Alexa POV
Ate paplantsa naman ako ng uniform ko please"utos ko kay yaya.
Naligo agad ako kasi alam kong malalate na ako.12:30 ang oras ng pasok ko,11:15 na first day of school pa naman.Ayokong ma late no.Kasabay ko pumasok yung kapit bahay namin na magiging kaklase ko rin.Rica ang pangalan niya.
"Dalian natin baka ma-late pa tayo"sabi ko sakanya.
"Puntahan natin si betty"sabi ni rica.
"Kaklase rin ba natin siya?"tanong ko.
Naglakad kami papunta sa bahay ni betty.Nakita namin na nasa labas na siya ng bahay nila.Ang tangkad niya.Buti pa siya biniyayaan ng tangkad,charr.
"Hi betty"bati ko sakanya.
Nginitian niya lang ako. Awkward..
Naglakad lang kami papunta sa school,medyo malayo rin.Hinanap namin yung room 216 na nasa 2nd floor.Sa wakas nahanap na namin.Pagkapasok namin medyo onti pa lang yung dumadating.Nakalipas mga ilang minuto kumpleto na kami.Nagulat ako nang pumasok ang adviser namin,sabi nila masungit daw yun.Bahala na.
"Good Afternoon 10-Orchids"bati ng adviser namin.
"Good afternoon maam-"
"Ako si Ms.Grace Dazal"dugtong ni maam.
"Good afternoon Maam Grace"Bati namin.
"Magpakilala kayo,isa isa."Sabi ni mam
"Ako si Monica,15 yrs.old"
"Ako si Betty,15 yrs.old"
Susunod na ako sa magpapakilala.Kinakabahan ako.
"Ako si A-Alexandra,16yrs.o-old"
Sunod sunod na ang nagpapakilala.
Pinwesto kami ni maam kung san kami uupo.Nasa right ako habang yung lalaking late pumasok katabi ko na nasa left.
"Tawag ka ni maam"bulong niya sakin.
Tumayo ako at pumunta kay maam.
"Bakit po maam?"tanong ko.
"Kaya mo bang maging president?"
Nag-isip ako,bakit ako pa?
"Ay hindi,hindi ka naman mukang mataray,sige muse kanalang"dagdag ni maam.
"Sige po..."sabi ko.
"Ikaw nalang betty ang president,parang kaya mo naman ata diba?"
"Sige po"sabi ni betty"
Bukas pa ang start ng pagtuturo ni maam.
"Ikaw pala magiging katabi ko?"tanong ng katabi kong lalaki.
Medyo pogi siya,singkit at matangkad.
"Oo"
"Ako nga pala si Kent"sabi niya.
"Ako si Alexandra,but you can call me Alexa for short."
Pareho kaming nagpakilala sa isa't isa.
"Ok class,paalala bukas mag-dala kayo ng folder,bondpaper and index card"paalala ni maam.
"Pwede na kayong umuwi,good bye class,see you tomorrow"
"Goodbye maam grace"paalam naming lahat.
Wala akong kasabay umuwi.Syempre wala pa akong masyadong ka-close sa room.Nakakahiya naman kung mag-papasundo pa ako kela mama o papa,kaya ko na sarili ko noh.
"Alexa wait!"Sigaw ni Rica.
Lumingon ako at nakita kong hinahabol ako ni rica.Oo nga pala mag-kalapit lang pala kami ng bahay.Sumabay na siya sakin sa pag-uwi.Nag-kwentuhan kami about sa first day of school,kinabahan rin daw siya.Nauna siyang nakauwi kasi mas mauuna naming madadaanan yung bahay niya.
"Kamusta first day of school ate?"tanong sakin ni mama.
"Ok naman po."
"Sige kumain kana"
After kong mag-bihis agad akong kumain,Gutom na gutom na kasi ako.
Kinuha ko agad phone ko at nakita kong may gc na agad ang section namin.Si Kent ang nag-add sakin dun.Friends napala kami sa facebook!?
Omg, :>.Nakita kong may nag chat sakin at siya yun.In-open ko yung messenger ko.
Kent Delos Reyes
You're friends at facebook
K:Hello
A:Hi 😊
K:hahaha
A:Ano nga ulit yung dadalhin natin bukas?
K:Folder,Bondpaper at indexcard
A:Salamat😅
Seen 6:32 pm✔️
Aw.Sineen lang ako :((
Inayos ko na yung iba kong gamit para bukas.Pag-katapos nun natulog nalang ako.Seenzoned pa ako :-(
YOU ARE READING
Maybe,Just Maybe
FanfictionI am Alexandra Gaelle Franzisca,but they call me Alexa o Gaelle inshort.I'm a 4th year highschool student at 16 yrs.old na ako.I have 3 friends,totoo sila at di plastik.Yung Isa may lovelife na,yung isa naman iniwan lang,kaming dalawa naman ng isa...
