CLOSER TO LOVE ♥ 2

Magsimula sa umpisa
                                    

" I missed you too so much anak. Pero mamaya na ang mga pasalubong mo may importante tayong pag-uusapan sa ngayon. Anak, siya si Luke Sandoval. Anak ng isa kong  nasirang kaibigan. Luke, eto naman ang aking unica hija, si Sunshine."

"Hello Sunshine. Nice to meet you. At hindi ako magnanakaw." seryosong sabi nito sa kanya.

Namula ang pisngi niya dahil sa hiya. Napahiya na nga siya, ipinaalala na naman nito. "Hi po, Mr. Sandoval."

"How are you anak? Anong pinagkaabalahan mo habang wala ako?" usisa ng daddy niya.

"I'm fine dad. Can't you see? I'm still beautiful as ever!Hahaha!" ganon palagi ang biro niya sa daddy niya, pero maganda naman talaga siya. " School and friends the most."

"Hindi ka ba lumabas or nag party habang wala ako?"

"Dad, di ba sabi mo bawal? Tsaka busy po kami sa school, malapit na kasi ang quarterly exams."

" Good girl. Siguro naman anak, nababalitaan mo ang current news ngayon, maraming kabataang babae ang hinoholdap, kinikidnap, nire-rape and much worse pinapatay. Most of them are as young as you are."

"Dad, just talk about that when we're alone, please. Nakakahiya naman po sa bisita mo." Wala na ang mommy niya na dapat sana ay nangangaral sa kanya, kaya ang daddy niya ang gumagawa niyon. Pero ang pangaralan siya sa harap ng ibang tao ay hindi niya matatanggap. It should be between her and her dad only.

"Anak kaya nga siya nandito, dahil kailangan malaman niya ang mga nangyayari sa iyo."

"Huh? But why? I don't understand..."naguguluhang tanong niya.

"Shine, nagdadalaga kana. Ngayon pa nga lang mukha ka ng dalaga sa paningin ng iba. But to me, you are still my baby. And you are so precious to me. At natatakot akong mangyari sa iyo ang mga laman ng mga balita. Yes you are beautiful, rich, an heiress and a girl. That makes you a target. And we want to avoid that. We want to protect you. Kaya nandito si Mr. Sandoval."

"What do you mean?"

"Siya ang magiging personal driver at bodyguard mo."

"Whaaaatttt???!My bodyguard???" gulat na gulat siya sa sinabi nito. Hindi niya akalaing ganoon kaseryoso ang pag-uusapan nila ng daddy niya.

"You heard it right anak. Magkakaroon ka ng bodyguard. Nag-iisa ka lang at hindi ko makakayanan kung may mangyaring masama sayo. Nawala na nga ang mommy mo, I can't lose you too, anak."

"But, Manong Roger is with me. He can take care of me. I don't need a bodyguard like him." sabay tingin sa lalaki. Mataman lang siya nitong tinitignan at walang siyang nakuhang reaksiyon mula rito. He was sitting upright, animo isang sundalo sa tigas ng pagkakaupo nito.

"Oo anak. Pero paano kung de-baril ang mga masasamang loob na iyon? Ano ang magagawa ni Manong Roger para sa iyo? Kaya ka ba niyang iligtas? Isa pa tumatanda na siya, kailangan din natin konsiderahin ang kalagayan niya. Don't worry anak, Luke here is qualified for the job."

"Huh?"

"He is a member of the U.S. Army and the Special Forces who fought in Iraq. So you see, wala kang aalalahanin dahil magaling ang bodyguard mo. At mapapanatag ang loob ko."

Napatingin siya sa lalaki. Member of U.S. Army? At galing ito ng Iraq? Tama lang talaga ang naging reaksiyon niya dito kaninang natakot siya at mapagkamalang itong magnanakaw. Dahil talaga namang may dahilan upang matakot siya. In fact, nakakatakot talaga ito at natatakot na siya sa lalaki. Kaya pala ganoon tumindig ito, sundalo pala ito. She's hating him already.

"Siya na ang maghahatid sa iyo sa school at sasama sa lahat ng mga lakad mo. Babantayan ka niya sa school pero didistansiya naman siya. I just want you safe hanggang mainit pa ang issue. Kapag nahuli na ang mga sindikato, then back to normal kana ulit sa nakasanayan mo. "

"Pero dad, how about Manong Roger? You can't just dump him like that..." mahal niya si Manong Roger at bata pa siya ay ito na ang taga hatid - sundo niya sa school. Lolo na nga ang turing niya rito.

"Anak, matagal ng nagsabi sa akin si Mang Roger sa pagreretiro niya. And this is the right time. Anyway, ano ba ang ikinatatakot mo kay Luke? He's one of the best and you are lucky to have him beside you."

"Dad! Lucky?! Nooo!!! I don't like him." walang kagatol-gatol niyang sagot. Lucky??? I feel doomed! Hitsura pa lang ng lalaki, mukhang walang lulugaran ang pagka- spoiled brat niya rito.

"But why?" ang daddy naman niya ang tila naguguluhan.

Tumingin siya sa lalaki at nakita na naman ang kaseryosohan sa mukha nito. Marunong kaya itong tumawa? Masyado itong serious. He looked so stiff and dangerous. Sa haba ng usapan nila ng daddy niya, nanatiling tahimik lang ito at nakinig sa pag-uusap cum sermon ng daddy niya. Hindi man lang ito tumutol, sabagay it's a job for him.

"I'm scared of him, daddy." Seryoso ang mukha ng bisita ng daddy niya, at talagan natatakot siya rito.

"Well, that's good. Mabuti na ngang may takot ka kay Luke." mukhang ikinatuwa pa ng daddy niya ang pagkatakot niya sa lalaki.

"What- "

Bumaling ang daddy niya sa lalaki. "Luke, ipinagkakatiwala ko sa iyo ang aking anak. She's young, feisty and sometimes a brat. I admit we have spoiled her so much. So if ever she doesn't do what you say and crosses the line, feel free to spank her on her butt so that she may learn. Para magtanda. "

"Daddy!!! I don't need spanking! You never did spank me, so why would you allow him to do that to me?" naiinis na siya sa daddy niya at hindi na niya naiintindihan ang takbo ng usapan.

 "Dahil yun ang hindi ko nagawa sa iyo, anak. Luke, I'm very busy and always out of the country. Dahil alam kong babantayan mo ang anak ko, mapapanatag na ang kalooban ko."

"Yes, Sir. Makakaasa ho kayo." sagot ng lalaki na lalong ikinainis ng dalagita.

Tumayo na ang daddy niya. "By the way iha, Luke will stay at the room adjoining yours. Mabuti na yung 24/7  siyang nakabantay sa iyo." Parang bomba na sumabog na sabi nito.

"Whaaaaat??? Daddy naman! Why there? There are other rooms! Let him stay at one of the guest rooms!" inis na talaga siya! Bakit naman doon pa sa katabing kuwarto niya ito mg-i-istay?

She felt like a high profile prisoner needed to be guarded at all times!

"As I said, para mabantayan ka niyang mabuti. Luke, I believe you have something to discuss with her, so I will leave you two now, magpapahinga lang muna ako. I'll see you at dinner."  anang daddy niya at tuluyan ng lumabas.

CLOSER TO LOVETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon