CLOSER TO LOVE ♥ 6

Magsimula sa umpisa
                                    

* * * * * * * * * * *

Naglalakad na sila papuntang classroom ng mapansin ni Shine na pinagtitinginan sila ng mga estudyante roon. Sanay na siyang palaging tinitignan at binabati ng mga boys dahil sikat siya sa school. Pero ngayon pati female students ay nakatingin na rin, hindi sa kanya kundi sa bodyguard niya! At naiinis siya sa mga iyon dahil mga papansin.

Binilisan na niya ang paglalakad hanggang nasa tapat na siya ng classroom. Huminto siya sa tapat ng pinto.

"Uhm, Mr. Sandoval, just find a place to stay while I'm at class." aniya at pumasok na siya sa classroom.

Sinalubong siya ng mga friends niyang sina Annie, Marky at Stephie. Agad siyang hinawakan sa mga braso ni Annie.

"Gosh Shine! Who's that hunk with you?!"

"Shine he's sooooo freakin' H-O-T!!! " tili ng baklang si Marky.

" What a greek god! Kuya mo ba yon?" ani Stephie.

"You're silly Steph. You know I'm an only chlid." sagot niya rito.

"Eh Shine sino nga kasi iyong hunk na kasama mo???" kulit ni Annie sa kanya.

"Oh my god! Your boyfriend!!!" maarteng sigaw ni Marky.

"What??? Duh!!! Definitely not my boyfriend.  I'll tell you later." tinapos na niya ang pag-uusap nila.

Siya ang tumatayong leader ng grupo nila. Maraming estudyante ang gustong mapabilang sa group nila para makasama siya dahil sikat nga siya sa school dahil bukod sa ubod ng yaman ay maganda siya.

Some just wanted to use her and others hate her. Kasalanan ba niyang magustuhan siya ng halos kalahati ng male population ng school? She doesn't mind them. She doesn't have time for losers.

Marami siyang friends/ acquaintances, pero sina Annie, Stephie at Marky ang itinuturing niyang bestfriends and family.

At katulad ngayon, pag sinabi niyang later, tahimik na ang mga ito. Ayaw niya kasing kinukulit siya.

CLOSER TO LOVETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon