HDN

1 0 0
                                    



Akala ko'y habang buhay tayo

Akala ko'y hanggang dulo

Ilan sa mga kataga sa isang awit

Mga katagang napakasakit..

Noong sinabi mo ang mga katagang 'Mahal Kita'

Hindi na ako nagulat pa.

Hindi ko na kinailangang magtanong pa.

Pagkat maliwanag pa sa paningin ng aking mga mata

Ang iyong mga kataga na matagal mo nang ipinakita.

Noong panahong iyon, alam kong hindi pa ako handa.

Alam ko naman na mahal din kita

Ngunit ewan ko ba, hindi ko kayang sabihin nang diretsa.

Kaya sa halip na sagutin ang iyong mga nawika..

Ako'y naunahan nang takot at kaba.

Naglakad palayo, iniwan ka.

At noong iniwan kita, hindi na ako lumingon pa.

Hindi ko kayang tingnan ang iyong mukhang nasaktan bigla.

Baka tumakbo ako pabalik at niyakap pa kita.

Kaya noong naglakad ako, kinalimutan muna kita.

Kinalimutan kita at sinubukan kong kumawala.

Kumawala sa pagkakulong sa iyong mga ala-ala.

Pagkat bawak hakbang, bawat hakbang, mahal, naaalala kita.

At habang ako'y naglalakad palayo, Sumisikip din ang dibdib ko.

Parang bang hirap na hirap ako. At mas lalong nahihirapan habang ako ay papalayo.

Ako ay nalilito.

Tatakbo ba pabalik sa iyo o di kaya ay ituloy ang paglisan ko?

Dalawa lang naman ang mapupuntahan nito.

Ang ikaw ay makahanap ng bago o kaya ay ako.

Pero habang iniisip ko na ika'y makakahanap ng aking kapalit.

Tila ba isa akong papel na unti-unting napupunit.

Hindi ko kayang ako ay ipagpalit.

Ngunit hindi pa rin ako handa sayo na kumapit.

Kaya itutuloy ko na lamang ang aking pa-alis,kahit masakit.

Pagkat kung tayo ay talagang nakatadhana, sa aking pagbabalik, tayo'y magkikita ulit.

At sa panahong iyon mahal, pangako, hindi na ako aalis ulit.

Hahayaan muna kitang makinig sa malulungkot na kanta.

Hahayaan muna kitang lumuha sa saliw ng mga musika.

Dahil kung ako ay handa na, hindi na tayo maghihiwalay pa.

Hindi ko na hahayaang paghihiwalayin tayo uli ng tadhana.

Ngunit ako ay biglang nabahala.

Paano kaya kung sa aking pagbalik, ikaw'y may iba na?

Paano kung sa aking pagbabalik, ikaw naman ang hindi handa?

Paano kung sa aking pagbabalik, ikaw pala ay lumisan na?

Maraming katanungan. Sa dami, ako'y nalilito na.

Itutuloy ko pa ba o hanggang dito nalang muna?

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jan 29, 2017 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

HDNWhere stories live. Discover now