Chapter 1

129 2 0
                                    

             Meet the introvert

Zelda's Point Of View

Bangon. Gising. Kain. Aral. Repeat.

Ganiyan buhay ko ever since kaya wag ka na magtaka kung bakit wala akong babanggitin na pangalan ng kaibigan ko or whatsoever. Ako nga pala si Zelda Tatum, 18 years old, Bachelor of Business Management (BBM) ang kurso na napili sa akin para ng parents ko. Balang araw daw kasi ako na ang mamamahala lahat ng naitayo nilang business. Pero sa totoo lang gusto ko talaga maging isang sikat na Lawyer kaso ayaw ng parents ko, no choice naman ako kasi sila nagpapa-aral sa akin kaya heto ako ngayon bumagsak sa BBM.

"Manong Lucio, mga 7 pm mo na po ako sunduin. Tatapusin ko lang po sa library yung thesis ko, text mo nalang po ako."  Magalang kong sabi sakaniya. Ngumiti siya at tumango kaya naman agad na akong naglakad papasok sa University na pinaga-aralan ko.

Tiningnan ko ang relo ko at nakitang maaga ako ng 30 minutes kaya naman napagisipan kong tumambay muna sa fountain para libangin ang sarili. Habang naka-upo pinagmasdan ko ang paligid. May mga nagtatawanan sa gilid-gilid, may mg naghaharutan naman at may mga naglalampungan. Nahiya naman daw ako sa sarili kong mag-isa at nakanganga lang. Nakinig nalang ako ng music sa cellphone ko at nagbasa sa wattpad. Ngayon palang wag na kayong umasa na tagalog stories ang binabasa ko dahil puro English laman ng library ko. Pero updated pa rin naman ako sa mga new tagalog stories dahil paminsan-minsan dumadaan ako sa bookstore para tumingin ng mga pocketbook.

*KRIIIING*  *KRIIIING*

Inayos ko na ng mga gamit ko at hinanda ang utak para sumabak sa maduguang gera. Habang naglalakad ako hindi tumakas sa paningin ko ang mga nakabusangot na estudyante, dahil siguro kulang pa yung tawanan o kwentuhan nila o talagang they literally hate college life. Nagkibit balikat nalang ako at tumuloy na para sa first subject ko which is maduguang gera nga. Ayoko talaga sa math pero ewan ko ba, hinahabol habol ako at pilit pinagsisiksikan ang sarili sakin.

Dumeretso ako sa elevator at pinindot ang up button. Ako din yung matatawag mo na isa sa mga tamad gamitin ang hagdanan. Eh sa matagal tsaka pagpapawisan kapa pagdating sa room haggard kana.

*Ting*

Sasakay na sana ako ng elevator ng makita ko ang prof namin. Nanlaki ang mata ko at tinakip ko agad yung hawak-hawak kong mga papers sa mukha ko para matakpan. Oh shit. Napatakbo ako sa hagdan ng wala sa oras. Buti nalang at busy siya sa kakapindot ng cellphone niya. Kahit pagod na pagod na ako pinursige ko pa rin ang pagtakbo marating lang ang tuktok. Badtrip napa-aga ata si sir Ronquillo asar. Ayaw na ayaw pa naman niya yung siya pa mas unang nakakarating sa room kesa sa mga estudyante niya.

"F@#$* anong floor naba 'to?" Kinakabahan kong tanong sa sarili ko. Bakit sa lahat ng pagkakataon eh ngayon pa? Badtrip naman oh.

Halos humiga ako sa sahig ng marating ko na ang tuktok ng bundok joke. Pero shemay salamat sa katawan kong kasing payat ng kawayan parang hangin lang ang takbo ko. Ng makarecover ako mabilis kong hinatak ang room namin at malakas itong binuksan. Napangiti ako dahil mas nauna pa ako sa prof namin which is a good thing. Taas noo akong naglakad papasok at dumeretso sa upuan ko na sa dulo pa. Ewan ko perp bigla nalang tumahimik. Don't tell me amdiyan na si prof? Shit. Minadali ko na ng paglalakad dahil ayoko makakuha ng detention kay sir Ronquillo.

"Wtf hahaha"

"Anyare?"

"Binagyo teh?"

"Parang tinangay ng hangin hahaha"

Nagpintig ang dalawa kong tenga dahil sa narinig ko. Ako ba ang pinaguusapan nila? Ng malapag ko ang mga gamit ko sa upuan ko agad akong naupo. Pagtingin ko sa harap lahat sila nakatingin sa akin na para bang isa akong alien.

"What?" Kunot noo kong tinanong. Pero agad silang nagsitawanan ng mas pinagtaka ko. Ano bang problema nila? Hinayaan ko nalang sila dahil baka nanti-trip lang. Nagsitahimik naman sila ng pumasok na si sir Ronquillo na akala mo pasan ang problema sa buong mundo.

"Good mor- what happened to you Ms. Tatum?" Taas kilay nyang tanong na hindi ko naman nagets. Anong whag happened to you pinagsasasabi neto?

"Po?" Was all i can say. Then boom! Napuno ng tawanan ang room. Eh? Ako lang ba yung hindi nakakagets kung bakit sila nagtatawanan?

"You look like a mess! Ayusin mo nga yang buhok mo, parang binagyo sa gulo. Darling, kailangan mo mag-ayos. Please lang."

Namula ako sa kahihiyan kaya naman napayuko nalang ako. Kahit nahihiya ay maingat kong kinuha yung suklay ko sa bag at nagsuklay ng buhok.

"Be quiet. Moving on, our lesson for......."

Hindi na ako nakinig dahil sa inis. Ikaw ba naman ganunin sa harap ng kaklase mo hindi ba? Pnagtawanan tuloy ako ng sobra. Kung pwede lang sanang magpakain sa lupa ginawa ko na. Badtrip talaga huhuhu.

~

break time

Magisa akong kumakain sa canteen. Wala ata ako ni-isang naintindihan sa mga klase. Ewan ko ba ayaw gumana ng brain cells ko. Medyo badtrio pa rin talaga ako kanina kay Sir Ronquillo. Pahiya na nga ako mas pinahiya niya pa uwaaaah! Nahinto ako sa pagkain at pinaglaruan nalang. Nawalan tuloy ako ng gana. Tuwing inaalala ko parang ngayon palang gusto ko ng magpakuha sa mga Alien para naman maka-iwas ako sa hiya.

Tiningnan ko ang oras at nakitang 6 minutes nalang ang natitira bago nag ring ang bell. Niligpt ko na ang mga gamit ko at nagsimula ng magadventure. Loko lang.

*KRIIING*  *KRIIING*

Isa-isa kong pinagmasdan ang mga kaklase kong kating kati na umuwi at magpahinga. Yung iba mas nauna pa lumabas kesa sa guro. Samantalang ako, heto naka-upo at hinihintay na magsi-alisam sila para maka-ali na din ako.

Bigla ko naman naalala yung thesis na tatapusin ko. Hinanap ko na ang usb ko sa bag pero laking pagtataka ko lang kasi walang usb. Tinanggal ko lahat ng laman ng bag ko pero wala talaga. Shit! Nahampas ko nalang ang noo ko dahil sa katangahan ko. Nakalimutan kong kunin sa study table ko. I am so dumb.

No choice ako kundi ang itext si manong Lucio para sunduin na ako. Nagreply naman siya na kita nalang daw kami sa entrance after 10 minutes kaya naman agad akong bumaba sa building para antayin si manong.

~

"Magandang gabi po mam Zelda." Sunod-sunod na bati ng maids namin ng makarating na ako sa bahay or should i call it mansion. Masyado kasi 'tong malaki para tawaging bahay. Tinanguan ko lang sila at nagpatuloy na sa paglalakad papunta sa kwarto ko.

Hindi na ako mag aabalang tanungin kung nasaan sila mom amd dad dahil 'business' lang naman ang isasagot nila.

Agad akong nagpalit ng damit at nahiga sa kama. I miss you bed. Tomorrow is just another day same routine.

My life is so boring.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jan 18, 2017 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Let Me Love YouWhere stories live. Discover now