The Voice of My Heart

307 14 25
                                        

Note: This is only a one shot story that I wrote for I think 3 hours out of boredom.hahaha.. So don't expect much from this. Namiss ko lang bigla magsulat.Yun langs!! :)

*************

Love enables our hearts to speak.
You'll hear the voice  of your heart saying only one name: the name of the person you love.
Yes,we hear the voice of our heart,but, does the person we love hears it?

Naririnig nya kaya ang boses ng aking puso?

**********

"Hi devs! Tara sama ka samin", aya sakin ng kaibigan kong si Krissha. Inaaya nya ako na magpunta sa mall kasama sina Kyra at Jane, mga bffs ko.

"Pass muna ako bes, may pupuntahan pa ako."

"Sus,pupunta ka na naman dun noh? Para ano?makita sya?Naku!naku! wala kang mapapala dun. Ni hindi mo nga alam kung nag eexist ka sa mundo nya eh."

"Aray bes ha!Ang supportive mong kaibigan. Kahit hindi man ako nageexist sa mundo nya ayos lang,masaya na akong nakikita sya."

"Haruu..jusko!!Iba na talaga tama mo. Hindi na talaga namin alam gagawin sayo." sabi nya na napailing nalang. "oh sya,basta tawagan mo nalang kami if EVER gusto mo humabol pa samin dun."

"Sige,bye bessy!" sabay nagbeso na ako sa kanya saka umalis.

Ako naman ay nagsimula ng mag ayos. I'm wearing a simple shirt and jeans, linugay ko lang yung buhok ko. Pagkatapos kong mag ayos ay nagsimula na akong maglakad papunta sa isang lugar kung saan kapag andoon ako at andun sya,rinig na rinig ko ang boses ng aking puso. Sumisigaw,nagwawala!

Alam ko na andun sya sa mga oras na ito.Kabisado ko na ang oras at araw kung kailan sya andun. Marahil hindi nga ako nag eexist sa mundo nya pero okay lang.Makita lang sya masaya na ako. Alam ko nagmumukha akong tanga neto pero what can I do? My heart keeps on calling his name.

Lubdob~lubdob~
Habang palapit ng palapit ako palakas din ng palakas ang tibok ng aking puso. Ganito parati ang nararamdaman ko kapag andito ako.

Huminto ako sa madalas kong pwesto tuwing andito ako. Umupo ako sa isa sa mga benches dito. Nasa ilalim ito ng isang malaking punong kahoy. Malapit dito sa pwesto ko ay mga palaruan ng mga bata,may swing,slides,etc. at sa kabilang banda naman eh isang mini stage at doon tanaw na tanaw ko sya. Kasama ng kanyang mga kaibigan,nagpapraktis. May hawak siyang gitara at kitang kita ko kung gaano sya kapassionate sa pagkanta. Isa sa mga bagay kung bakit hinangaan ko sya.

Madalas akong tinatanong ng mga kaibigan ko, paano ako nagkagusto sa kanya gayong hindi ko naman sya kilala? Actually,napapaisip din ako eh. Kaso ewan dito sa puso ko. Siguro nagsimula eto noong.....

(FLASHBACK)

Madalas akong tumambay sa lugar na to.Nakakatuwa kasing makita yung mga batang masayang naglalaro. Isang araw, may napansin akong grupo ng apat na lalaki na tumambay dun sa mini stage. May dala silang mga instrumento kaya naisip ko na banda sila. Masaya silang nag uusap kaso parang mahangin ang tingin ko sa kanila.Kapag kasi may dumadaan na babae dun sa pwesto nila sumisipol sila maliban dun sa isa na seryoso sa paggigitara nya. Yung mga babae naman kilig na kilig.Naku!Porket mga gwapo sila.Oo,inaamin ko,mga gwapo yung apat na lalaki. Though hindi sumasali yung isa sa trip nung tatlo alam ko pareho lang sya sa kanila kasi nga diba "birds of the same feathers flock together". So yun nga dineadma ko lang sila. Makalipas ang ilang mga araw,linggo at buwan, madalas pa din sila pumunta sa lugar na ito. Nasanay na rin akong makita sila.Namumukhaan ko na sila though i don't know if napapansin nila ako dito kasi madalas din ako dito. Siguro hindi.Wala naman ata silang pake sa plain girl na katulad ko. Pero who cares if di nila napapansin yung presence ko hindi rin naman sila yung pinunta ko dito.Hanggang sa isang araw,dahil dun sa nakita ko, hindi ko namalayan na unti-unting isa sa kanila ang naging reason ng pagpunta ko dito.

Voice of My HeartStories to obsess over. Discover now