Yung feeling na ginagawa mo na ang lahat para sakanya.Kung tutuusin napaka-laking tanga na ang maitatawag sakanya dahil kahit nasasaktan na siya patuloy parin siyang umaasa at nagbabaka-sakali na mahalin rin siya nito pabalik ng higit pa sa kaibigan.
SHE let herself drunk that night when she knew---about her boy best friend and his present girlfriend now.Sinabi nito sakanya na magbabago na ito para sa girlfriend niya kaya siya ngayon nasasaktan.Or must say---mas lalong nasasaktan.Bukod sa nasasaktan na siya dahil sa patuloy siyang umaasa at nagbabaka-sakali rito na mahalin rin siya nito pabalik ng hindi bilang kaibigan lang.Mas lalong dumoble yung sakit dahil alam niyang wala ng pag-asa.
Pero ng tawagan niya ito sa telepono at sinabing puntahan siya sa bar kung saan siya naroon.Hindi niya ine-expect ang naging pagdating nito at ang ikinikilos nito sakanya.
Then he said,he loves her.That was made her cry in pain.Oo at bilang kaibigan lamang?
Naiiling siyang bumitaw sa pagkakapulupot ng kanyang braso sa batok nito at pilit binabaklas ang pagkakayakap nito sakanyang bewang.
Dumistansya ng kaunti rito at muling tumingin sa mata nito.
"Mahal mo'ko? Bilang ano Ash? Bilang kaibigan? Ha?! Ako naman laging nariyan para sayo ha?! Ako yung laging nasa tabi mo.Ako lagi yung nakakaintindi at umiintindi sayo! Hindi ba pwedeng ako? Hindi ba pwedeng ako nalang?"hindi na niya muli hinintay ang isasagot nito pagkatapos ay umalis na siya agad.
May isang butil na luha ang bumagsak sa pisngi ni Ash.Naiiling siya habang nangingiti na ewan.Confirmed! Hindi lang rin bilang isang kaibigan ang turing sakanya ni Clariette.Mahal rin siya nito!
Tumakbo siya upang sundan ito.
Nahagip agad ng kaniyang mga mata si Clariette na tumatakbo at papatawid na ito sa kabilang kalye kung saan banda ang parking lot ng mga sasakyan malapit sa bar.
Pero hindi inaasahan ang sumunod na pangyayari.Mapaglaro talaga ang tadhana...
Nang muli siyang humakbang para habulin ito kasabay nun ang pagsulpot ng isang kotseng nagpakawalang napaka-lakas na busina at si Clariette na parang wala sa sarili at nahagip nun si Clariette.
"Clariette!"
Napasinghap ang mga ibang taong naroon.Ang mga nakasaksi rin katulad niya sa pangyayari.
Nanginginig ang tuhod niyang lumapit kung saan naroon ang pinakama-mahal niyang babae.
"No...no...it can't be...I love you My Clariette.Don't leave me,please.I'm begging."
YOU ARE READING
72 Letters
RomanceClue:14 words Want to know why this story entitled 72 letters? Read and support then,simple as that😂 PS:Hindi ako magaling sa ingles o mag-english.Paumanhin sa mga grammar diyan.Tao lang.Trying hard aff😂 PSS:Medyo totoo yung ibang pangyayari pero...
