Uno

1.1K 21 2
                                    

Are you willing to watch your love fall for someone else? Or would turn your back and move on.

.............................................................

Alyssa POV

"Naku namn Ly oh! 'Wag namang tanga!. Oo kaibigan mo siya at tama 'yung ginagawa mo na nandiyan ka lagi for him okay na 'yan eh. Hindi naman siguro tama na gamitin ka niya para lang makuha muli 'yung ex niya!"
Galit na pangangaral sa akin ni Denden.

" Yah! Tama si Den, Ly. He's taking advantage on your friendship kasi alam niya na hindi mo siya matatanggihan"
pag sang ayon naman ni Amy sa kanya.

"Sakin naman bes, matanong nga kita. Mahal mo ba 'yang bestfriend mo?"
Tanong ni Ella na ikinagulat hindi lamang ako pati narin nila Den at Amy.

Do I love him? Uhmm.. oo naman..
Syempre mahal ko siya bilang kaibigan.

"Bes naman! Anong klaseng tanong ba 'yan?..... Syempre mahal ko siya b-bilang kaibigan"

" Siguraduhin mo lang kasi kung mahal mo siya bilang KaIBIGAN eh, mahirap na masasaktan ka lang." -Ella

" awww! Thanks bes sa concern." Sabi ko at napangiti ako sa mga advice ng mga beshies ko. I know they're always here for me. 

*insert iPhone ringtone*

Kiefer calling

Napatingin ako sa mga beshies ko nang makita nila na si Kiefer ang tumatawag.

"Oh kief? Napatawag ka?"

"Nasan ka?"

"Uhm.. sa Starbucks with beshies.. bakit?"

" wala.. just checking on you.."

"Loko.. naka loudspeaker ka? Or nandiyan ba si mika?"

"Wala. Anong gagawin niya dito sa BEG?"

"Ay? Eh! 'Yung totoo bakit ka napatawag?"

"Konting favor kasi sana, eh. "

"Ano ba 'yan?"

"Mamaya kasi sila Mika ay pupunta sa BGC mag ce-celebrate 'ata. Samahan mo naman ako oh.. let's pretend that we are dating there, para mabantayan ko siya." As always ganito naman talaga ang role ko, eh. Sanay na'ko.

"Uhm... check ko lang muna kay momager kung may appointment ako later ha.. except kasi sa training, eh, wala naman akong ibang gagawin."

"Natanong ko na si Vania, sabi niya wala naman daw."

" oh.. okay.. what time ba?"

" 7pm. Susunduin nalang kita sa pad niyo."

"Okay... sige na... babye na po."

"Thank you sige.... saan punta mo ngayon?"

"Bukod dito sa starbucks, baka sa pad na. Mga 2pm pa class ko, eh."

"Okay. Bye.. ingat." And I ended the call. Napabuntong hininga naman ako. At sinulyapan ko ang mga beshies ko na natahimik nang biglang tumawag si Kiefer.

" Alam niyo naiinis akong marinig na nag uusap si Kief at Ly kahit sa phone pa 'yan" Sabi ni Den sabay sipsip sa kaniyang Green tea Latte.

"Bakit naman?" Sagot ko sa kumento niya.

"Kasi shipper ako ng Kiefly, eh tapos ganito lang pala sila? Gets niyo?" -Den

"Bes. Matagal ko nang sinabi sa'yo na, 'there will never be an Us'" napairap na lamang ako.

" 'wag na nga ang kalokohan ni Ly ang ating pag usapan. Sasakit lang ulo natin, eh" -Ella

Inaamin ko na kalokohan nga 'eto yung ginagawa ko pero, diba, I was just being a good friend here. Masama ba yun?

"Bes? Bes!" napa balik nalang ako sa huwisyo ko ng iwinagayway ni Ella ang kamay niya sa mukha ko.

" uhmm... ano Ells?"

" I said, may masakit ba sa sinabi ko? Alam mo namang ganiyan lang talaga ako magsalita diba? Pero okay.. sorry kung 'yun ang nasabi ko." Sinserong sabi ni Ella.

"Look Ells. Walang kang ginawa, napaisip lang talaga ako sa sinabi mo and I just realize na ang tanga ko lng pala talaga."

Bakit hindi ko 'yun naisip, in the first place. Masakit din pala ang magpagamit.


A/N
Hi guys! I hope you'll like my story. DON'T FORGET TO VOTE OR LEAVE A COMMENT BELOW. Tangkilin natin ang kwentong KIEFLY. Love u guys xx

Something Just Like This (kiefly)Where stories live. Discover now