"Asa"

40 0 0
                                    


asa, tatlong letra, isang salita, damdamin na palaging pinakikita, Aking aaminin sa inyo, umaasa din ako, Umaasa na sana bukas makalawa maging maayos na ang lahat at ako muli ay sumaya, umaasa ako na sana isang araw mawala na lahat ng peklat sa puso ko na iniwan ng babaeng pinakamamahal ko, umaasa ako na sana maghilom na ang lahat ng sugat na nakuha ko mula sa aking pagkadapa, ako ay nadapa dahil nakalimutan ko na ang salitang lumingon iba sapagkat ang aking mga mata at ang aking puso ay ikaw lang ang nakikita, nang dahil doon hindi ko na namalayan na nakakatapak na pala ako ng iba, pasensya, pasensya kung nagpupumilit akong balikan mo ako kahit na alam kong pagod na pagod kana, pero may isang bagay lang ako na gustong sabihin sayo, Mahal kita at wala akong balak na iwan ka, at huwag kang mag alala, wala kang maririnig na paninisi sa akin dahil kasalanan ko naman kung bakit ako ngayon nasasaktan, kasalanan ko naman kung bakit ako ngayo'y nanglulumo at luhaan, napakalaki kong tanga na mahalin kapa sa kabila ng mga sakit na dinulot mo na hindi malunaslunasan ng iba, mas pipiliin kong maging tanga sayo kesa magmahal ng iba, ayoko ng makasakit pa, ayokong mag mahal ng iba kase alam kong hindi naman ako sasaya sa kanila, para lang akong uminom ng gamot sa sakit ng ipin ngunit ang aking karamdaman ay sakit ng paa, marami ngang nagkakagusto sa akin ngunit aking binabalewala, binabalewala katulad ng pagbalewala mo sa akin noong nag mamakaawa ako sayo na huwag mo akong iwan, ngunit ako'y tuluyan mong iniwanan, iniwanan sa gitna ng kawalan habang ako'y luhaan, sana, Matauhan na ako sa mga panlolokong ginawa mo sa akin, pinaniwala mo ako sa kanyang mga kwento, napaka galing mong mag imbento,hindi ka marunong makuntento, naisip kong nagpatiwakal ngunit may munting tinig na bumulong sa aking tainga at sinabing "na bubuhay tayo upang lumaban at matuto, hindi para bumigay at sumuko".

Spoken Word poetry Where stories live. Discover now