ICL - Chapter 1

4 0 0
                                        

" Ganyan ka nalang ba palagi Vince ! Tanghali ka nalang palagi nagigising, pag ako nainis ibibili kita ng isang dosenang Alarm Clock " gising sakin ni mama.

" ito na babangon na, Tssss " sabi ko habang unti unting bumabangon at naguunat ng kamay,

" Anong oras ka nanaman ba natulog kagabi ah? Hindi na maganda yan ah, kaya ayaw kitang ibili ng computer eh, naaadik kana " tanong ni Mama

" Alas Dose, ang OA mo ma talaga kahit kailan, Hahaha " sagot ko dito

" Nakuha mo pang tumawa , Tumayo kana dyan at Maligo baka mahuli ka nanaman sa klase mo, at hahanda ko na agahan mo, Sabi ni mama habang Palabas ng pintuan ng kwarto ko

" Opo " sagot ko.

Ako si Vince, 20 y/o isang Mabuting Studyante ( Minsan ) 4th year College na sa isang University dito sa Bulacan, Educ. Major in Filipino ang kinuha kong Kurso, diko alam kung bakit yan kinuha kong kurso haha. Simple lang kami, may kaya kumabaga sa buhay, hindi mahirap at hindi mayaman, basta nakakakain kami tatlong beses sa isang araw, nagiisa akong anak nila Mama at Papa, Si Papa siya nagpapatakbo ng nagiisa naming Kompanya sa Manila ( Hindi daw mayaman no Hahaha ) Uwian siya kaya Maaga siyang Umaalis dito sa bahay, tuwing gabi nalang kami nagkikita, Si mama naman nandito lang sa bahay Hayahay ang buhay hindi Joke lang, Nag Oonline Bussiness siya, Kung ano ano tinitinda niya,

Pagkatapos ko mag ayus ng sarili ay agad akong bumaba ng para kumain ng agahan,

" Ma ! anong oras umalis si Papa " tanong ko kay mama

" Hay nako anak, madilim palang umalis na ang Papa mo, ayaw daw niyang ma stock sa Edsa pag umaga na siya Umalis " sagot nito

" Aaahh " maikli kong tugon

Pagkakain ko agad agad kong kinuha ang aking gamit para pumasok,

" Ma ! Alis na po ako , ingat po kayo dito. " sigaw ko dahil nasa harapan na ko ng pintuan

" Sige Anak, ingat ka din sa Daan " Tugon nito.

Habang naglalakad papunta sa Sakayan, may nadaanan akong isang Abandunadong bahay, habang tinitingnan ko ito Unti unti Bumalik ang Alaala ng aking Kabataan.

**** FLASHBACK ***

" Uy Vince nandyan kana pala " Salita ng isang lalaking bata na nasa harapan ko na pala,

" Hindi wala pako , hindi ako to " pabiro kong sagot

" Hahaha kahit kailan ka talaga , Tara na nandyan na yung mga laruan na pinadala sakin ni mama galing America, tara buksan na natin " Sabi nito sabay akbay sakin.

" Sige " maikli kong tugon.

Habang naglalakad kami papunta sa may pintuan, sa labas palang hanganh hanga nako dahil sa sobrang laki ng Garden nila. Punong puno ng ibat ibang uri ng Bulaklak pano pa kaya pag nasa Loob na kami,

Siya nga pala si James, medyo matagal na kaming magkakilala dahil halos ilang hakbang lang ng Bahay namin sa bahay nila, Tanging siya lang at Papa niya ang nasa bahay kasama ang ibang katulong, ang mama naman niya nasa America, may iba na daw pamilya, tanggap na naman ni James ang Hiwalayan ng kanyang mga magulang kahit bata pa ay Inintindi nalang niya ( Kung ako to Magrerebelde ako Haha Joke lang )

" Grabe, nagkikita pa ba kayo ng papa mo dito sa bahay niyo? " Tanong ko dahil sobrang laki talaga ng bahay. Malaki din naman bahay namin kaso Doble siguro yung sa kanila

" Oo naman ano kaba Hahaha "  Sagot nito.

Nang nasa kwarto na kami ni James Agad agad naming Binuksan yung mga Pinadala ng mama niya para sa kanya.

Has llegado al final de las partes publicadas.

⏰ Última actualización: Feb 04, 2017 ⏰

¡Añade esta historia a tu biblioteca para recibir notificaciones sobre nuevas partes!

It's Called LoveHistorias para obsesionarse. Descúbrelo ahora