Mother of fuck. Bwiset lahat ng tao sa mundo. Badtrip yung pressure sa schol. Badtrip yung prof ko sa steel design na sobrang dami ng pinapagawa. Badtrip yung taxi na walang aircon na nasakyan ko kanina! At badtrip lahat!
Tipsy na ko. No. I'm drunk now. Like, super drunk. Shit. Shit. Shit. This can't be. Kailangan kong magpababa ng tama. Hindi ako makakauwi neto. Bobo mo talaga Yane! Ugh. Nahihilo ako. Wala pa namang maghahatid sakin kasi nauna na yung mga tropa ko. Nagpaiwan lang ako kasi outgoing officer ako ng org na naginduction dito sa bar at nakakahiya naman maunang umalis agad agad.
Bat ba kasi ako nalasing. Hindi naman ganun karami yung ininom ko. Hindi naman din kasi ako mainom na tao. I don't like the taste of beer or any other liquor for that matter. Tequila lang. Ang masarap lang na inumin para sakin is tequila. Oo hardcore pero hindi naman ako umiinom nun kapag hindi house party ng kakilala ko yung venue. Plus, I never get drunk easily. Tequila lang ang nakakalasing sakin kaya nga confident akong uminom ngayon. And now hindi ko alam kung bakit ako nalasing sa brandy. It's my first time drinking brandy and I'm shocked na ganito pala ang epekto nito sakin. Mas matindi pa sa tequila pero hindi masaya. Tequila makes me a super happy wild and fun drunk but this brandy shit transformed me to a dull drunk. I'm so cranky na kung sino mang lumapit sakin ay inaaway ko. Shit. This is so unprofessional di lang sa mga co-officers ko pati na rin sa mga new members ng org. I hate myself for being irresponsible again.
I tried going to the bathroom para maghilamos kanina pero kahit ang tumayo hindi ko magawa so right now my left face is resting on the table. Ako lang magisa dito sa corner. Iniwan ako ng bantay ko.
"An-druu" I said sloppily in my Ilonggo accent. Pero syempre walang nakarinig kasi malakas yung music.
"Andrew Salazar! How dare you leave me here! Sabi mo babalik ka agad tapos uwi na tayo. Huhuhu" sigaw ko habang unti unting nagbebreak down. Dahan dahan kong inangat yung ulo ko para maupo ng maayos at maayos ding umakyat ulit lahat ng hilo na meron ako. Pero kaya ko naman. Di na katulad kanina na everything is spinning. Then next step I tried standing. I removed my right foot sa patungan ng paa sa stool na inuupuan ko then pressed it on the floor.
"Success!" sigaw ko sabay ng pagtaas ng kanang kamao ko sa ere. Napalingon yung isang kuyang malapit sakin at umirap. Naingayan yata. Di ko na pinansin baka maupakan ko pa sya ng di oras napakaarte nya. Nasa bar kaya sya anong ineexpect nya makamundong katahimikan. Eh bobo ba sya? Kahit aso alam na maingay sa bar eh. May nakikita ka bang aso sa paligid ng mga bar? Wala di ba! Kasi ayaw nila ng maingay.
"Hehe" I chuckled to myself then frowned at the same time at my lame thoughts.
I started walking towards the exit. Bahala na si Andrew sa buhay niya. Kaya ko na to. Matanda na ko. Sus! Sino bang 20 years old ang di pa marunong magcommute. Marami naman sigurong cab sa labas.
Oo na. Alam ko na yung word na nasa isip mo. Pwedeng 2 letters na abbreviation o kaya french word na pinatigas ng tagalog. RK. Burgis. Hindi ko alam kung bakit gumawa ng label ang mga pinoy para sa mga taong kapantay ng estado kp sa buhay. Hindi ko alam kung insulto ba ito o kung anuman pero kasi what I hate the most in this world is labels. Ayoko ng feeling na dinidefine ka ng mga sa isang salita lang. Na parang sinabi ay burgis yan si Yane hindi natin pwede isama sa galaan ng mahihirap. RK ka naman eh barya lang yan sayo. Blah-blah-blah.
YOU ARE READING
Scenes
RandomShort stories I imagined. Disclaimer: Some are unfinished and I probably won't continue it ever. So if you hate that..I know I hate myself for leaving a story unjustly too. Enjoy?
