba sinabe ko na sainyo na wag na wag na kayong magpagod? Ang tigas naman ng helmet mo tay eh!" Sermon ko sa damuho kong ama.
Maysakit na nga lahat lahat dumudugo na nga yung ilong sige parin sa pagtatrabaho?
Tapos sa huli ako naman ang nagsa suffer?
Hayst.putapeteng buhay to oh? Walang katapusang problema sige lang sa pag sugod Argggh!
"Ynella anak hindi ko naman ikamamatay ang pagsisibak ng kahoy!" Paliwanag pa ni thunderz sa akin.
"Kahit na tay andyan naman si junjun eh! Diba sabe ni doc sa center dapat muna kayong magpahinga!?" Paalala ko pa dito. Mukhang nakakalimot nanaman ata si thunderz na kelan lang nasa ospital kami tssk.
"OA kanaman kase anak. Kaya ko pa naman kase tsaka si junjun pinaglako ni aling marta ng paninda nyang bananaque eh yung bakla naman sumige agad." Paliwanag uli nito .
Hayst kaya naman pala si baklitang junior naglako ng paninda buti naman nang may maipandagdag ako sa mga gastusin dito sa bahay.
"Tsk.okay enaffff?" English ko sa tatay kong matigas ang helmet na nagpatawa naman dito.
"Kuh keh galing ng panganay ko ah ume ingles na! Sana naman anak ipagpatuloy mo ang pagaaral mo dahil sayang naman kung hindi mo ipagpapatuloy." Si tatay naman ngayon ang tila nanenermon sa akin.
Kung alam nyo lang itay kung gaano na ko nahihirapan ngunit para sa inyo ng pamilya ko titiisin ko lalo na kung para sayo..
Madugtungan ko lamang ang buhay ng unang lalakeng minahal ko.
Kahit pa yata magtrabaho ako gabi't araw kahit pa mangalumbaba ako sa pagtatrabaho basta para sa pamilyang pinakamamahal ko,
Magtitiis ako .. Magtitiis ako..
YOU ARE READING
Ang Kontrata
RomanceDahil mahirap mabuhay sa mundong ibabaw lahat na yata ng pwedeng gawin at trabahuin ay aking gagawin para lang magsurvive sa buhay nato. Magbenta ng sampaguita, maglako ng tinapay, magdeliver ng mga dyaryo, at kahit ano pang matitinong trabaho na pw...
