EXTRA: Renewed

Magsimula sa umpisa
                                    

~

“Ilang araw na kong hindi natutulog sa unit ko. Namimiss na talaga ako ng higaan ko.” said Karylle while stroking his hair. Nakahiga si Vice sa lap ni K ngayon, kakatapos lang nilang maglaro ng NBA sa playstation. Kanina pa nagyayabang si Karylle dahil nanalo siya sa last game nila, na paulit-ulit namang dinedeny ni Vice at sinasabi niyang sinadya lang daw niyang magpatalo para naman matuwa si K, kahit hindi naman talaga.

“O edi dun tayo matulog ngayon.”

“Clingy moooooo. Ano ba ‘to, live in?”

Natawa naman si Vice. “Gusto mo naman eh. Sus. Hindi ‘to live in, gabi-gabing overnight lang. Nandun parin naman yung mga gamit mo eh, so technically you haven’t moved in with me yet.”

“You using semantics on me again?”

“I know you love it when I do nerdy talks. Eto, substrate ka ba?”

Napangiti si Karylle. Oo nga. “Ano nanamang ka-cornyhan ‘to, Vice?”

“Kasi enzyme ako. At specific ang enzymes, iisang substrate lang ang pwedeng mag-fit sakanila and they won’t function unless they find their match. We complement, making us fit perfectly into each other, like a lock and a key.  The enzyme and the substrate do not influence each other because they are already in a predetermined perfectly complementary shape even before they bind. Destined, kumbaga.”

Pinisil ni K ang ilong ni Vice. “Ang arte.”

Natahimik silang dalawa. Nag-hum si K ng I Could Not Ask For More ni Edwin McCain. Napangiti naman si Vice dito. “Magpakasal na tayo.” he said after a while.

Natigilan naman si K sa pag-hum at sa paglalaro sa buhok ni Vice. “Ano?”

“Pakasalan mo na ko.” ulit niya.

She chuckled nervously. “Wala ka pa ngang singsing eh.”

Kinapa niya ang pocket ng jeans niya at nilabas ang isang white gold ring at inilapit ito sa mukha ni K. “Matagal ko nang nabili ‘to pero ewan ko, I was waiting for the right time na pareho na tayong ready bago kita tanungin and I think eto na yon. Marunong na akong magluto, kaya mo nang pumatay ng ipis mag-isa, napanood na natin yung Before trilogy nang magkasama, regular naman ang oogenesis mo pati ang spermatogenesis ko—”

“Baliw!” sabi ni Karylle at tinulak ang mukha ni Vice.

“O bakit? Kagabi lang witne—”

Tinakpan ni K ang bibig ni Vice to shut him up at nag-blush nang maalala niya ang nangyari kagabi. Kinagat naman ni Vice ang kamay niya at nagpatuloy sa pagsasalita. “Karylle, will you marry me?”

Hindi naman siya umimik agad. Nakangiti lang siya the whole time kay Vice pero naluluha narin siya sa tuwa. “Lumuhod ka muna.” biro niya.

“Wag na, masyado nang conventional yon. Dapat ikaw ang lumuhod. Joke ang pangit pala, mali, mali.” sabi ni Vice at nag-chuckle. Tinulak na naman ni K ang mukha niya at natawa rin.

Umusog ng konti si Vice at sinandal ang ulo niya sa armrest ng sofa para mas maayos na makausap si Karylle. “Tapos na tayo sa law of conservation of energy, entropy, and now we’re down to the third and last law of thermodynamics. It is impossible for any process, no matter how idealized, to reduce the entropy of a system to its zero point value in a finite number of operations. Simply put, I can never unlove you. Kahit gaano pa kadaming bagay ang mapagdaanan natin, walang makakapagpabago ng nararamdaman kong ‘to para sayo. I love you. I will always be in love with you.”

“Marry me. Pero kung hindi ka pa talaga handa ngayon, hindi naman kita pipilitin. Kung nakapaghintay nga ako ng dalawang taon na walang certainty man lang diba, magagawa ko parin naman yun ngayon. Two years ba ulit? Okay lang—”

Natatawa naman si Karylle sakanya. Aba kinokonsensya pa yata ako nito ah. “Yes.”

“—wala namang kaso sakin.. Ha?”

“Oo pakakasalan kita Jose Marie Borja Viceral.” she answered then smiled sweetly.

“Totoo na ‘to? Wala nang bawian? Akin na kamay mo para sealed na.” he took her hand and slowly slipped the ring on her finger. Natawa naman si K dahil nanginginig pa ang kamay ni Vice.

Nag-lean in naman si Vice to kiss her pero pinigilan ni K ang mukha niya. “Basta gusto ko yung wedding vows mo full of scientific terms.”

“You got it.”

“Tapos sa motorcycle tayo sasakay paalis ng simbahan, hindi sa kotse.”

“Don’t demand! Joke. Oo naman, kahit anong gusto mo. O pakiss na. Pakiss.” sabi niya at nag-pout at saka pumikit.

Naalala naman niya yung sinabi ni Vice dati. Na kaya pala ‘to nangyari dati, to give way for this thing to happen today. Everything will fall into their rightful places someday. Kahit gaano pa yun katagal, one thing’s for sure, it will happen.

Hinalikan niya si Vice. “And it’s happening now.” she whispered.

Tapos na tapos na talaga 'to. Thank you ulit for reading Fix You! Ang awesome niyong lahat ;)

And let's keep praying for Vhongskie, guys. Everything will be fine.

FIN. :)

Fix You | ViceRylleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon