Chapter 2

309 7 0
                                    




Pasado alas diyes na nang tahakin ko ang EDSA papunta sa isang Subdivision saan naroon ang malaking bahay ni Mark. Nakagawian ko nang makinig sa mga love songs habang nagmamaneho upang ma-relax. Madalas, nakiki-sing-along ako. Three years pa lang mula no'ng matuto akong magmaneho, medyo nerbyosa ako noon at palaging nakaapak sa break kahit hindi kailangan. Payo ni Jenny, subukan ko raw makinig ng music para ma-relax ako tuwing nagmamaneho. Sinubukan ko at mukha namang napapakalma nga ako ng music, lalo na ang mga oldies na love songs.

Alas onse nang makarating ako sa bahay ni Mark. Marami nang kotse na naka-park sa labas lang ng bahay niya. Mabuti na lang at swerteng may puting kotse na kakaalis lang kaya nagkaroon ako ng parking space malapit lang talaga sa gate na nanatiling nakabukas kahit pa maghahating-gabi na. Marami nang mga taong nakakalat mula sa gate hanggang sa front door. Karamihan sa kanila ay magkakapareha na masyadong busy sa tamis ng isa't-isa, walang pakialam kahit pa makita sila ng iba. Malamang ay mga lasing na ang mga ito.

I went straight to the living room and found Mark sitting on one of the couch, with a beautiful and sexy girl I've never seen before. Bagong girlfriend siguro. Sa posisyon nilang nakakandong ang babae kahit na malaki naman ang space sa tabi ni Mark, malamang new girlfriend nga... or isa lang sa mga girlfriends.

"Hey Mark! Happy birthday!" Pang-iistorbo ko sa malagkit na staring contest nilang dalawa. Ayoko nang hintayin pang magtukaan sila bago ako sumingit, awkward 'yon masyado.

"Oh! Carlyn! Dumating ka rin! Sabi ni Jared maysakit ka at hindi ka makakarating ngayon," he smiled.

Ngumiti rin ang babae sa akin, sensing that I'm not a threat to their budding relationship. Nakangiting tinanguan ko lang siya. Ipinatong ko ang dala kong gift sa coffee table. Ito ang binili namin ni Jared last week sa mall.

"It took a little nap and a paracetamol to chase it away. I don't want my boyfriend to be lonely here with lots of happy couples around. Baka mainggit siya masyado, kawawa naman. Nasa'n nga pala siya?" Iginala ko ang paningin ko sa paligid at tiningnan ang mga taong busy sa kanilang hawak na food, drinks, o di kaya'y mga body parts ng mga partner nila.

"Yeah! Poor guy! He was here a while ago. Ewan kung nasa'n na ngayon. Try the kitchen, or the pool."

"I guess I'll just hunt him down then. Sige, iiwan na kita at hindi na kita iistorbohin muli," natatawang nagpaalam na ako.

May tatlong babae sa kitchen. Kumakain sila ng fruit salad at masayang nagtatawanan. May sarili silang mundo dito sa kitchen. Kilala ko sa mukha ang isang medyo chubby pero charming na babae. Medyo matagal na siyang kaibigan nina Mark at never pa siyang umabsent sa mga parties. Unfortunately, hindi ko matandaan ang pangalan niya.

"Hi! Nakita n'yo si Jared?" Nagtanong na lang ako.

"Pumasok dito upang kumuha ng wine kanina. Lumabas din agad. Baka nasa pool," sagot ni chubby na itinuro ang pinto ng kusina. Papunta 'yon sa pool.

"Thanks!" Nakangiting iniwanan ko na sila.

Marami ring couples sa pool. May mga nagtatawanan, naghaharutan, at meron pang nagsu-swimming lesson. Basta't lahat sila ay sweet-sweetan, nakakainggit tingnan. I scanned the area for any sign of Jared pero mukhang wala talaga siya rito.

Hindi kaya umuwi na lang siya dahil nga wala ako? Sana pala nag-text na lang ako bago pumunta dito. Sayang lang tuloy ang oras ko, nagpahinga na lang sana ako. Kung ganitong wala si Jared dito, hindi rin ako mag-i-enjoy, it's best to go home.

Unwanted SurprisesWhere stories live. Discover now